♛♕♛ Umiinum ng alak si Albert sa kaniyang silid, kakatapos niya lang makipagsiping sa nobya na ngayon ay natutulog na sa kabilang kwarto sa loob ng barko. Hindi na siya makapag-intay na makatikim ng ibang putahe lalo na ngayon lang siya nakakita ng ganoong kagandang commoner sa tanang buhay niya. "Ang puti ng balat niya na parang nyebe at ang katawan niya na sobrang ganda ng hulma. Hahaha! Hindi na ko makapag-intay na sirain siya, ano kaya ang pwede ko ipagawa sa kaniya kapalit ng pera?" Masayang tanong ni Albert sa sarili habang panay ang lagok ng kaniyang alak. *tok tok* Nakarinig siya ng dalawang katok mula sa kaniyang pinto at tinignan ang orasan, napangisi siya dahil saktong mag a-alas dose na ng madaling araw. "Alam na alam niya ang tamang oras para pumuslit ah," bulong ng lalaki

