Chapter 3

2436 Words
"Para saan ito Lycan?" takang tanong niya sa bigay na isang kumpol na rosas sa kanya ng kaklase niya ng puntahan niya ito sa dati nilang pwesto sa canteen. "Para sa'yo," hiyang sabi nito, namumula ang mga pisngi nitong labas na ang buto. "Anong gagawin ko dito Lycan? Mukha ba akong altar para alayan ng bulaklak? Teka, may price tag pa ah... HA?! One thousand na ang isang boquet na ito?! Ang mahal! Twenty five days ko ng baon 'to ah!" hindi makapaniwalang sabi ni Sierra. Hindi naman nakaimik ang kanyang kausap, lalo ata itong namutla at hindi na makaimik. "Lycan, tapatin mo nga ako... Don't tell me..." Tumango ito at tiningnan siya ng deretso sa mga mata, "Yes, I'm trying to court you. I think it went badly though... first time ko kasi..." hiya nitong wika sa kanya. "Akala ko pag nanliligaw, binibigyan ng pag-mamahal ang isang tao. Hindi binibili Lycan. Hindi ako ang tipo ng babae na nadadaan sa pera. Alam mo naman siguro ang kalagayan ngayon?" tanong niya dito. Hindi lingid kay Lycan ang kalagayan ni Sierra. Working-student na nga siya, may part-time job pa sa ukay-ukay. Sapat lang ang kinikita niya pambaon at pambayad ng iba pang ambagan at bayarin sa school, minsan nga kapos pa. Tapos reregaluhan siya ng bulaklak na nagkakahalaga ng 1000 pesos?! "So-sorry Sierra, please wag ka magalit. Wag mo akong layuan, ikaw na nga lang ang kaibigan ko dito," pag-mamakaawa nito sa kanya. "Hindi naman ako galit Lycan, nanghihinayang lang sa perang nagastos mo. Tsk. Akin na nga yan!" kinuha n’yang bigla ang hawak nitong boquet, "Sayang ang 1000! Pero last na ito ha? Pag naglabas ka na naman ng pera para sa akin, hindi na kita papansinin," banta niya dito. "Sige, hindi na ako magbibigay ng regalo na mahal. Pero gusto mong kumain? Masarap ang pagkain sa Shangrila. Sa Gateway din at sa... sa canteen na lang pala," bigla nitong sangat ng makita ni Lycan na tumataas na ang kilay ni Sierra. Magkasabay silang nagtanghalian ng araw na iyon. Second Year na sila at nagsimula na ang kanilang pag-iibigang akala niya ay walang hanggan na. Ang katangahan ng unang pag-ibig. Biglang nagising si Sierra. Twelve na ng hating gabi. Tumingin siya sa paligid niya at nakita n’yang nag-lalaptop si Stellar habang nag-lalaro ng P.S.P si Mystina. "Itulog mo lang yan Sierra. Mukhang naliligayahan ka sa mga panaginip mo ngayon," payo sa kanya ni Mystina na hindi man lang siya nililingon dahil busy sa nilalaro, "Enjoy mo lang yan! Ay shoot! Natalo pa ang Gundam Raiser ko! Kaines!" hiyaw nito ng ma game-over. Inayos ni Stellar ang salamin at tumango sa kanya, "Kami na ang magpapatay ng ilaw Sierra. Ituloy mo na ang naudlot mong panaginip." Napatango na lang siya sa mga ito at muling humiga. Masasakit ngang ala-ala. Matatamis na araw ng pag-mamahalan. Pero bakit ang sarap pa ring balikan kahit alam mo na sad ending ito? -0- "Jake, pumunta ka sa room 40, nagwawala na naman si Matilde. Turukan mo ng pampakalma," sabi niya sa lalakeng busy sa pagpapa-gwapo sa harap ng salamin sa Nurse's Station. Pinakagwapo ito sa apat n’yang boys, pero ang pinaka-vain. Laging maabutang nakaharap sa salamin at nakatitig sa salamin. "Yes Ma'am, ay hello Mystina!" bati nitong bigla sa best friend n’yang biglang sumulpot sa harap nya. "Sierra, day-off nating tatlo bukas. Saan ang ating excursion?" tanong nito sa kanya pero biglang parang may naalala at naningkit ang magaganda nitong mata na kulay uling, "Wag na wag mong maiisipang hilahin na naman kami ni ate sa rally ha?" Tumango naman siya, "Oo na. Hindi na po. Saan nga ba maganda? Sa Megamall na lang Mystina. Para makakain na ako