Jelly’s POV
Alas sais na ng umaga. Nakaligo na ako at nakapag-ayos ng sarili. Suot ang simpleng t-shirt at palda na hanggang tuhod, kinakabahan akong hinawakan ang seradura ng pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang saradong pinto ni Sir Luke. Napabuga ako ng hangin, iniisip kung tulog pa amo.
Maingat akong naglakad papunta sa kwarto ni Xena. Katabi lang ito ng kwarto ko. May walong kwarto dito sa second-floor ng mansyon. Apat sa mga bata, ang sa akin at kay Sir Luke. Narito rin ang mini gym ni Sir Luke, pati na rin ang study room ng mga bata.
Sa third-floor ng mansyon ay naroon ang mga guest room, may family cinema room din. Naisip ko nga na ayain ang mga bata minsan, para maka-bonding man lang. Mukha kasi silang kulang sa atensiyon... lalo na ang panganay na si Camilla.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Xena at sinilip kung gising na ang bata. Pumasok ako at lumapit sa kama nito at umupo sa upuan na nakapwesto sa gilid ng kama. Napangiti ako nang makita na mahimbing na tulog ng bata. Ayokong mabulabog ang gising ni Xena, kaya tahimik ko lang itong pinagmasdan. Common problems for the children with autism ay meron silang irregular sleeping patterns... Like my niece Rhian, pagdating sa pagtulog ay pahirapan. Pero medyo na-manage namin ang conditions by establishing routine bago matulog. Lahat iyon ay sa tulong lang ng research at minsan na pagpunta sa therapist, dahil na rin sa kakulangan ng budget.
Itong si Xena ay mukha naman mas advance kay Rhian kahit na magka-edad sila. Mas developed ang skills ni Xena. Sabagay, mayaman eh. Malamang ay alaga sa therapy ang bata na ito. Kahit sa pagtulog ay hindi ito kagaya ng pamangkin ko na may sleeping disorder. Nag-alarm pa ako ng alas-dos ng madaling araw, pero sinigurado ko na hindi naman maririnig ang tunog ng alarm sa kwarto ni Sir Luke. Dahil alam kong hindi naman soundproof ang mga kwarto dito. Gumising ako para lang silipin ang pagtulog ni Xena.
Kahapon ay nagawa ko naman makipag-interact sa bata. Kasama ako sa pag-papakain sa hapunan dito. Hindi siya sinasabay sa pagkain, kaya nag-suggest ako kay Ate Marife, na kung pwede ay sanayin si Xena na kumain kasama ang mga kapatid, pumayag naman ito sa request ko.
Minabuti ko na bumaba muna sa kusina para ako na mismo ang maghahanda ng agahan ni Xena. Sabi niman ni Ate Marife ay bandang alas siyete nagigising si Xena, tamang tama sa oras ng agahan ng magkakapatid.
Lumabas ako ng kwarto nasulyapan ko ang kwarto ni Sir Luke, nakasarado ito at mabilis kong nilampasan. Ang sabi ni Sir noong unang gabi na nagkita kami ay kakausapin daw ako nito kinabukasan pag-uwi niya... pero hindi naman nangyari. Ang banggit ni Ate Lai ay madalas raw ginagabi ng uwi si Sir Luke.
Pagkapasok ng kusina ay nakita ko na kumakain sina Hazel, Malou at Che, habang si Ate Lai ay may niluluto.
“Good morning, mga Ate!” Masiglang bati ko sa lahat. Tanging si Che at Ate Lailani ang bumati sa akin pabalik. Habang ang dalawang Yaya ay parang walang narinig. Hindi ko nalang pinansin ang pag-dedma nila sa akin, obviously hindi nila gusto ang presensya ko. Hindi ko ugali ipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto, kaya minabuti kong ibigay ang matamis kong ngiti kay Ate Che at Ate Lai.
“Ate Lai,” malambing na tawag ko. “Ako na sana ang maghahanda ng agahan para kay Xena.”
“Gano'n ba, hija,” Malambing rin na tugon sa akin. “Pihikan si Xena sa pagkain, puro hotdog lang kinakain niya.”
“Sasamahan ko na lang ng prutas, Ate. Okay lang kahit hindi niya kainin ngayon, gusto ko lang sanayin ang mata niya sa healthy food,” sabi ko kay Ate Lai. Tinabihan ko ito at kumuha ng mga nakalapag na pagkain na aking iluluto, hotdog egg at fruits. “Ako na rin ang magluluto Ate Lai.”
“Hmpp, pa-bida!”
Lumingon ako sa may table nang marinig ang sinabi ni Hazel. Nagtama ang paningin namin, agad nitong iniwas ang tingin, sabay flip ng kanyang hanggang balikat na rebonded hair. Iniwas ko ang tingin dito at ibinalik na ang atensyon sa hotdog na tinatanggalan ko ng plastic. Mukhang kapwa ko yaya ang magiging kontrabida sa buhay ko dito.
“Hoy!” Malakas na sabi ni Ate Lai. Nilingon ko ito at nalaman na si Hazel ang sinisigawan. “Ikaw ang hilig mong mam-bully ng baguhan, ha! Kaya siguro umalis 'yong pinalitan ni Jelly dahil sa pam-bubully niyo ni Malou. Baka inggit lang kayo kasi maganda si Jelly!”
Muling binaling ni Ate Lailani ang atensyon sa niluluto. Hindi naman pumalag ang dalawang yaya.
“Ayan, ano kayo!” dinig kong wika ni Ate Che na mukhang inaasar ang dalawang yaya.
“Anong away ang naririnig ko!?” Napalingon kaming dalawa ni Ate Lai kay Ate Marife na kadadating lang.
“Wala Ate!” halos sabay na sabi ni Hazel at Malou.
“Ang aga-aga ang iingay niyo! Papunta pa lang ako dito may naririnig na akong galit!” Inis na wika ni Ate Marife. “Hazel, Malou, bilisan niyo ang pagkain niyo d’yan at tignan niyo na ang mga bata at asikasuhan para makakain na. Bilisan niyo ang kilos!”
Pagkasabi noon ay agad na lumabas si Ate Fe mula dito sa kusina. Nanahimik na lang ako, kahit medyo badtrip sa dalawang yaya ng mga bata.
“Tapos ka na, Malou?” dinig kong tanong ni Ate Che. “Parang diet ka yata ngayon?”
“Naku, kahit anong diet n'yan hindi s’ya makakapasa for sure.” sagot naman ni Hazel kahit si Malou ang tinatanong ni Ate Che.
Nagpatuloy lang ako sa sa paghihiwa naman ng mansanas para kay Xena.
“Makakapasa saan, Hazel?” muling tanong ni Ate Che.
“Doon sa audition ng De Luna Resorts Bikini Open” sagot ni Hazel “Ito kasing si Sir Lucio, may hina-hunting yata na kolehiyala... Kaso hindi naman daw interesado na maging face of De Luna Hotel. Kaya ayun... magpapa audition na lang daw.”
“Oo. Kaya watch out, I’m gonna be a star!” narinig kong singit ni Malou.
“Naku, Malou, alam ko naman na gusto mo lang magpapansin kay Sir Luke dahil alam mo na a-attend siya sa Bikini Open at kukunin siyang judge ni Sir Lucio kagaya last year. Huwag kame, Malou, 'wag kame!” pang-aasar ni Hazel.
Patuloy pa rin ako sa paghihiwa ng prutas habang si Ate Lai naman ay pinatay na ang kalan at lumapit na sa mesa.
“Hoy, Malou,” dinig kong sabi ni Ate Lailani “Itigil mo na ang pananaginip mo ng gising, pwede ba? Kahit yata maglakad ka ng nakasuot lang ng panty ay never kang tatapunan nang malagkit na tingin ni Daddy Luke.”
Napangiti ako dahil sa pagka-kalog ni Ate Lai. Mukhang normal na rin ang asaran ng mga kasambahay dito.
“Oo nga, Malou. Alam mo naman na si Ma’am Georgina lang ang nakikita ng mata ni Sir Luke.” sabat naman ni Ate Che. “Kaya nga tinigilan ko na ang pagkahumaling d’yan kay Sir Luke. Doon na lang ako kay Sir Rome, magkasing hot lang naman sila, eh.” ramdam ko ang kilig sa pagkakasabi ni Ate Che.
“Ano nga kasi ang nakita ni Sir Luke d’yan kay Ma’am Georgina. Wala na ngang pw*t, maliit pa ded3. Ang pangit ng katawan,” sabi ni Malou.
“Kaya nga, eh. Tsaka hindi naman talaga siya kagandahan. Totoo talaga ang tsismis na inampon lang siya ng mother ni Sir Rome.” ani Hazel.
“Ang alam ko ay confirmed na ampon lang talaga si Ma’am George” singit ni Ate Che.
