SHAMIER'S POV “AAARRGGHH.” Hindi ko alam na ganito pala 'to. Para sya ngayong nagwawalang mabangis na leon sa isang kagubatan. Takbo parin kami ng takbo dahil hinahabol kami ng malaking dragon na ito. Napapagod na akong tumakbo. Lagi nalang ganito ang sinaryo tuwing may makakasagupa ako. Hindi naman ako sa laban napapagod kundi sa kakatakbo. Sana all hinahabol. Ba't pa kasi huhulihin itong mga dragon na 'to? Buti pa si Draicon nagpahuli agad. Putik! Itong Creisa na 'to. Masyadong mainitin ang ulo! Pero bakit nga ba sya nagwawala? Dahil lang nga ba sa maingay kami? O baka naman may kung anong masakit lang sa kanya? Pero kailangan ko munang alamin kasi kailangin kong mahuli 'tong pesteng dragon na 'to. Tsk! Huminto ako at humarap kila Limo at Jay. “Ate Shamier!” tawag ni J

