♛♕♛ Nagising si Adelle sa isang malambot na higaan, may suot na siyang puting pantulog at malinis na rin ang buong silid. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong kwarto at doon pumasok sa memorya niya ang naganap na pangyayari sa bawat sulok ng silid. Napatakip siya sa kaniyang bibig at mabilis na napaupo sa kaniyang kinahihigaan at doon niya na ramdaman ang pagsakit ng kaniyang balakang at ang pribado parte ng kaniyang katawan. “Sinong nagbihis sa ‘kin? Totoo bang nangyari ang lahat o nagpapantasya lang ako?” Tanonng niya sa kaniyang sarili at hinanap ang marka ng kaniyang pagkadalaga na kaniyang binigay kay Zeren. Wala na ito sa kama, walang ano mang bahid ng dugo sa puting kobre kama na kaniyang pinagtaka. Iniisip niya tuloy na lahat ng nangyari kagabi ay dulot lamang ng kaniy

