DAYS had passed and it was such a blast. Araw-araw ay umiikot ako sa farm para makihalubilo at matuto ng gawain nila. I helped the workers plant seeds, collect eggs from the poultry, milk the cows, clean the machinery and equipment. There were so many things to do and I enjoyed it. Lahat ng mga iyon. Lalo na’t kasama ko si Caliban na siyang nagtuturo sa akin ng mga gagawin. Halos iyon lang ang inatupag ko sa dumaang mga araw. I would leave early and come back tired. Pag-uwi ko, masyado na akong hapo para gumawa pa ng kahit ano. It was tiring but worth it. And I am looking forward for more days. Bawat araw ay napapalapit ang puso ko sa farm. Sa tuwing binubukas ko ang mata sa umaga, ang paglabas para lumibot sa ekta-ektaryang lupain ni Papa ang agad na naiisip ko. It was as if nothing else

