Babe? Babe, babe pa! Eh kung BABEbitayin ko sila?! At talagang pinagdiinan pa ni Miss Kim! Inis akong umatungal sa alaala. Malakas ko pang sinara ang refrigerator. Bahala na kung masira! Nagtago lang ako ng isang linggo may ibang babe na agad?! May iba ng pinagbibigyan! Does Miss Kim know his background? I bet no! Paano kung sabihin ko? Lalayo ba ang guro? Urgh! Napalabi ako at napasandal sa pinto ng ref. Ang bilis naman niyang sinagot si Miss Kim. Nakuha sa pa-cake! Hindi muna ako hinintay na matanggap ang nalaman sa kanya! Wala na ba siyang mahalikan kaya't pinatulan na si Miss Kim? Tapos ano? Inalok na rin niya ng kasal?! No way! Mabilis akong tumayo at inilang hakbang ang kwarto ni Mareng. Nadatnan ko pa itong nilalaro ang malaking Peppa Pig stuff stoy niya. "Mareng, get d

