Intruduksiyon

383 Words
Sa school na pinapasukan ko, may limang deliquent na sakit sa ulong estudyante. Tarantado. Barumbado. Masama ang ugali. Palaaway. At gwapo. Yan lamang ang mga salitang maaring maglarawan sa kanila o sa mga ugali nila. Yung tipong mapapasabi ka na lang ng... 'Sayang naman, ang gu-gwapo sana, masama naman ang ugali.' Pero kahit gano'n, lahat sila ay gusto ko. Dahil may iba't-iba silang katangian, na siya namang nagustuhan ko sa kanila. Ang una na siyang una kong nagustuhan ay si... Draine Sanshez. Siya ang pinaka tahimik sa kanilang lahat, ngunit kung magagalit ay siya naman any pinakabarumbado. At nagustuhan ko siya dahil bukod sa gwapo ay matalino pa. Ang pangalawa naman ay si Rubien Lucio, ang siyang pasimuno palagi ng mga rambulan. Kung bakit ko siya nagustuhan, kasi magaling siyang mag-gitara at kumanta. Pangatlo ay si Craine Sanshez ang kakambal ni Draine. Siya ang pinakachildish sa kanilang lima. Pilyo at matalino din, pero di siya grade-concious katulad ni Draine. Gusto ko ang pagiging malaya niya para sa sarili. Ang pang-apat naman ay si Kisho Suarez. Sa kanilang lima siya ang pinakagusto ko, dahil sobrang pasok siya sa standards ko. Matalino, gwapo pero simple, peace maker at sobrang gentle man pa. At ang panglima sa kanila, na hindi ko alam kung paaanong napasok sa standards ko at paano ko nagustuhan, siya ay si Thunder. Wala siyang apelyido, siya ang pinakamysterious sa kanilang lima. Ang lider ng grupo, at ang pinaka sa pinaka. Pinaka tarantado, barumbado, palaaaway, masama ang ugali at ayoko mang sabihin pero siya na din ang pinaka-gwapo. Kung na-ccurious ka na sa pagkatao ko, ako si Jyacint Jayeine o mas kilala sa tawag na Jaja. At isa lang naman ako..nobody. Wala, parang isa lang akong normal na extra. At ang limang kinukwento ko ay— hmm paano ko ba sasabihin ahhh, para silang main leads kumbaga bida sa isang palabas o nobela. Kung inaaakala mo na ang kwentong ito ay clinche, na bigla nila akong mapapansin o mamahalin,pag-aagawan— nahh mali ka diyan. Dahil ang kwento na ito ay tungkol sa pag-abot ko sa kanila. Ang kwento ito ay kung paano ko sila naabot sa pamamagitan ng isang spell o mahika. 'Because I'm a girl that needs more than one to be satisfied.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD