CHAPTER 21 "HACIENDA VELAREZ"

2397 Words
MASTER VENOM (Alessandro) Tila nakaramdam naman ako ng awa kay Penny nung nagpunta ako sa para samahan sya. Noong una ay tila ayaw nya akonh lumapit sa kanya. Pansin ko ang pagkabalisa nya at hindi masyadong pag imik sa akin. Hangang sa nung kumakain na kami ay doon ko napansin na umiiyak pala sya. Ipinagtapat nya sa akin bilang Si Alessandro ang Naganap sa Kanila Ni Master Venom bilang ako. Sumobra nga yata ako, di ko napapansin na nasasaktan ko na rin sya Emotional. Kinuha ko ang aking phone saka ako nag message sa kanya. Humingi ako ng Sorry sa ginawa ko sa kanya. Iyon na lamang at hindi na ako nag message pa ng napakahaba. Mula ngayon ay nakapag desisyon na ako. Mag la lielow at sisikapin ko na muna na hindi sya abalahin. Kinabukasan ay nakita ko na na seen nya ang message ko ngunit nag react lamang sya at di nya na nagawang mag reply pa. Nakaramdam din ako ng lungkot sa isang banda. Dahil kahit pala anong gawin mo kapag Hindi Ikaw ang mahal ay hindi kanpipiliin, o hindi lang talaga Materialistic na babae si Penny. Mahal nya talaga Ako bilang si Alessandro. Pero sa isang banda ay Napapaisip rin ako. Paano rin kaya kapag nalaman nya. Na iisa lang naman si Alessandro at Venom? Alam ko may consequence lahat ng bagay. Pero sana mapatawad nya ako pagdating ng araw na iyon. Kinabukasan ay dumiretso ako sa Talyer. Madami kaming sasakyan na mga aayusin. Sa totoo lamang ay nakakaramdam din ako ng pagod. Ang isa sa aking Katiwala na si Wacky na syang pinagpangap ko na may ari ang syang naiilang sa akin kapag nakikita nya akong pagod na ngunit patuloy sa Pag gawa. Pero tulad ng sabi ko ay hayaan nya lamang ako. Bandang hapon ay magiliw na umuwi si Penny. Malayo pa lamang ay kita ko na ang ngiti sa kanyang labi. "Hi Aless, Kumusta? Ang dami mo atang sasakyan na aayusin ngayon?" Saad nya saka lumapit sa akin. Naghugas naman muna ako ng kamay at nagpunas ng pawis saka ko sya niyakap. "Oo Baby, medyo madaming inayos, Kumusta ka? Tanong ko dito. "Babe, Nag text si Master Venom kanina, Nag sorry sya sa mga ginawa nya noong nakaraan." Nakangiting sabi nya sa akin saka sya yumakap sa akin pabalik. "Talaga? Masaya ka ba babe? Kasi diba matagal mo na gusto na wag ka na nyang guluhin?" Tanong ko sa kanya. "Hmm..Oo Babe, Pero ganon pa man, nagpapasalamat ako sa kanya dahil kung di dahil sa Tulong nya hindi ko mapupunan ang kailangan para sa operasyon ni Tita, at isa pa Ilang beses nya rin akong niligtas noong nag sa sideline kami ni Jhovell sa isang High End restobar." Sagot nya sa akin. Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi nya. Kung gaano sya nagpalasalamat kay Master Venom, pero ramdam ko rin ang saya nya ma makakawala na sya sa poder nito. Masakit sa Part ko bilang Master Venom na hindi ko na sya maipapatawag at makakasama sa tuwing kailangan ko sya. Pero kailangan din siguro iyon dahil ramdam ko na nakaramdam sya ng guilty at trauma na rin kaya mas mabuti na nga muna siguro na wala ako sa pagiging Master Venom sa buhay nya. Naging maayos ang set up namin ni Pennt, Hangang sa Makapag Celebrate kami ng una naming Monthsarry at hangang sa Masundan pa ito. Naging abala kaming pareho sa aming mga gawain. Sya ay abala sa eskwelahan ako naman ay sa Talyer ngunit hindi na ako Full time tulad noon. Tatlong beses sa isang