3RD PERSON
Habang nag iinuman sa may Sala si Arman at si Alessandro ay patuloy naman sa Pag gagawa ng takdang aralin ang dalaga. Wala naman silang pasok bukas ngunit may lakad sila ni Jhovell. Kaya ngayon pa lamang ay sinisulimulan nya na itong gawin. Di naman maiwasan ng binata na sulyapan ang dalaga. Dahil natutuwa syang pagmasdan ang magandang dalaga.
Pansin nya naman na lasing na si Arman kaya sinaway na nya ito.
"Kuya Arman, lasing ka na ata, ubusin na lang natin to, para makapag pahinga kana rin."
"Shige Alesshandro, nga pala kung ok sayo pwede na dito kana muna magpalipas ng gabi. Madilim na sa labas, baka maharang ka la dyan." Anya pa nito sa Binata.
"Hindi ba nakakahiya Kuya Arman."
"Abay hindi naman, yon ay Kung comfortable kang mahiga dito sa Sofa hehe."
"Walang problema Kuya Arman, hehe sanay tayo dyan.' Sagot naman nito. Nang patulog na Si Arman ay lumabas naman si Salome at si Penny para alalayan ito papasok sa silid ng mag asawa.
Sinabi naman ni Arman sa Dalawang babae na sa bahay nila magpapahinga si Alessandro. Kaya sinabi ni Salome kay Penny na bigyan si Alessandro ng Unan at Kumot at ganon nga ang ginawa ng Dalaga.
"Ahm..Alessandro heto pala ang kumot at unan mo." Anya ng dalaga saka naman nito sinimulang imisin ang kalat.
"Tulungan na kita Penny"
"Hindi na kaya ako na, magpahinga ka na." Wika namam ng dalaga ngunit gusto syang tulungan ng binata. Kaya sabay nilang nahawakan ang baso kaya nagkahawakan sila ng kamay habang ang mga mata ay nakatitig sa isat isa.
"Tulungan na kita Pen please." Pakiusap ng binata.
Kaya tumango na lamang ang dalaga.
"Ok dito sa lababo.' Tila nanghihinang sagot ng dalaga dahil tila malulusaw sya sa titig ng binata.
Hinayaan nya na lamang na ligpitin ito ng binata habang sya naman ay inaayos ang sala. Sinapinan nya rin ng isa pang Kumot ang Sofa kung saan tutulugan ni Alessandro.
"Ok na rin itong higaan mo, maaarinka na magpahinga." Malumanay na saad nya sa binata.
"Thank you Penny"
"Walang ano man, Ahm..papasok na ako sa kwarto. Kapag may kailangan ka, katukin mo nalang ako."
Anya ng dalaga saka pumasok sa kanyang Silid.
Kinabukasan
Ay maagang nagising Si Penny, paglabas nya ay gising na rin si Alessandro at nagtutupi ng kumot."
"Good morning Penny, ang aga pa, bat nagising ka kaagad."
"Sanay naman ako gumising mg maaga, ikaw nakatulog ka ba ng maayos?"
"Oo naman, presko nga eh, malamig dito sa lugar nyo."
"Hehe Oo, diba presko para kang nasa Kabukiran. Pero pag labas mo maiinis ka naman sa makikita mo.
"Hmm...matagal na kayo dito no?"
"Oo, dito na ako lumaki eh, Kaya sa loob ng 18 years ayan same same lang ang nabungad sa akin paglabas hehe. Ikaw? Kumusta ang childhood mo? Nakangiting tanong nito.
"Hmm..Ayos lang naman, sa probinsya kasi ako lumaki kaya Ayon kasama sa Batang 90s hehe literal na nakakamis yung mga panahon na yon."
"Ah..oo..sa bagay no, pero at least sa probinsya presko at walang mga marites, hehe dito kasi Maingay na, naglipana pa ang mga Chismosa, dami pang lasenggong tambay. Sila yung mga walang pang saing at pang suporta para sa Pamilya pero may pang toma at pang bisyo. Talamak yan dito.sa Dimasupil." Kwento mg dalaga habang nagtitimpla ng Kape saka iniabot sa Binata.
"Salamat Penny" anya naman nito saka kinuha at ininom ang kape.
"Ang sarap naman ng Kape mo Penny." Wika ng binata saka tumingin sa dalaga.
"Ha, hehe e Nescafe black lang naman yan."
"I know, i mean Oo.pero ang sarap mo Magtimpla. Sakto yung pait at tamis hehe" nakangiting wika ng binata dito kaya natawa rin amg dalaga.
