Chapter FIFTEEN - CLARIFICATION

1578 Words
Recognition at Graduation day sa school ngayon. Pumunta lang ako dito para manuod at sympre uwi din ng maaga mamaya. Matataas naman grades ko pero di ako makapasok sa ganyan. Okay lang naman kela nanay basta walang bagsak na subject. Iginala ko ang paningin ko at napagtanto ko na napaaga ata ako at wala pa yung dalawang babae dito. Kaya napag pasyahan ko na sa classroom muna namin tumamabai Habang nag lalakad ako papunta sa room namin ay may napansin akong nakatalikod sa dulo ng corridor. “Kirito ?” Medyo alagan kung tawag sa kanya hindi ako sigurado kung siya nga talaga yon. Lumingon naman siya at kumaway. “Kanina ka pa dito ? Akala ko wala kang balak pumunta.” Tanong ko sabay tumabi ako sa kanya. “Naboryong ako bigla sa bahay kaya nandito ako hahaha. Ikaw ? Saan na sila Leifa at Sinon ?.” Tanong niya. “Napaaga ata ako baka maya-maya pa sila. At yun tatambay muna sana ako dito sa room nung nakita kita.” Sagot ko habang nakatingin sa stage. Sakto naman na start na ng recognition ng mga 1st year students. “Inaaya kasi ako ni Mharckus, maanuod daw kaso nung dumating na kami bigla nalang siyang nawala.” Napapailing na kwento niya. “Dito ako tumambay, ito pinakamataas na building kahit papaano madali ko siyang makita.” “Bakit hindi mo pala siya itext or tawagan ? Imposible naman na wala kang load ?” Sabi ko sa kanya. “Yun nga ei, hahaha wala akong number niya.” Tumatawang sagot niya sabay kamot ng ulo. “Seryoso ?! Hahaha. Mag kaibigan pero walang contact sa isat isa ?.” Napapalo ako sa kanya ng wala sa oras habang tumatawa. “Hindi naman talaga kami totally na best of friends, nag kakasundo lang talaga kami sa bagay bagay kaya mag kasama kami.” Napapailing na sabi niya. Hindi ko na alam sasabihin ko kaya tumahimik nalang ako at tumingin sa stage. Naramdaman niya ata na wala na akong maisagot kaya pati siya ay nanahimik nalang din. "Salamat nga pala ulit sa binigay mo." Basag ko sa ilang minutong katahimikan namin. Sa stage pa din ako nakatingin. "Iingatan ko yun pangako." Sabay tingin ko sa kanya at ngumiti ng malaki. "Hindi mo alam kung gaano nakatulong yung binigay mo sakin. Kaya hindi din ako mag sasawang mag pasalamat sayo, Kirito." KIRITO POV Bigla akong natulala sa nangyari. Hindi naman ganon ka laki naibigay ko sa kanya pero subrang na appreciate niya. Ganito pala yun pag subrang na appreciate ka ng isang tao. Sarap sa pakiramdam. Masaya ! Simula talaga ng makilala ko siya ang daming nangyari sakin na hindi ko inaaasahang mangyayari sakin. May mga karanasan na din ako sa pag kakaroon ng girlfriend pero hindi ko akalain na yun mga nakikita ko lang dati sa teleserye ay mararamdaman ko ngayon ng todo. Yung t***k ng puso ko hindi normal para akong may sakit sa puso sa subrang bilis ng t***k nito. Wag lang sana siyang lalapit pa ng husto baka marinig niya. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hampasin. "Ano ba kirito ! Haixt bakit nakatingin ka lang sakin? Nakakainis naman to nakakailang ka." Nakabusangot niyang paliwanag. "Hahahaha, sorry hindi ko na alam sasabihin ko kasi nakaraan ka pa pasalamat ng pasalamat sakin." Natatawang paliwanag ko. Pinamulahan siya bigla ng mukha at yumuko nalang din siya diretso. "B-bakit masama ba ?" Tanong niya. "Hindi mo naman kasi pinabayaran kaya nag papasalamat ako." Pahabol na sagot niya. "Sabi ko nga sayo okay na yun ano ka ba." Sabay pisil ko sa pisngi niya. "Ang kulit mo din kasi no." "A-aray naman masakit na ! Tama bang pang gigilan pisngi ko." Reklamo niya habang hinihimas ang pisngi niya. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko pa ito maitatago sa kanya pero sa ngayon pwedeng masaya lang muna kami ? Kinurot ko ulit ang pisngi niya sabay takbo tawa ako ng tawa habang tumatakbo kasi namumula na talaga siya sa galit. "Arghhhh ! Humanda ka sakin Kirito ! Maabutan lang kita !" At hinabol niya na din ako. Ganong senaryo ang inabutan ni Mharcus. "Yieeee kayo ah ? Matagal ko na talagang napapansin na subrang close niyo ah. Oh Asuna bakit ang pula ng mukha mo ? "Tanong nito. Hindi sumagot si Asuna pero lumapit siya kay Mharcus at nagulat ako ng pinisil niya din ang pisngi nito. "A-aray naman. Para saan yun Asuna ?" "Diba nag tatanong ka kung bakit mapula pisngi ko ? Ayan sagot. Mga langyang to baba na nga ako. May araw ka din sakin Kirito. Bleee" Padabog niyang paalam samin. "Hahaha kung makaganti