sa Saisaki. Hindi pa ako nakakatsibog doon," naalala niya ang kwento ni Stellar sa isang eat-all-you-can na nakainan nilang magkapatid sa Megamall, "Bibili na din ako ng Krispy Kreme. Pambaon sa school. Nakaka-antok mag doctoral!" angal nya. Second Semester na nila sa F.E.U. Physician ang napili n’yang i-specialize. Psychiatry naman si Stellar. Habang nag two sets ng culinary arts si Mystina. May trial program na four years na ang pag do-doctor kaya pinatulan na nila ni Stellar. Gusto nila na pag 23 years old na silang tatlo, mag-aabroad na sila. "Ay sige, sasabihin ko kay Ate Stellar, pero mamaya na lang kasi tyak na tulog na iyon," sabi nito. Awtomatiko siyang napatingin sa orasan at nakita ni Sierra na ala-una pasado na. "Umalis ka na dyan Mystina, hindi makapag-focus sa work si Jake," taboy niya dito na kumindat lang sa kanya, "Aba! Ba't nandito ka pa! Puntahan mo na si Matilde!" sigaw niya kay Jake na nasa harap pa rin ng salamin. Dali-dali naman itong tumakbo paalis. Bumuntong-hininga na lang siya at nag-unat. Itinuon na lamang niya ang kanyang pansin sa ginagawang daily report para hindi na niya maalala ang lalaki noong isang araw. Kamukha kasi nito ang gusto n’yang ipaganga kay Mystina. -0- "I knew it was you Sierra." "Alam kong ako si Sierra, sino ka naman?" balik tanong niya sa lalaking nakasalubong nilang tatlo pag-labas nila sa Saisaki after four hours ng tyibugan. Ang ganda na sana ng mood niya kaso humarang ang isang lalaki. Nagtanggal ito ng shades at napasighap siya sa kanyang isip. Ito yung lalaking nagtanong sa kanila ng direksyon. "Hindi mo ba talaga ako natatandaan Sierra? Ilang buwan lang tayong hindi nagkita." Umiling siya, "Kaya nga nagtatanong ako kung sino ka, ‘di ba? Mahina ba ang pandinig mo o tanga ka lang?" Napasipol ng mababa si Mystina sa likod niya samantalang tahimik na nagmamasid lang si Stellar. "Jeez, it's me Sierra! Lycan! Lycan Fortalejo!" ngisi nito sabay hakbang papalapit sa kanya. Nagliwanag ang utak ni Sierra ng matandaan niya ang lalaking nasa harap. Gumandang lalaki ito. Pero alam n’yang may hitsura ito noon pa man kahit mukha itong emo. Ngumiti siya ng malapad at lumapit din dito. "Ah! Lycan! Ikaw nga! Buti nagpakilala ka! Kasi may appointment ang mga palad ko sa mukha mo!" Pagkasabi n’yang iyon ay binigyan niya ito ng isang mag-asawang sampal na sa ubod ng lakas ay napaupo ito sa sahig ng mall. Biglang may lumapit sa kanilang tatlong malalaking lalake. Bodyguards ata nito. Bigla na lamang hinawakan ng mga ito sila Mystina at Stellar ng mahigpit. "Si Duncle lang ang lalaking may karapatang humawak sa aking balat na alaga ng Silka Papaya Soap! Pagnilay-nilayan mo ngayon ang galit ng sandok ko!" tumama sa mukha ng nahawak kay Mystina ang bagong bili nitong Japan-made, stainless steel non-stick sandok. Plakda ang kawawang bodyguard nito sa tiles na nakatulog ata. Binigyan ni Stellar ng isang flying kick ang damuhong nanantsing na dito sa sobrang pagkakahawak sa braso. Lumipad ang malaking lalake ilang metro ang layo sa best friend nya. Hindi niya mapigilang hindi humanga sa husay nito a taekwondo. Bago pa makalapit kay Sierra ang isa pang guard nito ay inunahan na niya ito ng sipa sa p*********i nito. Tumarak ang mga mata nito sa sakit at napaluhod sa panlalambot. "Dapat kami na lang ang kinuha mong bodyguards Senator Lycan Fortalejo. Delikado pa man din ngayon ang pagtakbo sa eleksyon!" kunwaring pagmamalasakit na sabi ni Mystina dito na tumayo sa kaliwa niya habang winawagayway ang sandok nitong parang setro ng beauty queen. "Payo lang sir. Paltan mo na ang mga yan at kumuha ka ng magagaling. Baka