Jelly’s POV “Luke?!” Nanigas ang katawan ko sa kinauupuan, napako naman ang tingin sa akin ng bagong dating na lalaki. Biglang napaawang ang bibig nito at halata ang gulat sa mukha nang pagkakita sa akin. Magkatama ang mga tingin namin, hindi ko na pansin ang paligid at tila dalawa lang kami ang narito sa loob ng mamahalin na restaurant. Tanging t***k ng puso ko na lang naririnig ko. “Mr. Del Fiero!” masayang bati ni Mr. Bernal sa bagong dating. Napakislot ako at binaling ang tingin kay Mr. Bernal na bakas ang tuwa nang makita si Luke, matapos ay tumingin ako kay Rome na halata ko rin ang gulat sa mukha nito, marahil ay hindi rin nito inaasahan ang pagdating ni Luke. Nakakuyom pa ang palad nito na nakapatong sa mesa. Napansin siguro nito ang pagtingin ko sa gawi niya kaya tumingin ito

