3RD PERSON
Nang makaalis sila Alessandro ay Agad tinimbre nila Mad ang hideout ng mga Dumukot sa mga Bata. Agad namang nagkasa ng operation ang mga Kapulisan.
Ibinalita naman ni Mad kay Penny ang operation at naghihintay ang dalaga ng update.
"Mad, pwede ba akong sumama?" Tanong ni Penny rito.
"Penny, Hwag na lang muna siguro, alam mo na walang nakakaalam ng raid na iyon. Baka mabulilyaso pa.
"Pero Mad, gusto ko din makita san nila dinala ang anak ko."
"Sige..Papayag na ako pero di ka pwede sumama. Sa Police station kana lang din maghintay tulad ng ibang mga magulang Okay?"
"Sige Mad, basta mailigtas si Ali at ang ibang mga Bata." Wika pa nito.
Katulad ng ibang mga magulang ay matyaga syang naghintay sa Police station. Dasal sya ng dasal na sana ay Makauwi ng ligtas ang mga Bata.
Ilang oras pa ang lumipas ay natanaw nila ang police mobil, kasunod nito ay ang Ambulancia.
10 mga lalaki ang ibinaba sakay ng dalawang Mobil, Samantala ng buksan naman ang Ambulancia ay Mga pulis din ang sakay nito at may nurse din kasama ang mga bata.
Isa isang bumaba ang mga ito habang ang mga magulang ay naluluhang sumalubong.
Lumapit si Penny at hinihintay ang pagbaba pa. Ngunit nagulat sya ng isarado na ang sasakyan.
"Sandali...Mad..Asan si Ali? Bakit lima lang ang nakabalik? Nasaan ang anak ko?" Naiiyak na wika ni Penny.
Lumapit naman sa kanya si Mad saka sya niyakap.
"Mad, ano..nasan ang anak ko? Bakit hindi nyo kasama si Ali? Sumagot kayo nasan ang anak ko?!" Sigaw ng dalaga habang napaupo na sa pag iyak.
"I'm sorry Penny, wala si Ali," anya ni Mad na naluluha na rin.
Hindi na napigilan ni Penny kaya tumakbo sya papasok sa loob at hinabol ang papasok na police patungo sa mga suspect.
"Officer sandali, bakit po lima lang ang mga bata, kasama po sa dinukot ang Anak ko, bakit hindi po kasama ang anak ko sa binalik, nasan po ang Anak ko?" Sigaw ni Penny habang halos lumuhod sa harap ng pulis.
"Im sorry Miss, itatanong padin namin sa mga suspect kung totoo ang sinabi ng isa."
Anya ng pulis.
Sumunod naman si Penny dito hangang sa makita nya ang 10 lalaki na mga dumukot sa mga bata.
"Ano nasaan ang isang bata? Bakit lima lamang ang bumalik?" Tanong ng pulis ngunit wala ni Isang umimik.
"Ano walang Iimik? Nasan sabi ang isang bata?" Anya ng isang batang pulis saka nagkasa ng Baril.
"Wala na po yung isang bata Sir, Binenta na po namin sya sa halagang Apat na Milyon." Yon po kasing batang yon ang mabenta, dapat nga po 2 Milyon lang, pero Tinapatan po nung bumili ng apat na milyon kaya sa kanya po namin binigay."
Pagkarinig ni Penny Sa Sinabi ng lalaki ay agad nyang sinugod ito. Di naman akalain ng lalaki na susugurin sya ni Penny kaya tinamaan ng bitbit na Tumbler sa Mukha ang lalaki. Dahilan na dumugo ang Nguso nito.
Agad namang pinigilan si Penny ng mga police na naroon.
"Aray Ko Punyeta kang Babae ka! Anya nito at akmang aabutin pa si Penny ngunit binanatan lang ito ng Batang pulis.
" PUTANG INA MO RIN!
"Mga Walanghiya! Mga Hayop kayo! Ang kapal ng mga Mukha nyong ibenta ang Anak ko! Ano bang akala nyo sa Anak ko? Alagang Hayop na pwede nyong ibenta?"
"Nasan ang ka transact mo?"
"Hindi ko na alam Sir, basta nag bayaran na umalis na rin kami, at di ko na alam, pera lang naman ang importante sa amin. Bahala na sya sa gusto nyang gawin sa bata!" Anya pa nito kaya lalong naiyak si Penny.
"Hayop ka! Pag may nangyaring masama sa anak ko, Hindi kita mapapatawad hangang sa mamatay ka!
"Sigaw ni Penny na halos manginig na sa pag iyak. Dinaluhan naman sya ni Mad."
Habang Hawak sya ng isang Binatang Police."
"Miss Tama na, baka makasama pa sayo Yan." Anya nito at inabutan pa ng panyonang dalaga.
