Jelly Aguilar's POV Agad akong lumayo sa lalaki nang mapansin kong napahawak ako sa dibdib nito. Nakagat ko ang ibabang labi ko sabay yuko at hingi ng pasensya. “S-sorry po, hindi ko po kayo napansin.” Inangat ko ang tingin at nagtama ang tingin namin ng gwapong lalaki. Hindi ko maiwasan na humanga sa tindig ng lalaking kaharap. Parang si Sir Luke na tipong modelo o artistahin ang dating. Kasing tangkad rin ito ni Sir Luke, at kagaya nga ng napansin ko kanina ay magkahawig sila ng mata. Tila napako naman ang tingin sa akin ng lalaki dahil hindi ito kumilos at nakatingin lang sa akin. Tumikhim ako at tila naman naramdaman ng lalaki ang pagkailang ko. Nakita ko ang pagkapkap nito sa pantalon nito na parang may hinahanap. Bigla kong naalala na narito ako para bumili ng laruan. Nang makita