Gusto ko man na mapailing dahil sa usapan ng mga tsismosa sa likod ay hindi ko magawa. Kaya patuloy lang ako sa paghahanda. Ang kinakatakot ko ay baka bigla na naman na may lumitaw na buntisero dito sa kusina, at mahuli na naman na buhay niya ang inaalmusal nila Ate.
“Hay naku. 'Wag niyo na pag-usapan ang babaeng iyon. Hindi ko talaga vibes ang ugali no'n.” sabi ni Ate Lai. “Pakiramdam ko laging may itinatago.”
“Nakaka-curious lang Ate Lai.” sabi naman ni Hazel. Kanina lang ay nagbabangayan ang dalawa. Pagdating pala sa chismisan ay mukhang BFF ang apat.
“Alam mo naman ang tipo ni Sir Luke,” wika ni Ate Lai. “Sa mahigit na sampung taon na pagtatrabaho ko dito, masasabi ko na madali ma-develop si Sir kapag maalaga ang babae. Hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo. Tingnan nito 'yung huling dalawang babae na nabuntis niya, mas maganda pa si Jelly ng sampung paligo.”
Saglit kong nilingon si Ate Lai na patuloy lang sa pagkwento. Kinakabahan lang ako na biglang dumating si buntisero, pero makikita naman agad pag may papasok sa kusina dahil nakaharap si Che sa pintuan at makakasenyas agad kapag may pumasok.
“Pero dati talaga noong babaero pa si Sir Luke... ang gaganda ng mga naging girlfriend niya. Lalo na yung Mommy ni Camilla, kapag dumadalaw dito... susme! Head turner talaga.” patuloy ni Ate Lai.
So, buhay pa pala ang Mommy ni Camilla? sa isip isip ko. Bakit kaya lahat ng anak ni Sir Luke ay nasa kanya ang custody? Ang weird lang... usually sa ina sumasama ang bata in case ng hiwalayan, pero si Sir Luke ay iba. Lahat ng anak nito ay nasa kanya ang custody. Siguro dadating din ang araw at malalaman ko ang istorya ng buhay-pag ibig ng gwapo kong amo.
“Iyang si Ma’am George, nabighani lang naman si Sir Luke d’yan dahil dinaan ni Ma’am George sa kare-kare.” Patuloy ni Ate Lai. “Siyempre si Sir Luke sabik sa alaga ng asawa. Tsaka, isang opisina lang pinagta-trabahuhan nila... kaya siguro na-fall si Sir Luke. Kasi sabi ni Bebang, sweet daw talaga si Ma’am George. Todo alaga daw sa kapatid niya at pamangkin. Pero ang masasabi ko lang talaga ay hindi ko siya vibes, may something sa pagkatao ni—"
“Naku! Tama na ang tsismisan at baka nagising na ang mga bata.” saway ni Che. “To be continue na lang natin bukas.”
Tumigil na ang apat sa pag-uusap. Mukhang nabusog sila sa inagahan nilang chismis. Umalis na si Hazel at Malou. Naiwan si Ate Che sandali para magligpit, habang ako ay pinirito na ang scrambled egg at hotdog. Si Ate Lai naman ay nagsimulang kumuha ng mga pinggan at maghahain na raw ito sa dining room.
Matapos kong magluto ay ako na mismo ang nagligpit at naghugas ng nga ginamit ko sa pagluluto. Tiningnan ko ang orasan at quarter to seven na. Nagmamadali akong umakyat sa taas para tignan kung gising na si Xena at maasikaso papunta sa dining area.
Papa-akyat ako ng hagdana at nakasalubong ko pa si Camilla na pababa naman habang nangingiti na hawak ang cellphone.
“Careful, Camilla!” agaw atensyon ko dito, dahil baka mahulog naman ito ng hagdan habang pababa at wala ang atensyon sa hagdan, kundi nasa cellphone.
Bigla naman itong napalingon sa akin at sumimangot ang magandang mukha.
“Good morning!” bati ko sa dalaga.
Hindi ako nito pinansin, bagkus ay nilagpasan ako at derechong bumaba ng hagdan. Agad ko itong nilingon, nagmamadali ito sa pagbaba. Mabuti at hindi na naka-focus sa cellphone. Napailing na lang ako sa attitude ng panganay ni Sir Luke.
Pagkapasok sa kwarto ni Xena ay nadatnan ko si Ate Marife.
“Jelly, tutulungan muna kita, ha. Kasi baka manibago pa si Xena.” bungad ni Ate Marife.