"Hehe Ganon talaga, parang buhay, hindi lang puro tamis, may pait din, pero i maintain mo.lang siguro na balance para Mas Ok hehe" dagdag pa ng binata dito.
Maya maya ay may kinuha sa Kwarto amg dalaga kaya naiwan amg binata sa sala. Napatingin naman sya sa mga notebook na nasa ilalim nito. Napansin nya ang Folder na tila may mga nakaipit na Drawing, Grade 6 pa lamang nito si Penny.
At sa ibaba nito ay nakasulat ang tanong na Kung Bibigyan ng Pagkakataon na Gustong mangyari o maranasan sa isang araw ano ang tatlong bagay na ito.?
Binasa nya ang sagot ang unang sagot na nakita nya Ay Makita at Mayakap ang kanyang Mga magulang, ikalawa ay ang Maranasan maging Mayaman sa isang araw, at Pangatlo ay Makapunta sa ibang Bansa.
Natawa ang dalaga sa mga nabasa mya, Typical na bata na nais lamang ma experience ang mga bagay bagay.
Napangiti ang binata. Kaya nyang tuparin ang dalawang hilinng mg dalaga. Ngunit hindi nya kayang tuparin ang una dahil wala naman syang kapangyarihan na buhayin amg Mga magulang nito.
Agad nyang ibinalik sa ilalim ang folder at nagpangap na uminom lang ulit ng kape.
"Penny, Salamat sa Kape at Almusal ah, mag A ala sais na rin naman, magpapaalam na ako, pakisabi nalang kina Ate Salome at Kuya Arman."
"Ah, sige.. ihahatid na kita sa labasan."
"Hindi na, medyo madilim pa baka bastusin ka pa sa labas."
"Hmm..di nila pwede gawin yon, sasampigahin ko sila."
"Hmm...tapang...Hwag na ako na lang, maliwanag na rin naman."
"Okay Sige, ikaw bahala, sige ka paglabas mo dyan may gripo kana sa tagiliran." Natawang wika pa nito.
"Haha..wag naman.. Ahm may lakad kaba mamaya? Mag iingat ka ah."
"Salamat, may pupuntahan lang kami ni Jhovell."
"Ah..Sihe ingat kayo ah, pano mauuna na ako pasabi na lang kina Kuya." Saad pa ni Alessandro.
Habang palabas naman ng bahay ay sakto nakita ni Penny si Tinoy isa sa mga Kalugar nila.
"Tinoy! Palabas ka ba?"
"Oo Penyang bakit?
"Isabay mo nga tong Bisita namin, ingatan mo yan ah, pag may nangyari dyan ikaw malalagot sa akin" anya dito ni Penny saka tumawa.
"Haha Oo na Penyang, ako bahala. Banta agad eh, Tara na Boss." Wika naman nito sa Binata saka sila naglakad palabas mg Dimasupil.
Pagkahatid sa labasan ay naglasalamat ang binata kay Tinoy.
"Salamat Tinoy."
"Walang ano man Boss."
"Heto pala, pang bili ng pagkain para sa pamilya mo." Anya mg binata saka inabutan mg limang daang piso ang Binatilyomg si Tinoy.
"Hala bOss, ang laki nyo naman mag talent fee, pero salamat po ah, matutuwa nito si Nanay may pang Bigas na kami. Papunta palang sana ako sa may palengke para dumiskarte ng pang tanghalian namin boss. Salamat ah.."
"Walang ano man, Sige Tinoy mauuna na ako." Anya nito saka pumara ng Jeep at Sumakay.
Nang sumapit sya sa kabilang bayan kung saan nya iniwan ang kanyang sasakyan ay may tumatakbo sa isip nya.
Agad nyang tinawagan ang kanyang kapatid na si Thalassa na nasa Spain.
"Oh Kuya, napatawag ka? Kung kelan patulog na ako."
"Thala, i need your help Orderan mo ako ng Magandang Dress, Sandals at terno ng Jewelries sa kilala mong Mga De kalibre Gumawa.
Then i will send you the payment." Anya ng binata sa nakababatang kapatid.
"Hmm? Gaano ka importante ang Babaeng Pagbibigyan mo Kuya at nagawa mo pa talaga akong storbohin sa mga oras na ito hehe."
"Sorry na, pero kailangan ko yang mga sinabi ko sayo."
"Ok, Ano bang Height ng pagbibigyan mo?"
"I Think 5 Flat, Balingkinitan ang katawan, medyo pinagpala nga lamang sa hinaharap . Then yung size ng Sandals i think size 37 since payat naman ang paa nya." Dagdag pa ng binata sa kabilang linya.
"Ok noted Kuya, Sinabi ko na kay Jessica. Sinabi ko na ipadala na lamang sa bahay mo." Sagot naman ng dalaga sa kapatid.
"Salamat Thala, maaasahan ka talaga, sige na, matulog kana ulit."
"Ok, Goodnighr Kuya, Love you."
"Nyt Thala, I love you too." Dagdag pa nito.
Samantala,
Nang Umagang iyon ay maagang Kumilos agad si Penny, nagpaalam sya sa kanyang Tito at Tita na may Pupuntahan silang Raket ni Jhovell.
Kaya maagang pumunta sa Job Fair ang dalawa sa Kabilang bayan umabot pa naman sila sa Pila ngunit halos manlambot Sila ng Sumigaw ang organizer na Kompleto na ang 20 katao na kailangan nila.
"Hala? Naghintay po kami tapos Kompleto na agad? Hindi nyo man lang kami pinaabot sa Interview, Ambot sa Imo.!" Sigaw ni Jhovell kaya pinigilan sya ni Penny."
"Woi hayaan mo na, ikaw talaga, baka di talaga para sa atin yon."
"Woah..kainis sila may pabilang bilang pa sila, sana kanina palang Nag cut off na diba..pero hindi eh pinapila pa tayo tas nagtiis na tayo daka sasabihin na May napili na, MGA HANGAL.! palatak ni Jhovell, napakamot na lamang si Penny sa Ulo, narinig nya na naman ang Favorite words ng kaibigan.
Samantala
PENNY
Nanghinayang na naman kami ni Jhovell dahil di na naman kami Umabot. Dahil maaga pa ay naglakad lakad muna kami sa may Boulevard at pinagmasdan ang Tahimik na dagat.
"Hayyy...Sayang na naman, kelan kaya tayo makala tyempo? Kailangan ko talaga makaipon ng pera. Lumilipas ang araw kailangab makaipon ng pera para kay Tita."
"Kaya nga eh, Haizt kung mayaman lang sana tayo ano? Bat kasi sa dami ng mayaman dinman lang tayo napabilang. Ano kayang pakiramdam?" Tanong ni Jhovell, napapikit naman ako at inalala ang madalas ko mapanaginipan na yumaman ako.
"Hehe Di ko rin alam eh, sa panaginip lang ako yumayaman, tara na nga nag de Daydreaming na namam tayo." Anya ko pa rito.
Ngunit habang paalis na kami ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Nakita ko sa si Mr.Alakdan iyon. Kaya sinagot ko.
Tinanong na kung kailangan ko na ng pera para daw i sesend nya na sa akin, dahil Tsimosa ang kaibigan kong si Jhovell ay nabasa nya iyon.
"Oh ayan naman pala ang sagot sa Kahirapan si Mr.Alakdan hehe..Go na yan Besh."
"Sira, may utang pa nga akong bentemil sa kanya tas uutangan ko na namam? Mamaya isipin nya pa na napaka muka kong pera."
"Ok lang yon, saka alam nya naman una palang, nakalagay nga sa Bio mo dito diba Looking For Sugar Daddy, so Matic yan dapat may panf finance sya."
"Eh paano kung Huminginng kapalit? Anong gagawin ko?"
"Hmm..Depende..Kung mga Pictures lang naman e di sendan mo. Baka naman panangal leebog lang ang hingin nyan sayo, yung tamang naka Bra with Humpak ang malaki mong cleavage, tapos siguro Naka o
Panty, kunf ganan lang ang hinihingi e di pagbigyan mo na. Di naman siguro agad yan hihingi ng Pic ng Kiffyroni mo." Anya pa ni Jhovell kaya napatingin ako dito.
"Kung Pogi naman besh e di sagpangin mo na, isipin mo nalang si Janiz, nalalaspag ng pangkain lang minsan, eh Ikaw? Alalahanin mo buhay ng Tita mo ang nakasalalay dito. Kahit siguro magtrabaho tayo mg 24 oras sa pera na sasahurin natin baka matagal pa natin mabuno yan. Kaya kung ako sayo Besh, UTAK na lang muna ang pairalin mo,
Napaisip ako sa Sinabi ni Jhovell. May point naman sya.
Muling nag message si Mr.Alakdan na isend nya na daw sa akin ang singkwenta mil. Ngunit may kahilingan sya. Kailangan ko daw pumunta sa lugar na babangitin nya.
Kinakabahan ako pero tulad ng sinabi ni Jhovell, bahala na..baka nga kagatin ko na muna.
Ala singko nya ako pinapupunta sa Lugar na sinabi nya kaya uwmuwi muna kami ni Jhovell. Nagpaalam kami sa bahay na nakahanap kami ng Sideline sa isang event ngunit dahil madaling araw na matatapos ay baka kinabukasan na kamj makauwi. May tiwala naman sa akin sila Tita kaya di na ganon kahirap magpaalam. Nagdala lamang kami Ni Jhovell ng pamalit kunwari.
Bago ako umalis ay iniabot ko kay Tita ang Bente mil, sinabi ko sa kanya na itabi nya, mga naipon ko kako iyon sa mga racket ko. Dahil may nag Tip at binayaran din kako ang danyos namin sa nangyari noong nakaraan.
Yumakap ako kat Tita bago umalis.
Pagdaan namin ay napasulyap pa ako sa Talyer. Sarado iyon dahil Sabado, bigla kong naalala si Alessandro. Sana ay kasing bait ni Alessandro ang lalaki na nagkukubli sa Pagkatao ni Mr.Alakdan.
Sumakay kami ni Penny ng Jeep at saka kami ng Taxi at Ibinaba sa Isang Kilalang Hotel sa Manila.
"Taray Besh, nasa Okada Manila Tayo, Ang yaman naman siguro nyan ni Alakdan."
"Ewan di ko alam.' Habang wala pang hudyat ay naupo muna kami sa upuan na naroroon.
"Besh, Kapag tinawag ka na nya e exit na muna ako ah, basta kapag kailangan mo ako Sa PITX lang muna ako tatambay. Good Luck sa Kiffyroni mo my Friend. Sana hindi, pero Kung sakali man eh, pakiusapan mo nalang hangat maari." Anya pa nito sa akin.
"Oh, sabi mo kanina isipin ko si Tita, kahit na kabayaran ang p********e ko, tapos ngayon naman parang alinlangan ka ano ba talaga Jhovell." Anya ko dito.
"Hehe charaught lang yon syempre, diba goal nating Dalawa mag aasawa ng nanatiling masikip at di wasak. Pero kung sakali man na mawasak ka na ngayong gabi dont worry my Friend i will never judge you, Kilala mo akp, di kita Huhusgahan hehe." Anya pa nito saka natawa. Napailing na lamang ako.
Bandang ala sais ay may lumapit sa amin na isang Receptionist. Nagpalaman naman kami ni Jhovell habang ako naman ay umalis kasama ng babae.
Pinindot nya ang elevator at nagtungo sa mas mataas na Floor saka nya Binuksan ang isang Unit.
Halos magulat ako sa laki noon sa Loob. Mas malaki pa iyon kahit pagsama samahin ang 5 bahay na magkakatabi sa lugar namin.
"Mam, pumasok po kayo sa kwarto na nariyan at isuot nyo po ang dress, sandals and Jewelry na nasa loob.
Halos manlaki ang mata ko ng makota ang napakagandang damit, sandals at mga Alahas. Halos di ako makapaniwala akmang lalapitan na ako ng babae kaya kumilos na ako.
Tinulungan nya ako mag bihis saka inayusan.
Akala ko ay Okay na, ngunit nagulat ako ng Kumuha sya ng Blind fold.
"Mi..Miss para po saan ito?"
"Ah, Mam, yan po ang Utos ni Master. Lagyan po kayo ng Fold."sagot sa akin ng babae.
Hindi na ako nagtanong bagkos sumunod na lamang.
Nang naka fold na ako ay nagpaalam narin sa aking ang babae kanina.
Naramdaman ko ant yabag nya palabas. Ilang minuto lamang ay nakaramdam naman ako ng Yabag papalapit. Dahil nakatalikod ako sa pinto. Kahit na may Piring ako sa mata ay humarap ako sa dumating na di ko alam kung sino. Ngunit alam kong lalaki ito dahil sa kanyang pabango.
"Nice to see you again Penelope, You look even more beautiful in that outfit.." anya nito sa ma otoridad na tono.
Tila narinig ko na ang tinig na iyon. At sa pagbati nya sa akin ibig sabihin nakita nya na ako.
"You won't regret this, I promise!" Dagdag nya pa sa salitang malamyos na halos malapit pa sa tenga ko. Tila nagtayuan naman ang mga balahibo ko wala pa syang ginagawa Ngunit tila mainit na agad ang dala ng bulong nyang iyon sa akin. Sino nga ba ang lalaking ito? Bakit tila Magnet ang dating nito sa akin.