SHRALIA'S POV Hindi ito maaari. Nagising sya mula sa pagkakahimbing. Pero pa'no? Sino ang gumising sa kanya? May bago na naman ba kaming kaaway? Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi nya na ulit mapasok ang isipan ni Shamier. Pero pa'no? “Mahal na reyna!” Napaitlag ako dahil sa tawag sa 'kin. Si Vinus pala. “Ano iyon?” agad na sagot ko. Nag-aalala ako ngayon sa anak ko. Baka mawala sya sa 'kin ulit. “Gising na po ang anak nyo at hinahanap kayo."” Tumayo ako kaagad dahil alam kong sabik sya sa 'kin. Nabungadan kong yakap sya ni Amier. Buti nalang at inalagaan nya na parang tunay na anak ang anak ko. Alam kong gagawin nya ‘yon dahil sa kaibigan nya ako at alam kong mapagkakatiwalaan ko sya. “Ina.” Umalis sa pagkakaap si Shamier kay Amier at lumapit ako

