♛♕♛ “Aaaachoooo!” Malakas na bahing ni Adelle habang patuloy na pinupunasan ang kaniyang ilong. Kanina pa siya panay ang singa pagtapos nila magbabad sa dagat kagabi, hindi pa rin bumababa ang kaniyang lagnat ngunit ayos naman ang kaniyang pakiramdam. “Kanina sinat na lang ‘yan, na hanginan ka lang ngayon sa barko binabahing ka na agad,” saad ni Zeren saka binalot ang nobya sa makapal niyang coat. Umupo siya sa tabi ninto at muling hinipo ang noo ng nobya para tignan ang kalagayan ninto. “May sinat-sinat ka pa, masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang tumawag na ko ng doktor?” Tanong ni Zeren at tumaas naman ang kilay ni Adelle dahil sa kahibangan na nais gawin ng binata. “Saan ka naman tatawag ng doktor sa gitna ng karagatan ha? Nahihibang ka na ba aking mahal?” Sarkastikong tanong

