PENNY Halos mabigla pa ako ng gisingin ako ni Mama at Sabihin na parating si Alessandro or Master Venom. Hindi pa talaga ako handa na makita syang uli. Nagtago lamang kami sa kwarto ng mga bata. Mabuti na lamang at tulog ang dalawa at nung magising ang mga ito ay tahimik lamang sila sa loob ng kwarto. Habang ako naman ay nakikinig malapit sa pinto. Doon ay narinig ko ang mga sinabi ni Alessandro. Na pati simula ng makita nya ako sa Bar. Hangang sa nagpanggap na syang Talyer Boy para mapalapit sa akin. Habang naririnig ko ang mga sinasabi nya ay pumapatak ang luha ko. Para kasing nagbabalik ako sa sitwasyon kung saan kami nagsimula. Napailing na lamang ako. Kapag naisip ko kung anong effort ang ginawa nya para magpanggap na mahirap. Bakit nga ba hindi ko napansin ang bagay na iyon? Sig

