"PWEDE ko bang sakyan si Lorenzo?" tanong ko kay Lorenzo na siyang naglilinis ng mga kwadra ngayon. "Delikado tayo riyan, Ma'am. Baka magalit si Sir Caliban." "Mag-iingat naman ako." Lumapit ako kay Lorenzo. "Isa pa, pwede namang magpa-alalay ako kay Michael." "Aalis si Michael, Ma'am. Si Danilo naman, siguro'y pwede. Pero wala akong tiwala." Ngumisi ito. "Baka masisante kami kapag naaksidente ka." May puwang pa rin sa memorya ng mga ito ang pangyayaring iyon. Napanguso ako habang hinihimas si Lorenzo. That was because I was a newbie. I was reckless. Nagpanic si Lorenzo dahil sa akin pero hindi ko na uulitin iyon. "Malapit na akong umuwi, Anton. Gusto kong matuto," sabi ko pa skaanya. "Hindi naman kita pinipigilan, Ma'am Liberty. Ang sa akin lang, magsabi ka kay Sir Caliban." "He's