hindi ka na makatakbo sa eleksyon at gumapang ka na lang dahil sa kalambutan ng mga guards mo," simpleng pang-iinis ni Stellar na nakangisi ngayon sa kanan nya. Medyo nakakakilabot pala ito pag nagiging bayolente. Hindi makaimik si Lycan na titig na titig sa kanilang tatlo. "Ngayon alam mo na ang nangyayari sa akin pag nakakakinig ako ng pangalang binanggit mo kanina. Kaya kung ayaw mong gumapang papunta sa house of senate, ay wag na wag ka nang magpapakilala sa akin. Bye sir," iyon lang at sabay-sabay silang lumakad paalis dito na nakaupo pa rin sa sahig. Humawi ang mga taong nakikiusyoso na tila takot na takot sa kanilang tatlo. "Ah... salamat Sierra. Akala ko mamamatay na ako sa boredom. Kailangan ko ng aksyon na tulad nyan every once in a while. Nakakatulog ang dugo ko sa pavilion," pasasalamat sa kanya ni Stellar na mukhang ligayang-ligaya sa nagawa. "Hmm... Sana hindi nagka-germs ang sandok ko! Ang mahal pa man din nito. Pa dis-infect nga Sierra pag-dating sa bahay," pakiusap sa kanya ni Mystina habang pinupunasan ng panyo ang "nagkasakit" nitong sandok. "Oo naman, gusto mo bigyan ko pa siya ng sponge bath!" alok niya dito. Nagningning naman ang mga mata ni Mystina at tumango. "Girls, feeler mode!" mabilis na sabi ni Stellar. Kanya-kanya silang tatlo ng pulasan at napapunta siya sa isang food stall na nagbebenta ng ice cream, "Kuya, ang gwapo mo naman. Pwede bumili ng chocolate ice cream? Pwede paupo dyan sa upuan mo? Napapagod na kasi ako eh!" pacute niya sa kawawang lalake na pulang-pula ang pisngi ng tumango sa kanya. Dali-dali siyang umupo sa pwesto nito na sakto namang pag-daan ng iba pang guards ni Lycan na tila hinahanap sila. Maya-maya pa ay nakalamapas na ang mga ito at nakahinga narin siya ng maluwag. "Ma'am eto na po ice cream nyo." "Ay thank you. Salamat sa pagpapa-upo," kumindat siya dito sabay nakipagtagpo kay Stellar na may dalang shake at kay Mystina na may dalang fries. "Yum! Sarap ng fries. Mas masarap kaysa sa fast food. What an amazing discovery!" masayang sabi ni Mystina sabay subo ng fries, "Nakakalamig talaga ang shake na ito, ano kayang lasa nung chocomelt flavor?" tanong ni Stellar sa sarili habang nasipsip ng inumin, "Babalikan ko sila pag-sweldo ko ulit," promise nito nang nagsimula na silang maglakad palabas ng mall na parang wala silang pinagtaguan. Napahinto sa pagla-lakad si Sierra at tumitig sa likod nitong dalawa na sarap na sarap sa dalang pagkain habang naglalakad. "Gold diggers at social climbers Mama? Baka "unselfish friends at soul sisters." "Hoy babae, ikaw ang nakatokang magluto ngayong gabi kaya wag kang patagal-tagal dyan at bilisan mo ang lakad!" malakas na hiyaw sa kanya ni Mystina. Pinagtinginan sila ng mga tao pero wala siyang pakialam ng inakbayan niya ang dalawa. Kaya niya ang lahat. Mapabugbugan. Basta kasama niya ang mga ito. -0- "Aray-aray! Ang sakit! Lintik na sapatos ito!" taghoy ni Sierra sabay hubad sa puting high-heels niya at ipinagpatuloy ang paglalakad sa kalakhang Mandaluyong. Ilang oras ba namang suot niya ang hinayupak na high-heels na iyon sa mental. Ilang oras din siyang nagtatakbo at nagtatayo. Ngayong papauwi na siya ay hindi na kinaya ng pobre n’yang mga paa ang parusa at minabuti n’yang sagutin ang dalangin ng mga ito. Walang kaabog-abog n’yang shinoot sa kanyang dalang shoulder bag ang high-heels at naglakad siya ng yapak kahit nakaputi siyang uniform ng nurse. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng tao basta komportable siya sa kanyang lakad papunta sa sakayan pa F.E.U. "Ang hirap talaga ng mahihirap, yapak na nga, lakad pa pauwi. Nakaka-awa," panunudyo sa kanya ng pamilyar na boses. Pag-lingon niya sa kanyang kaliwa ay nakita niya ang itim na BMW na sakay-sakay si Lycan na naka sibilian na suot. Mahigit isang buwan na n’yang hindi ito nakikita. November na noon. "Kaya sisiguraduhin ko na walang maglalakad ng yapak tulad mo ngayon pag naging senador ako Sierra," taimtim na pangako nito na nakakaloko. Lumingon siya dito at umismid, "Endorser mo ba si Korina Sanchez? Pareho kasi kayo ng ilusyon," sabi niya dito habang tuloy ang lakad kung saan nakita n’yang kinakawayan na siya ni Mystina kasama ang kapatid sa terminal ng bus. Si Lycan naman ay nakasunod lang sa kanya sa sasakyan nito. Nangasim ang mukha ni Stellar ng mamukhaan ang sakay nito at sumakay na sa nakaparadang bus pagkasabi sa kapatid na, "You know what to do." "Yes ate!" saludo nito kay Stellar. Binuksan nito ang hawak na garapon at initsa iyon sa loob ng sasakyan ni Lycan sabay hatak sa kanya pasakay ng bus na papaalis na. Sumilip pa ito sa bintana ng bus at binelatan si Lycan na mukhang galit na galit sa kanila, "Enjoy, sucker!" kumaway pa ito sa kawawang lalake na tinapunan nito ng hindi-makilalang bomba. "Ano ba iyong initsa mo kay Lycan, Mystina?" takang tanong niya dito habang naglalakad sila sa hallway papunta sa kani-kanilang classrooms. Maghihiwalay na sila ng landas bago sumagot ito, "Special bagoong ni Lolo d**k. Masarap, maasim at lalong nangangamoy sirang isda habang natagal!" proud nitong sabi sa kanya, "Ihahalo ko sana sa lulutuin ko ngayon kasi ayaw kong gamitin ung nasa kitchen sa classroom, pero worth it naman!" Napabulanghit ng tawa si Sierra habang ngumiti lang ng nangiinis si Stellar, "Hinding-hindi niya maalis ang amoy nun kahit ano ibuhos niya o iwisik n’yang pabango," sabi nito sabay lakad papunta sa classroom. Iniwan na siya ni Mystina sa hallway na tatawa-tawa sa sarili na parang baliw. Umiiling-iling na din siya habang pumasok na sa classroom niya kung saan almost twenty students silang nag-dodoctoral. -0- "Sinasagot mo na ako Sierra?!" excited na tanong ni Lycan sa kanya. Second Semester na ng second year at ilang buwan na din naman itong nanliligaw sa kanya. Hindi nito ginagawa ang mga ayaw nya. Sumasabay tuwing bakante ito at nagtitiis pagminsan ng gutom kasama siya. Nahulog na din ang loob niya kay Lycan, kahit may ibang mga mayayaman at gwapo siyang kaklase na nanliligaw din sa kanya. Pinili niya ito dahil mabait, may respeto at paggalang sa kanya. Kahit pa sabihin ng mga classmates n’yang babae na mukha itong posporong hilaw. Sa tuwa ay hinalikan siya nitong bigla sa mga labi. Ikinagulat ni Sierra ito at hindi agad siya naka-react. Halatang hindi ito marunong manghalik dahil hindi mapakali ang bibig njtong nanginginig pa matapos siyang halikan. "Ah.... Sorry Sierra... nabigla lang ako... sorry..." hiyang sabi nito sa kanya na namumula ang mga pisngi. Siguro kahinaan ni Sierra sa lalaki ang mga mahiyain at inosente kaya niya nagustuhan ito. Pakiramdam niya siya ang taggapagtangol nito pag may nanloloko dito. Wala siyang pakialam kung sabihin man ng iba na lalake dapat ang nagpo-protekta. Basta lagi niya itong ipaglalaban. Hinaplos niya ang payat nitong pisngi at hinawi ang buhok na nataklob sa kanan nitong mata, "Wag kang mag-sorry... lalo akong nai-in love sa iyo, Lycan," wika n’yang malambing. "Talaga?" tanong nito. "Talaga..." sagot naman niya agad. Hinatak siya nito at niyakap. Kahit payat ang katawan nito ay nakaramdam pa rin si Sierra ng sense of security. Tila ba wala itong hahayaan na makapanakit sa kanya. Nagkamali siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD