Jelly’s POV “Baka namamalikmata ka lang Darling.” Narinig kong sabi ni Ate Marife sa asawa nito habang nagkakape sa kusina kasama si Ate Lailani at Che. “Oo nga, Kuya,” dinig ko naman na singit ni Ate Che. “Imposible naman na dalawin ni Georgina si John Greg.” “Hindi ba si Ma’am Georgina ang nagrefer para maging driver ni Sir Luke yang manyakis na si John Greg?” sabi naman ni Ate Lailani na na umupo sa tabi ni Che dala ang sandwich na gawa nito. “Talaga ba Ate?” Curious na tanong ni Ate Che. Ang saya lang nilang panoorin habang hindi pa nila ako nakikita, hindi talaga kumpleto ang kusina na ito kapag walang chismisan. “Paano mo naman nasabi?” dagdag pa ni Ate Che. “Ang alam ko lang.” tipid na wika ni Ate Lai. “Pero baka namalikmata nga lang ako Darling.” Sabi naman ng asawa ni Ate Ma