"Miss, Wala na akong Magagawa! Nangyari na nga diba? Nahuli na rin kami, Oo Binenta ko ang anak mo Dahil kailangan namin ng pera! Wala akong Idea kung anong gagawin ng nakabili sa anak mo, pero eto lang ang masasabi ko, Sa tingin ko naman ay Mabuting Tao yung napagbentahan ko, Noong inabot ko pa ang Anak mo, Mas sumama pa doon sa Lalaki kesa sa akin. Saka tinawag pang Daddy Nung Bata. Sa Tingin ko naman ay Mabuting tao ang bumili sa kanya pero aside don Wala na akong alam at mabibigay na impormasyon." Saad pa nito.
Tanging iyak na lamang ang ginawa ni Penny, ang mga lalaki naman ay pinasok na sa Piitan.
Patong patong na kaso ang pinataw sa mga Salarin.
Samantalang sa byahe naman ay walang nagawa si Penny kundi ang umiyak.
"Penny Tama na, sa ngayon wala pa tayong magagawa, hindi pa natin alam kung sino ang nakabili kay Ali, pero at least narinig mo naman yung Sabi ng lalaki diba? Mukang mabait yung nakabili kay Ali, at mas sumama pa daw doon kesa sa kanila. Ibig sabihin naramdaman ni Ali na mabuting tao yung kukuha sa kanya." Wika ni Mad habang naka focus ang mata sa kalsada.
"Paano kung mukang mabait lang? Paano kapag pinagmalupitan ang anak ko? Baka mamaya saktan si Ali, abusuhin si Ali, kawawa naman ang anak ko Mad."
"Shhh...Penny, Ipagdasal nalang natin si Ali palagi okay? Sa ngayon wala pa tayong makuha agad na lead kung kanino nila Binenta pero malay natin sa mga susunod na panahon, mag reach out satin yung nakabili at ibalik si Ali, possible naman yon diba? kaya magpaka Tatag ka.
"Pero hangang kelan Mad? Hangang kelan ako mangungulila sa Anak ko?
Hindi pa ako gaanong naghihilom sa pagkawala ni Alessandro ngayon si Ali naman, Parang gusto ko nalang din mawala." Iyak na wika ng dalaga.
"Shhh..Tahan na Penny, mabuti kang tao, at alam ng Dyos kung gaano mo ka mahal si Ali, kaya sigurado ako na di nya pababayan ang mga mahal mo, di nya pababayaan si Ali."
Paliwanag pa dito ni Mad.
Samantala
PENNY
Mas pinili ko ang maging mapag isa sa bahay. Iyak lamang ako ng iyak ngunit tila wala na akong mailuha pa. Nakatingin ako sa larawan ng dalawang lalaking mahal ko, walang iba kundi ang Mag ama ko.
Iniwan na nila ako pareho. Si Alessandro Sumakabilang Buhay, Si Ali naman hindi ko na alam kung nasaan. Kapag naiisip ko kung kumusta na sya, kumain na ba sya? Hindi ko mapigilan na di maiyak. Ang sabi ni mAd ay panghawakan ko na lang ang huling sinabi ng lalaki na mukang mabuting tao naman ang nakabili sa anak ko pero di mawala sa isip ko na paanonkung hindi?
Ang mga unang gabi na wala si Ali ay tila ikamatay ko. Madalas akong magising sa gabi dahil napapanaginipan ko si Ali na gustong Dumede. Minsan naaalimpungatan ako at agad na itataas ang aking damit para pasusuhin sya saka koa re realize na wala pala sya. Na tanging unan nya lamang ang katabi ko.
Sa mga oras na yon magsisimula na naman ang pagtulo ng luha ko hangang sa makatulugan ko na.
Sa pagkawala ni Ali ay Bumagsak ang katawan ko dahil palagi na akong Puyat at hindi din kumakain. Hangang sa isang araw naabutan na lang ako nila Mad na walang malay kaya agad akong sinugod sa Hospital. Ni resetahan ako ng gamot at bitamina. Pinayo rin sa akin na hwag ako mag puyat at kumain ng mga masustansya. Binigyan din ako ng gamot na dapat kong inumin kapag nababalisa ako para mapakalma.
Dinalaw nila ako sa Hospital, inaaliw nila ako para mawala ang lungkot ko, bahagya lamang ako ngingiti pero kapag ako na lamang ay doon ako aatakihin ng kalungkutan.
Makalipas ang isang buwan ay nag desisyon ako na ayusin ang aking sarili.
Inalala ko ang sinabi ng Kidnapper. Ang sabi nya ay Binili si Ali sa halagang Apat na Milyon. Tama si Mad, kailangan ko magpakatatag ako, hindi para sa sarili ko kundi para kay Ali. Para balang araw mabawi ko kung na kanino man ang anak ko.
Nang araw na yon ay Nag report na rin ako sa School nasa 3rd year na naman ako at Midterm na namin.
Isang taon na lamang at makaka Graduate narin ako. Sisikapin ko makakuha ng magandang Trabaho saka ako mag iipon, hahanapin ko ang anak ko.
Halos magulat pa sila ng makita nila ako sa School, parang nag blooming daw amo, nginitian ko lamang ang mga papuri nila saka ako nag focus sa pag aaral.
Isang araw bago mag uwian ay napadaan ako sa May park kung saan Maraming bata na naglalaro. Bigla ko na miss si Ali, Kung andito lamang sya ay pinasyal ko na sana sya dito.
Paalis na sana ako ngunit pag lapit ko sa may Tulay ay nakakita ako ng batang umiiyak kaya nilapitan ko ito.
"Oh Bata, bat ka umiiyak?"
"Yung Lobo ko po kasi Sumabit po sa May Puno ayon po oh? Anya ng bata saka ininguso ang Lobonna sumabit sa may Puno malapit sa Tulay. Nakadama naman ako ng awa sa bata.
"Oo nga sumabit, sige Kukunin ni Ate Ah, pero wag ka na iiyak okay?"
"Okay po Ate." Sagot ng bata saka ngumiti.
Agad naman akong naghubad ng sapatos saka ako marahang sumampa sa tulay, Napatingin ako sa Ilog mataas pala iyon at mukang malalim. Humakbang ako ng Ilang beses para sana abutin ang lobo ngunit di ko maiwasan na lumingon sa ilog.
Isang hakbang ko pa para abutin ang Lobo, Bwe bwelo palang ako para abutin ito ay laking gulat ko ng biglang may Yunakap mula sa likod ko saka Kami parehong napagulong sa kalsada.
"Miss Hwag mo gagawin yang, Malaking kasalanan yan." Anya nito habang yakap yakap parin ako sa likod.
Halos magulat naman ako sa ginawa ng Lalaki kaya napatingin ako dito.
"Miss, alam ko na masakit ang nararamdaman mo, pero hindi solusyon ang pagkitil sa Buhay, Maraming naghahangad mabuhay kaya please hwag mo sayangin." Naiiyak na wika nito habang nakatingin sa akin.
"Huh? Officer anong sinasabi mo?"
"Miss, Tatalon ka diba? Hindi sagot iyon" anya nito saka pinahid ang luha sa gilid ng mata."
"Huh? Sorry Officer pero mali ang iniisip mo, Hindi ako magpapakamatay, Nakita ko kasi yung bata na umiiyak, lumipad pala yung lobo nya at sumabit sa puno kaya tinangka kong Kunin." Wika ko dito saka napatingin sa kanya pati sa siko nya.
"Huh? Ga.ganon ba? Naku sorry Miss, akala ko kasi magpapatiwakal ka." Anya pa nito saka bumangon at Inalalayan ako patayo.
"Sorry, nasaktan ka ba?" Tanong nito.
"Okay lang ako, Mukang ikaw ang may Galos, dahil sa pag protekta mo sa akin ikaw ang nagasgasan sa siko." Anya ko dito dahil nakita ko ang gasgas sa siko nya.
"Wala to, Wait lang ah." paalam nya saka kinuha ang lobo ng bata na sumabit sa puno.
Nagkataon naman na may dala akong alcohol at Wipes kaya hinintay ko sya makabalik sa bench.
"Sorry talaga Miss ah, akala ko talaga tatalon ka."
"Hehe, Wala yon, naawa lang talaga ako sa bata, nga pala, gamutin natin yang sugat mo." Wika ko dito saka iniabot ang alcohol.
"Salamat Miss ha, nga pala Ako nga pala si..
"Primavera" wika ko saka natawa, yon kasi ang nakalagay sa name tag sa uniform nya.
"Hehe, Nakita mo sa Damit ko eh, Pero tama ka Police Captain Primavera nga pala. But you can call me Farriz, and You?." Nakangiting wika nito saka inilahad ang kamay.
"Penelope, but you can call me Penny." Pakilala ko rito.
Inabot ko ang kanyang kamay saka ako nakipag kamay dito. Tulad ko ay meron din syang singsing sa palasingsingan. Di ko na lamang inalam yung sa kanya.
Matapos gamutin ang siko ay nagpasalamat sya sa Alcohol na pinagamit ko.
"Salamat Penny ha, Ingat ka pag uwi, Pag may balita sa Baby mo Babalitaan kita, sa ngayon hayaan nating mag dusa ang mga kidnapper na iyon." Dagdag pa nito.
Tumango na lamang ako saka nagpaalam din dito.
"Gusto mo bang isabay na kita?"
"Naku hindi na Farriz Salamat na lang ingat ka ah." Anya ko naman dito saka ako naglakad papalayo.