NANATILI akong nakatayo sa harapan nila. Si Caliban, seryoso ang tingin doon sa babae. Si Hepe, mukhang maiihi sa kaba at takot habang iyong babae naman… Nakahawak na ito sa braso ni Caliban habang humihimas. Nag-iwas ako ng tingin doon. Hindi ko kilala kung sino ito. Sa isang buwan ko rito, hindi kahit isang beses ko siyang nakita. Malapit ba sila ni Caliban? Magkaibigan? Magkasintahan? But he was the one who said he’s single. Kaano-ano niya ang babaeng ito, kung ganoon? “Vanessa, why are you here?” tanong ni Caliban sa matigas na ingles sabay kuha sa mga kamay nito. “Kasi namimiss na kita! You’ve been avoiding me! Kahit paulit-ulit kong binibilinan ang mga tao rito na sabihan ako kapag nakabalik ka na, sa huli, tinago pa rin nila sa akin! Bakit?” “Narito ang anak ng may-ari ng far