“Salamat po. Ate.”
Matapos ayusan si Xena ay agad kaming bumaba patungo sa dining. Ayaw pa nga sumama sa akin ni Xena. Nag-tantrums pa ito, pero saglit lang naman. Napa-amo ko naman kahit papaano.
Nang makarating kami sa dining ay kumpleto na ang mga kapatid ni Xena. Agad kong iniupo sa silya na katabi ni Leona.
Naroon sina Hazel at Malou at nakasimganot nang makita ako. Nakatayo lang sila at nagbabantay sa gilid katabi ni Ate Fe.
“Jelly, tabihan mo na si Xena para makapag focus siya sa pagkain.” Utos ng mayordoma. Tinignan ko saglit si Ate Fe at nadaanan ng mata ko ang dalawang yaya na tinaasan ako ng kilay. Binawi ko ang tingin at nag-concentrate na lamang kay Xena. If I know, inggit na naman ang dalawa sa akin dahil sila ay nakatayo, samantalang ako ay nakaupo dito na parang parte ng pamilya Del Fiero.
Nagsimula na sa pagkain ang mga bata. Tahimik lang si Nikita at Leona habang si Camilla na katapat ko ay panaka-nakang nagte-text habang kumakain. Pangiti-ngiti rin ito. Panigurado na may nanliligaw na dito. Ang tanong ay alam naman kaya ng Daddy nito? Gusto ko sana sawayin si Camilla, at sabihin na irespeto ang pagkain, pero sa ngayon ay ayoko muna makialam sa dalaga at baka lalong lumayo ang loob nito sa akin.
Napakain ko naman si Xena. Nagkaroon ng struggle pero at least kumain ito. Sana lang mamaya ay mag-behave ito. Hindi nga lang nito pinansin ang hiniwa kong prutas, pero ayos lang. Sasanayin ko muna s’ya na nakikita ang masusustansyang pagkain.
“Good morning, kids!”
Agad akong napalingon sa pamilyar na baritong boses na agad nagbigay sa akin ng kakaibang kaba sa dibdib. Nilingon ko ang pinanggalingan at ang gwapong mukha ni Sir Luke ang nakita ko. Bumagay dito ang suot nitong business suit. Halata pa rin ang ganda ng katawan kahit ganun ang suot.
Napaawang ang labi ko sa paghanga, saktong dumapo ang tingin nito sa akin at nagtama ang paningin namin. Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Agad kong iniwas ang mata ko at ibinaling ang tingin sa plato na kinakainan ni Xena
“Daddy is just going to work, be good, girls,” dinig kong sabi nito, “Ate Fe, ikaw na ang bahala sa kanila.”
“Yes, Sir Luke.” sagot ni Ate Fe.
“Take care, dad,” dinig kong wika ni Camilla. Napaangat ako ng tingin at nakita ko na hinalikan ni Sir Luke sa pisngi sa ang nakasimangot na si Camilla. Matapos bigla uli itong lumingon sa akin at muli kong iniiwas ang aking tingin.
“Bye, daddy take care,” wika naman ni Nikita. Malamang ay nag-goodbye kiss din siya dito. Gano'n din ang narinig ko sa cute na boses ni Leona.
“Xena,” napakislot ako ng marinig ang boses ni Sir Luke na katabi lang ni Xena ngayon, lumuhod ito at ipinantay ang tingin sa bata. “I’m glad you’re eating with your siblings.”
Nilingon ko si Sir Luke na nakatingin kay Xena habang nakangiti, nakakatunaw ng puso ang nakita kong saya sa mukha nito.
Ibinaling nito ang tingin sa akin. “Thank you, Jelly. Take care of Xena, please.”
Napaawang ang labi ko at bahagyan nagulat, pero agad din na nakabawi. “S-sir, makakaasa po kayo.” Pinilit kong i-maintain ang eye contact pero agad din akong nagbawi ng tingin.
“Be a good girl to your new Nanny, Xena” sabi nito, muli kong ibinaling ang tingin dito at nakita ko itong hinalikan si Xena.
Matapos ay tumayo na ito at tumalikod sa amin at hindi na muling lumingon pa.
Tinignan ko ang mukha ng mga bata, seryoso ang mukha nila. Naawa ako dahil wala na silang mga mommy, tapos hindi pa nila makabonding ang daddy nila.
“Kahit sana sa agahan lang ay maka-bonding mo sila, Sir Luke. They are lonely."