lingho na lamang ako pumupunta. Sinabi ko lamang noon kay Penny na nakahanap ako ng ibang sideline na magagamit ang ibang skills ko na nakakapag trabaho ako na di gaanong pagod na katulad ng pagod ko sa Talyer. Natuwa namam sya para sa akin. Alam nya daw na may galing pa ako sa ibang bagay. Masaya daw sya sa bago kong trabaho. Pero ganon pa man kahit wala akonh pasok sa Talyer ay may araw na sinisundo ko sya at inihahatid sa kanila. Sa mga buwan at Panahong lumipas na mas lalo kaming naging malapit ni Penny ay iyon din ang panahon na tila nakakahalata na si Kuya Arman at Ate Salome. Kaya nang isang beses na ihatid ko si Penny ay Kinausap ako ng mag asawa kaharap si Penny. Alam ko na kinakabahan sya noon. Pero tiningnan ko sya at pinaramdam ko sa kanya na ako ang magpapaliwanag. Nakaupo kami sa harap ng Tito at Tita nya. Nang biglang magsalita si Kuya Arman. "Pasensya na sa Biglaang pag uusap na ito Alessandro, may ibig lamang kaming linawin. Mas mainam na itong magkakaharap tayo. "Ayos lang ho Kuya Arman." Anya ko dito saka tumingin sa kanilang dalawa. "Alessandro, Penny, Magsabi kayo ng totoo ha, May Relasyon ba kayong Dalawa?" Walang alinlangan at diretsong tanong ni Ate Salome. Yumuko ako sandali saka ko tiningan si Penny. Saka ako sumagot. "Ate Salome, Kuya Arman, Pasensya na po kung di po namin nasabi Agad, Pero Opo, Magkarelasyon na ho kami ni Penny. Nasa ikatlong buwan na po namin bilang mag nobyo." Saad ko. Sabay napahinga ng Malalim at napabuga ng hangin ang mag asawa saka muling nagsalita. "Totoo ba iyon Penny? Na nakipag Nobyo kana kay Alessandro? Akala ko ba sabi mo noon na di ka muna mag Nonobyo? Asik na tanong ni Ate Salome kay Penny. "I'm sorry po Tita, pero hindi ko naman po pinababayaan ang Pag aaral ko, Sorry po kung hindi po namin sinabi agad. Pero hwag po kayo magalit kay Alessandro. Ako po ang ayaw ipasabi ang tungkol sa relasyon namin." Anya ni Penny. Na nagsisimula ng mamasa ang Mata. "Pero sa totoo lang Alessandro,ramdam ko na iyan noong una pa lang na gusto mo itong pamangkin namin. At sino namang lalaki ang Maghahatid madalas sa isang babae na wala lang? Kaya noon pa lang ramdam ko na na may Pakay ka, Yun nga lang Late na namin naramdaman na kayo na pala talagang Dalawa. Hindi pa namin Malalaman kung walang hinanap ang Tita Salome nyo sa kwarto ni Penny. At doon nya aksidenteng nakita ang mga Card at mga regalo nyo sa Isa't isa kapag Monthsarry nyo." Saad pa ni Kuya Arman. "Pasensya na po Kuya Arman, Ate Salome kung di namin sinabi agad. Pero naka plano naman po naming ipaalam, nag iipon lang po si Pennt ng sapat na lakas ng loob para ipagtapat po namin sa inyo." Dagdag ko pa. "Ano pa bang Magagawa namin? E di wala na! Basta Penny, Hwag mong pababayaan ang pag aaral mo, Mag aral ka paring mabuti kahit na may Nobyo ka na, At ikaw naman Alessandro, Malaki ang agwat ng edad mo kay Penny, alam kong mas matured ka mag isip. Sana at Mahalin mo mg Tunay ang pamangkin ko, unawain mo rin sya , ikaw ang mas may higit na pang unawa." Wika ni Ate Salome. Saka naman Tumayo si Penny at lumapit dito saka yumakap. "I'm Sorry po Tita, pero pangako po mag aaral parin akong mabuti." Umiiyak na wika nito kaya nagyakapan silang dalawa. "Kuya Arman, Ate Salome, hwag po kayo mag alala, Mamahalin ko po si Penny at Hindi sasaktan." "Dapat lang