♛♕♛ Nakatingin nang seryoso si Adelle sa mga mata ng kaniyang nobyo habang si Zeren naman ang nais umiwas sa mga ito. Pakiramdam niya ay binabasa ni Adelle ang mga iniisip niya at kung hindi siya iiwas ng tingin dito ay paniguradong hindi niya mapipigilan ang kaniyang sarili na umamin sa katotohanan. Katotohanan na hindi pa siya handa sabihin sa kasintahan. "Zeren, alam mo ba ang balita tungkol sa lalaking nakasama natin sa barko noong nasa Morocco Island tayo at nagbabakasyon?" Seryosong tanong ni Adelle at umaktong nagtataka si Zeren sabay iling at lapit sa kaniyang nobya. "Hindi ko nabasa ang pahayagan, sino ba roon?" Tanong ni Zeren at nagmamaang-maangan sa bagay na kaniyang ginawa. ""Yung lalaking kumausap sa 'kin, 'yung lalaking nawawala?" Tanong ni Adelle at tinitignan kung sasa

