3RD PERSON Dahil sa kasabikan ni Penny sa kanyang anak ay hindi nya na ito hinayaang makawala sa bisig nya. Nang makatulog ito ay doon lamang ito kinuha ni Venom para ihiga sa kwarto. Kahit sa kwarto ay sinundan nya pa ito hangang sa maihiga ito. Kinintalan nya pa ito ng halik sa pisngi. Habang inaayos naman ni Venom ang pwesto ni Ali ay napatingin naman ang dalaga sa Frame ni Alessandro. "Aless, andito na si Ali, kasama ko na ulit ang anak natin, nabawi na sya ni Master Venom." Masayang wika nito habang kausap ang larawan ng dating Kasintahan. Napatingin naman si Venom sa dalaga. Saka naman sya tiningnan nito. "Master, Maraming salamat ha, Niligtas mo si Ali, sobrang saya ko na andito na ulit sya." Turan ni Penny saka bigla yumakap sa Binata dahil sa saya na makasama ulit ang anak