Alessandro, Alam mo na Mahal na Mahal ng Ate Salome mo Si Penny anak na tunay na ang turing namin sa kanya kaya yon ang hiling namin. Hwag mo syang sasaktan." Dagdag pa ni Kuya Arman. Matapos ang usapang iyon ay Napakagaan ng Pakiramdam namin ni Penny. At least ngayon ay alam na sa side nya na kami at ganap ng mag Nobyo. Nakakapunta na rin ako sa kanila ano mang oras na gusto ko na di ko kailangang mahiya sa mga Chismosa nilang Kapit Bahay. Kaya nagagawa ko na syang sunduin at ihatid sa kanila. Ganon pa man ay hindi rin palagi. Ayoko naman isipin ng iba na halos doon na ako madalas, respeto parin kina Ate Salome at Kuya Arman. Pero kapag byernes nang gabi at dumadalaw talaga ako sa kanila at Pag minsan pa nga ay doon ako Natutulog, pero sa Sala, Never na kaming nakagawa ni Penny ng milagro sa kanila. Dahil matindi ang bantay namin. Kada kikilos ako ay rinig ko ang pagtikhim ng Mag asawa kaya wala. Kaya kahit sa Kanila ako nakikitulog ay sa text lamang kami nag uusap kapag nasa kwarto na sya. Pero may pagkakataon na kapag maaga syang umuuwi ay sa Apartment kami na diretso. Minsan ay doon ko sya pinakakain at syempre alam na ang kasunod noon. Doon namin binabawi ang kasabikan namin sa Isa't isa. Lalo na noong may time na halos ilang araw akong wala dahil may inasikaso ako sa Probinsya. Talagang sobra ko syang na miss. Sinulit talaga naming dalawa noong makabalik ako. Nagpatuloy pa ang aming relasyon at Sadyang mabilis ang Panahon Hangang sa mag celebrate kami ng ikaw 2 taon namin bilang mag Nobyo. Naging mas Masaya kami at Nagkakasundo sa mga Bagay, although may time na merong tampuhan pero minutes lang iyon dahil hindi ko hinahayaan na hindi kami magkakaayos bago kami maghiwalay. Kaya bago ko sya ihatid or bago ako umuwi at sinisigurado ko na 100 percent na okay kami. Dahil mag Mamahal na Araw na ay nais ko sana syang isama sa isa sa Probinsya namin sa Tarlac. Kaya Ipinag paalam ko sya noon kina Tito Arman at Tita Salome. Pumayag naman ang Dalawa. Sinabi ko na Thursday night kami aalis at Sunday naman kami babalik. Laking tuwa ko nang Pumayag ang mga ito. Basta daw alagaan ko si Penny at ibalik ng maayos dahil malilintikan daw ako pag hindi, biro pa ni Kuya Arman. Wala naman noon sila Mama at Papa dahil dumalaw sila sa aking Kapatid pati narin sa aking Mga Lolo at Lola sa España. Pero ganon pa man ay alam nila Mama at Papa na may kinalolokohan akong Babae na akin nang Nobya. Kinausap ko noon ang isa sa aking katiwala na Magpangap na Tiyahin ko. Sakto na bakasyon naman ang iilan kaya pati sa mga naiwan sa Farm na malapit din sa akin ay pinakiusapan ko sila na Hwag nila ako tatawaging Sir. Na ituring lamang nila akong kauri nila kapag muli akong bumalik kasama Si Penny. Hangang sa Dumating na nga ang araw na aalis kami. Isang Backpack lamang ang dala ni Oenny dahil ilang araw lang naman kami. "Tita, Mauuna na po kami, Salamat po sa Pag payag. Mag iingat po kayo ni Tito dito" "Sya Sige, Kayo din, Mag enjoy kayo doon ah, mag iingat din kayo, Saka may tiwala naman ako sayo Penny," anya oa nito saka ngumiti kay Penny saka sila nagyakapan. "Paano Tito Arman, Mauuna na po kami, Salamat dahil ipinagkatiwala nyo sa akin si Penny." "Walang ano man, Basta yung bilin namin ng Tita Salome nyo ah, Mag iingat kayo. Saka i remind lang kita Alessandro. Mag ma Mahal na araw