ka. Kawawang bata. Bleeeee." Pang aasar ko na sagot sa kanya. Nasabi ko na ba sa inyo na matapang itong babae na to ? Bakit ? Ayun bago siya tuluyang tumalikod samin ay nang f**k you sign pa. Napatampal nalang ako ng noo ko habang tumatawa. "Wala ka talagang katulad." Sabi ko sa sarili ko. "Ano -ano hindi ko na iintindihan ? Mahal na kita Asuna ? Yun ba yun?." Pang aasar ni Mharcus sakin. "Pinag sasabi mo ? At saan ka galing kanina pa kita hinahanap ?." Pag iiba ko ng usapan. "Talaga bang hinahanap mo ako o nakalimutan mo na nakasama mo ako ? Ganda ng muni muni niyong dalawa kanina dun sa dulo ng hallway ei." Hindi talaga mag papatalo ang isang ito. "Hinahanap kita sympre ikaw kasama ko dito kaso di kita mahanap kaya nag pahinga ako dito sa taas at para madali ka din makita mataas dito ei." Mahabang paliwanang ko sa kanya. "Guilty as charge." Tampal niya sa semento. "Gusto mo na si Asuna ?" Tanong niya. "Hay alam mo naman kung sino gusto ko bakit mo pa tinatanong ?" Pabalik kung tanong sa kanya. "Tsaka hindi ba pwedeng mag kaibigan lang kami ? Same sayo na komportable ako kaya ganon kami mag biruan?" Sana tumigil na siya at hindi ko na alam ang ipapalusot ko pa. Kailangan ko munang klaruhin ang mga bagay bagay para sigurado at walang mintis. "Sabagay, head over heels ka pa din sa ex mo hanggang ngayon. Tsaka kahit kanina ganon si Asuna ei. Mabait yun ei. Katakot lang lapitan minsan, hahaha kayang manuntok ng lalaki non. " Natatawang sabi niya. "See , hindi ba pati sayo ganon siya? Kaya imposible." Haixt ano ba tong sinasabi ko kakainin ko talaga lahat to once na malaman niya. "Saan ka pala galing kanina ? Hindi talaga kita mahanap kahit saan." "Jan lang sa tabi tabi may ni meet up." Sabay hawi sa buhok niyang medyo emo. "Huh ? Akala ko may jowa ka na ? Sino pang nilalandi mo ? Masama yan tsk tsk." Napapailing na sabi ko sa kanya. "Dapat hindi lang isa ano ka ba." Nakangiting sabi niya. "Tingnan mo ikaw di ka pa din maka move - on. Dapat sila ang mag habol hindi tayo." Mayabang na sabi niya. Minsan hindi ko alam kung hallucination nalang itong mga sinasabi niya o may sakit na talaga siya. Napapiling nalang ako habang patuloy siyang nag sasalita. Hinila ko siya sa dulo ng hallway para dun tumambay para manuod ng Graduation. Hinayaan ko nalng siya habang nag kwe-kwento siya. Hinahanap ng mata ko yung babae na nang finger kanina. Ewan ko ang bilis lang nakita ng mata ko ang bulto ng katawan niya o sadyang nasa open space sila kaya nakita ko agad. Sa mga ganitong pag kakataon minsan nahihiling ko nalang na ako ang kasama niya pero masaya na din ako sa nakikita ko sa ngayon. Tumagal pa ang ilang sandali at di ko namalayan na tapos ang ang Graduation. Nangaya na si Mharcus umuwi kaya sumunod na din ako sa kanya. Wala naman kaming ibang dala maliban sa mga sarili namin at cellphone. Nag lalakad na kami ng biglang mag ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag number lang ang nakalagay kaya sinagot ko pa din. "Hello, sino po to ?" "Hulaan moo." Tumatawang sagot nito. "Sorry hindi po ako nakikipag lukuhan, ibaba ko na po ito kung wala ka pong importanteng sasabihin. Salamat po. "Halaa , wait wait ! Grabe naman to siya si Lis ito ang partner mo sa prom nakaraan. "Ay ikaw pala yan sorry naka save kasi number mo na isa dito, nag palit ka ?" "Oo nawala kasi , save mo ito ah! Anyway invite sana kita sa bahay para sa kunting salo salo para sa graduation? Pwede ka ?" "Ngayon? Sorry pauwi na kasi kami ng kaibigan ko tsaka di ako nakapag paalam kay tita baka hindi na ako payagan sa sunod. Pasensya na." "Ganon ba sige okay lang. Pasensya na sa storbo. Salamat. "Walang anuman, congrats nga pala." "Yieee , thank you. Sige na nandito na ilang bisita namin. Babay." "Sige bye." "Sino yun ?" Tanong ni Mharckus. "Si Lis yung naging partner ko sa prom nag aaya na pumunta sa kanila para sa celebration ng graduation niya." Sagot ko habang binabalik ko sa bag ang cellphone ko. "Nakakahalata yang senior natin na yan, may gusto yan sayo panigurado." Nag iisip na sabi niya. "Kung ano ano nanaman iniisip mo. Hindi ba pwedeng close lang kami?" Sagot ko. "Hindi hindi alam ko yan maniwala ka sakin." Sabi niya habang nakahawak sa sakin. "Hayaan mo na yan at umuwi na tayo baka gabihin pa at hindi na ako payagan talaga ni tita ulit." Sabi ko at nauna na akong nag lakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD