PENELOPE
Pagdating ko ay wala sila Tita nag simba daw sila sa Baclaran. Iniayos ko naman ang mga pinamili namin sa Mall.
Binilhan ko din si Tita at Tito ng Couple Shirt.
Maya maya lamang ay tumawag si Master Venom. Kaya agad ko itong Sinagot.
"Hi Penny, did you enjoy your trip with Ava? Did you buy the things you wanted to buy?" Sunod sunod na tanong nito.
"Oo yung iba, ayaw ko sana kaso si Ava, baka daw pagalitan mo sya kapag di ako namili kaya pumili na rin ako." Sagot ko rito.
"Yeah, kaya nga kita pinasamahan para bilhin ang mga gusto mo at mga bagay na di mo pa nararanasan." Sagot pa nito sa kabilang linya.
"Oo nga, pero di naman to the point na sobrang mamahal. Grabe yung presyo sa Kinainan namin halos umabot ng 20k isang kainan lang? E siguro hindi namin kikitain yung halaga non sa isang buwan, tapos nagastos lang sa isang kainan?"
"Ok lang yon, at least na experience mo." Sagot pa nito. Hindi talaga ako mananalo dito. Sya na talaga ang mayaman.
"Ok, wala na wag kana magalit dahil binili ko na rin naman
Pero salamat ah, nga pala binilhan ko na rin si Jhovell at sila tita, tutal gusto mo rin naman na gumastos ako diba so ayon nilubos ko na.
"No problem, mahalaga nag enjoy ka. Ok, Hintayin mo nalang ulit ang message ko kung kelan kita ulit ipatatawag." Sagot nya pa sa akin.
Ibinaba ko na din ang phone saka itinuloy ang pag aayos.
Ininit ko na rin ang pagkain na ipinauwi ni Ava.
Ilang minuto lamang ay dumating na rin naman sila Tito at Tita.
"Tita, Tito Mano Po" bati ko sa mga ito.
"Oh narito ka na pala."
"Opo tita Halos kararating lang din po." Opo nga pala gutom na po ba kayo? Nakapagsaing na po ako at naiinit ko na rin po yung uwi kong pagkain. Nag bait po kasi ni Ms.Ava, bago kami umuwi kumain pa kami kanina at dumaan saglit sa Mall." Saad ko pa rito.
"Ganon ba, salamat Hija, tama gutom na rin kami ng Tito mo, dapat talaga ay kakain na kami doon kaso sabi ko sa Tito mo dito nalang, sayang kung ikakain pa namin doon, ipunin nalang kako namin
Para pandagdag narin sa operation ko."
"Ay Tita, speaking of operation po, Makakapag paopera na po kayo." Nakangiting balita ko dito."
"Huh? Paano? Medyo malaki pa ang kulang ng pera natin Nak."
"Heto Tita, Pang Dagdag po." Anya ko saka iniabot ang Trenta Mil. Halos manlaki naman ang Mata nila sa pera na nasa harap nila, Kung sa iba ay di ito gaano kalaki, pero sa tulad namin ay sobrang laking amount na nito."
"Bakit may ganito ka kalaking halaga, Penny nak, baka mamaya kung anong trabaho na ang pinapasok mo?" Taning ni Tita sa akin.
"Oo nga Penny, napakalaking halaga nito."
"Ahm..Tito Tita, nakakuha po kasi ako ng Bagong Trabaho. Medyo malaki lang po magpasahod yung Amo ko. Saka..inadvance ko po yung iba kong sahod kaya po Ganyan kalaki, kaya sa susunod po, konti nalang ibibigay nyang sahod ibabawas nalang po yang Trenta Mil na binale ko." Pagsisiningaling ko sa mga ito, medyo guilty pero yan lamang ang paraan na pwede ko idahilan. Alam kong di nila magugustuhan kapag nalaman nila na ang posible kong trabaho ay magbigay ng Aliw kay Master Venom sa mga oras na kailangan ako nito.
Bago pa mapunta sa ibang usapan ay inilabas ko na rin ang couple shirt na bigay ko sa kanila.
"Ahm..eto rin po pala, para sa inyo anniversary gift ko po, pinag ipunan ko naman po yan." Wika ko saka sila nginitian.
'Naku salamat penny ah, tamang tama ito kapag mag sisimba kami ng Tita mo."
"Oo nga Hija, sakto sunod naming balak ay sumimba sa Antipolo." Nakangiting wika pa ni Tita.
"Aba ay sakto nga po pala hehe" anya ko naman kaya nagtawanan kami. Kumain na rin naman kami pagkatapos.
Kinabukasan ay nag asikaso na ako papasok.
Suot ko ang binili kong underwear sa mall, palihim ko lamang itong nilabhan kagabi saka itinapat sa electicfan. Parang walang suot na panty sa pakiramdam. Kaya nag suot parin ako ng cycling dahil skirt ang uniform namin. Marami pa naman manyakis sa school. Hindi lang Estudyante kundi may ibang instructor din.
Pagpasok ko ay sa school na kami nagkita ni Jhovell. Hinintay pa talaga ako sa may Arko mg school para dae sabay kami papasok sa room.
"Oh, bat andito ka pa?"
"Syempre hinintay kita, gusto ko kasama ka papasok sa room hehe, ang bango ng gamit mong pabango amoy marshmallow hehe." Anya nito gamit ko kasi ang Bare Vanilla ng VS na binili namin kahapon.
"Oo ginamit ko na yong perfume na binili natin nila Ava."
"Hmmm...hehe Kaya pala amoy expensive ka besh..deadma mo na si Juicy cologne hahaha."
"Gagi, sinubukan ko lang naman, sayang naman diba kung di ko gagamitin, saka pag naubos na to back to Juicy na ako ulit, ang mahal kaya nito, isang box na Juicy na mabibili ko."
"Weh, hahaa Pag nalaman ni Master Venom yan baka bigyan ka ng supply nyang VS hahaha, teka yung Binili natin na Thong suot mo na?" Usisa nya sa akin.
"Oo sinuot ko, grabe harap lang talaga ang may Takip tapos kakapiraso pa pagsa likod nga para kang walang suot."
"Haha ganyan nga talaga yan, dapat sinasanay mo naagsuot nyan haha."
"Sinubukan ko nga, ok naman pero di ako comfortable kaya nag cycling ako, alam mo naman dami mga gago dito sa school natin mamaya pag tripan pa ako."
"Oo nga, saka si Mr. Villela pansin ko panay ang titig sayo, type ka ata."
"Ay, speaking besh, subject pa natin yon pala mamaya sa P.E buti nalang talaga nag Cycling ako, di rin ako comfortable sa kanya, ilang beses ko rin syang nahuhuling naka titig sa Dibdib ko." Sagot ko naman, totoo naman di ako komportable sa kanya.
"Ano na naman kaya ipapagawa non satin , pero si Winnie panay ang papansin don hahaha, type mya ata haha may itsura naman sana kaso mukang manyakis galawan haha." Anya pa ni Jhovell.
Dumiretso na kami sa Room, nasa pinto pa lamang kami ay kami na ang Topic sa room na pinangungunahan ni Winnie at Miley. Tahimik lamang kami na naupo.
"Hello Penny, Hello Jhovell? Nakita ko yung Post nyo sa My Day, talaga mag Wolfgang's kayo? Buti afford nyo? Nag Sb rin kayo? Katuwa naman naranasan nyo kumain sa mga Mamahalin Kainan at makainom ng SB sa tanang Buhay nyo." Anya ni Miley.
Hindi na lang sana ako papatol ng7nit nagsalita si Jhovell.
"Actually first time lang talaga namin don, di nga kami aware na ganon ka mahal eh, pero at least nag enjoy kami saka may Take out pa hehe."
"Talaga Jhovell, Nakita ko rin yong pic nyo ni Penny, nag Okada kayo? Ang Saya niyonsa pic, next time sama nio ako." Anya naman ni Winnie."
"Haha, really Winnie sasama ka sa kanila? I think they are not really mayaman, Sinama nga lang sila don diba, So bakit you want to go with them? Dapat sa katulad lang natin? Baka nga mamaya may Sugar Daddy yan sila kaya sila nakapunta sa mga yon." Dagdag pa nito.
Sa sinabing iyon ni Miley ayas natahimik ako, buti na lamang at dumating na si Mrs.Perez ang naka atas na guro namin sa subject na iyon.
Mabilis naman na lumipas ang subject namin, discussion then quiz at dismissed na rin. P.E na ang susunod na Subject, hindi namam sa ayaw ko mg subject pero di ako comfortable kay Sir Villela, Lalaki din naman amg PE teacher ko noong mga nagdaang taon pero di ako nakaramdam ng discomfort sa mga ito, ngunit iba ang pakiramdam ko dito kay Mr.Villela kaya talagang ilag ako.
Nagpalit na kami ng Pam P.E
Kaya nung dumating ito ay handa na kami.
Santamena ang surname ko pero tinawag nya ako sa Unahan kapag daw subject nya jumble daw kaya pinili nya ang mga nakaupo sa unahan at isa na ako roon.
Maya maya ay may pinagawa sya sa amin pinatalon nya kami Habang lumulundag kami ay nakatingin sya sa dibdib ko, pero nag ikot din sya para Makita na sumusunod lahat saka sya bumalik sa una at nakatingin lang din. Maya maya pa ay
Pinag partner partner nya ang bawat isa.
Lalapit na sana ako kay Jhovell ng ipares nya ito sa iba.
"Jhovell kayo ni Lara ang partner"
"Po? pero Paano po Si Penny?"
"Ako, ako muna ang partner nya dahil kulang kayo ng isa" anya nito kaya nagkatinginan kami ni Jhovell
Wala naman kaming nagawa lalo na ng Magsimula na kami. Pinag sit up nya kami. Pero habang ginagawa namim yon ay sa Boobs ko naman sya nakatingin saka sa Mukha ko. Kita ko pa ang pagkagat nya sa ibabang labi nya saka muling titingin sa dibdib ko.
Pagkatapos noon ay umalis nako agad sa harapan nya. Ayoko talaga sa kanya.
Mabuti na lamang ang sumunod ay lalaki na ang ginawa nyang partner, nakahalata ata ng irapan ko sya.
Pagkatapos noon ay dalawang subject pa sa hapon ang aming hinintay.
Ngunit bandang Alas Tres Y media ay na dismissed na rin naman agad.
Bago umuwi ay dumaan muna kami ni Jhovell sa Bakery. Saka ako bumili mg Tinapay.
Dahil hapon na ay di na ganon kainit kaya naglakad lamang kami ni Jhovell. Sakto na napadaan kami sa Talyer, wala roon si Tito, naabutan lang namin si Alessandro na nagbubutingting ng motor."
"Sorry po Close na po kami, hangang alas Kwatro lamang po." Anya pa nito na akala ata ay mag papagawa kami."
"Ahm..ehem..Alessandro di kami magpapagawa" anya ko dito saka sya napatingin at bigla tumayo.
"Sorry Penny, kayo pala, Akala ko kasi Customer hehe, Oh napadaan kayo? Labasan nyo na Pala sa school." Nakangiting wika nito sa amin.
"Oo Alessandro, wala na pala si Tito, idadaan ko lang sana ito, meryenda nyo."
"Wow, salamat Penny, oo Maaga umuwi si Kuya Arman, Maaga kasi sya pumasok at nagsimula ng trabaho kanina, kaya pwede rin sya umuwi ng maaga., pero salamat dito Penny Ha."
"Walang ano man, Sige Alessandro mauuna na kami."
"Ah, ganon ba? Sige baka madami kapang takdang aralin na tatapusin, Thank you ulit dito ah." Muli nyang sabi saka ngumiti na kita ang kanyang mapuputing mga ngipin.
Nginitian ko rin sya saka kami tuluyang nagpaalam ni Jhovell. Ewan ba parang ang gaan ng pakiramdam ko kay Alessandro, masayahing tao, positibo sa Buhay, pag nakikita ko sya palagi syang bumabati at nakangiti, para bang napakagaan nyang kasama.
Dahil sa isiping iyon ay di ko namalayan na nasa tapat na pala ako mg bahay.
Hindi lamang isang beses nagagawi sa amin si Alessandro madalas na rin syang ayain ni Tito para doon kumain ng hapunan. Dahil sa kabilang bayan pa ito umuuwi. Kaya minsan kapag nagawa ako ng assignment at tiempo na naroroon sya sa bahay ay sa kanya ako nagpapaturo at alam nya ang sagot.
"Ano, na gets mo na kung paano nakuha? Hehe madali lang naman yan, medyo nakakalito lang, pero kung uunawain mo maigi naron lang din ang sagot." Anya nito.
"Oo nga ano, salamat Alessandro Ah, Mukang pwede mo na palitan yungvteacjer namin sa subject na ito, haha mas naipaliwanag mo ng maayos eh hehe." Anya ko pa dito.
"Weh, Talaga ba? Kaya ikaw mag aral ka mabuti, hwag ka tutulad sa akin."
"Bakit ano bang tinapos mo?" Tanong ko rito.
"Highschool graduate lang ako, tapos nag try ako kumuha ng vocational, tapos yon trabaho na, wala naman kasi kaming pang kolehiyo." Dagdag pa nito.
"Bakit di ka nag working?
"Nag Working, pero hindi para sa sarili ko, kundi sa mga kapatid ko." Dagdag pa nito parang naawa naman ako sa aprt na yon sa kanya.
Nang matapos namin mag gawa mg assignment ay kumain na kami ng hapunan. Masaya rin kami mag kwe kwentuhan. Ilang minuto after namin kumain ay inaya nya ako sa labas. Sabi ko ay magpapaalam muna ako ngunit nagulat ako ng pinayagan na ako nila Tita dahil kanina pa pala ako ipinagpaalam.
Naglakad kami sa labas saka kami dumaan sa Talyer at kinuha nya amg kanyang motor.
Nagulat pa ako mg suutan nya ako ng helmet.
"Yan, para safe."
"San na tayo pupunta, daya sumama ako di ko alam san mo ko dadalhin."
"Hehe, basta magugustuhan mo." Anya pa nito.
Maya maya ay sumakay sya at pinasakay nya narin ako saka kami tuluyang umalis.
Nakahawak ako sa balikat nya pero pinalipat nya ito sa bandang ibaba kaya sa Abs nya ako nakakapit.
"Yan, mas ok dyan, don't worry careful naman ako mag drive, sagot pa nito.
Saka namin binaybay ang daanan. Di ko alam kung saan kami pupunta, pero isa lang ang nasa isip ko, Ang magtiwala kung saan nya ako dadalhin, naniniwala naman ako na hindi nya ako ipapahamak at pinanghawakan ko nga iyon.