diba? "Opo." "Alam mo naman siguro ang Bawal kapag mahal na araw no? Bawal ang KARNE." anya pa nito sabay tapik sa aking bakikat. Na gets ko naman ang nais nyang sabihin kaya napatingin ako sa kanya at kita ko na medyo nakangiti sya kaya natawa rin ako. "Oo Naman Tito Arman, Susunod kami" nakangiting sagot ko pa.' At noon din ay Umalis na kami ni Penny at Binaybay ang Norte patungo sa Farm. PENELOPE Masaya ako na pinayagan ako nila Tito At Tita na sumama sa Probinsya kung saan namamahala ang kanyang Tiya. Sa bagay Dalawang taon na kami ni Alessandro bilang mag Nobyo. Naging mabuti naman sya sa akin at maayos din syang nakikisama kina Tito At Tita. Sayang at nasa Visayas ang mga magulang nya kaya hindi ko parin nakikita sa personal ang mga ito. Siguro sa susunod,iyon ang pag Iipunan nya na ma meet ko ang mga ito sa personal. Sa dalawang taon namin bilang mag Nobyo ay hindi na rin nagparamdam pa si Master Venom. Ngunit isang araw noon matapos naming maghiwalay at magpaalaman ay nalaman ko na bina yaran nya lahat ng Bills ko sa School hangang sa makatapos ako hangang 4th year. Halos di ako makapaniwala noon, na bagamat nagpaalam sya ay nag iwan parin sya ng tulong sa akin. Sinubukan ko syang i message upang magpasalamat ngunit magpasa hangang ngayon ay hindi nya na iyon na seen. At naka unavailable na rin sya sa App na iyon. Ganon pa man ay nagpapasalamat parin ako sa kanya. Tumupad sya sa kasunduan namin, at hindi lamang iyon, sinigurado nya rin na makakatapos ako at hindi magiging hadlang na hihinto ako dahil di ako makakabayad kaya di man nya mabasa ay totoong pinasasalamatan ko sya. Matapos ko magbalik tanaw ay bumalik ako sa kasalukuyang pag iisip. Ilang oras din ang aming Byahe bago namin narating ang Farm na pinaglilingkuran ng kanyang Tiya. Ang sabi nya ay nakakapag bakasyon din daw sya rito noong bata sya dahil naging trabahador din daw dito ang mga magulang nya. Pagkatapos sa Highway ay lumiko kami sa Isang Malapad na Daan. Medyo malayo din iyon sa kalsada at Sumunod na bumungad sa amin ang Napakalaking Gate Na tila Kasya ang Tatlong Malalaking Truck kahit pa magkakasabay dumaan. HACIENDA VELAREZ yan naman ang Nakasulat sa entrada ng Gate na iyon. Nasa Bungad pa lamang kami ay Kita na namin ang Malawak na taniman ng Tubo. Sa kabilang side naman ay Malawak na taniman ng Mga Pinya dahil hapon na iyon ay medyo palubog na rin ang araw. Dama ko rin ang presko ng hangin na tumatama sa aking balat. Napakahaba ng Farm na iyon bago namin sapitin ang Isang Nakapagandang Bahay na tila Historical pa ang Tema. Ngunit di iyon nakakatakot tingnan Dahil tila may pagka modern na din iyon kahit pa may touch ng pagka historical. Ang sabi ni Aless ay naka bakasyon daw ang ibang mang gagawa kaya ang Pamilya lamang ng Tita nya at Ilan pang naroroon ang aming naabutan. Alam kong magiging masaya ang aming ilang araw na bakasyon dito, may maisusulat na naman ako sa aking Tala arawan. "Bat ka nangingiti dyan Baby?" Tanong sa akin ni Alessandro. "Wala lang babe, natutuwa lamang ako, eto ang unang out of town nating dalawa." "Hmm..Ganon ba..hehe Oo nga no, Marami pa tayong pupuntahan baby at wala akong ibang tanging hiling kundi ikaw parin ang makasama ko sa mga susunod pa nating mga lakad." Saad nya saka hinawakan ang aking kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD