PENNY Maghapon kaming nag stay kina Mama Leah noong araw na iyon kahit na sa kabilang bakod lang naman ang bahay namin. Tuwang tuwa maman ang mga Bata dahil may bago pala silang mga laruan galing kina Mama. "Mama, ang dami naman po ng laruan nila" anya ko pa kay Mama na Panat ang abot sa laruan ng dalawang bata. "Naku anak ayos lang yan, maingat naman ang mga anak nyo kaya alam kong pahahalagahan nila yan, Mga Apo, gusto nyo ba ang mga Toys?" Tanong ni Mama. "Opo Lola, tenchu po." Nabubulol pang sabi ni Ali." Si Alleine naman ay nakangiti din kay Mama kaya binuhat sya ni Mama. Samantalang si Ali namab ay patakbo na kumandong kay Papa Alejandro. Nakakatuwa tingnan ang magkapatid. Labis na nagagalak ang puso ko na nakikita kong mahal sila ng Pamilya ni Master Venom. Kahit pa si Ali. Nev

