Hindi mapuknat ang aking ngiti habang nag-aayos ng make-up. This has been delayed, but still, I am happy. Finally, I am now able to hold my diploma and practice my degree. Nakagat ko ang labi bago nangingiting pahiran iyon ng lipstick. Hinihintay ko pa ang tawag ni Draco. Sabi niya ay diretso na lang siya sa school pagkatapos ay kakain na lang sa labas. Masaya na ako sa ganoon, wala rin naman akong pakakainin dito bukod kila Aling Flor. Pag-take out ko na lang sila. "Mimi! Aren't you done yet? We might miss your march!" Napailing ako sa inip at medyo galit nitong tono. Isang beses ko pang tiningnan ang kulot kong buhok at simpleng make-up bago tumayo. Pinalandas ko rin ang palad ko sa aking itim na toga at ngumiti nang malawak sa salamin. Another step towards your future, Veron! "Mim

