Habang tumatagal mas nagiging malapit na kami ni Kirito. Minsan nakakarinig ako ng mga kwento kwento sa tabi-tabi na kami daw. Natatawa nalang ako kasi hindi naman talaga totoo.
Sa subrang close namin ni Kirito pati crush ko naikwento ko na sa kanya at ganon din siya sakin.
Marami kaming topic na kung ano ano at sino sino , sinong maganda sa room, anong magandang gawin sa bagay bagay , sinong dati niyang jowa, anong nagustuhan niya dun nakakatawa pero oo topic namin yan tapos sinong boret, sinong manyak , sinong madaldal at marami png iba.
Pero kahit parang napag usapan na namin lahat hindi parin kami nauubusan ng topic. At kwento ko din pala, nag palitan na kami ng number kaya hanggang pag uwi mag ka text kami. Oo yes. Mag katext kami hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam habang kausap ko siya.
Linggo ngayon kaya nag reready na ako ng mga gamit ko para bukas.
Notebook check, Ballpen check, Ruler check, Intermediate paper check. All complete.
Habang nag check ako ng gamit may biglang nahulog galing sa bag ko .
"Bracelet?" Tanong ko sa sarili ko.
Nung tinitigan ko na dun ko nalala na pinahiram to sakin ni Kirito. Normal na bracelet lang naman to mahilig kasi siya sa burloloy sa kamay.
"Isasauli ko nalng to bukas baka hinahanap niya na." Sabay lagay sa bulsa ng bag ko. Inilagay ko na lahat ng gamit ko sa bag at pag tapos ay bumaba na ako ng kwarto papunta sa kusina para mag luto, mahirap na baka abutan nila nanay na wala pang luto at yari nanaman ako.
Saing, pakulo tubig pang kape at luto ng ulam. Habang nag sasaing ay nag wawalis walis muna ako para hindi sayang sa oras at para na din hindi nga malintikan.
Sakto naman ng matapos ako mag luto ng ulam ay dumating na sila. Agad ko naman silang pinagbinuksan ng gate para makapasok.
Oo nga pala may sariling negosyo ang pamilya namin pero kamakailan lamang ng maitayo ito nila nanay. Sa awa ng Diyos nag bunga lahat ng paghihirap nila nitong mga nakalipas na taon.
Isa din pala , strikto mga magulang ko kaya kailangan na maayos lahat ng bagay bago sila dumating. Pero kahit anong ayos ay may napupuna pa rin sila lalo na si nanay.
"Asuna, bakit hindi naayos yung mga basura sa likod? Diba inutos ko yun sayo kanina? Ano nanaman ginawa mo dito mag hapon? Nag cellphone! Nako tigil tigilan mo yan. Ibaba mo yang cellphone dito mamaya ah kung ayaw mong hindi mo na mahawakan yan!" Pagalit na sabi ni nanay.
"Opo nay." Yan nalang ang sagot ko para hindi na humaba.
Nakakasama lang ng loob minsan. Hindi lang naman ako ang naiwan dito kasama ko rin naman kapatid ko pero pag dating sa kanya ang amo amo nila.
Yung feeling na nagawa ko na sa tingin ko na ikakasaya nila pero kulangan padin, masaktan ko lang unti ang kapatid ko kulang nalang halos kung ano na sinasabi niya sakin.
Wag kayo mag alala totoo nila akong anak , nakakatawa pero oo. May mga bagay na gusto kong maranasan pero hindi ko magawa kasi ayaw nila lalo na si nanay. Pero pag dating sa kapatid ko okay lang lahat.
Pero buti nalang kahit ganito hindi ako nag tatanim ng sama ng loob sa kanila. Parati ko nalang sinasama sa prayer ko na sana magbago na lahat.
—————————
Kinabukasan, katulad ng parati kung ginagawa gising ng maaga para mag saing at mag luto para makakain din ng maaga. Asikaso ng hapag kainin dahil sabay sabay din kaming kumakain.
Nag matapos na ang lahat kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan at ibang gamit para mahugasan ko ito bago ako pumasok, isa kasi sa mga dapat kung gawin bago pumasok ay hugasan ang pinagkainan.
Sympre fastforward , paalis na ako ng bahay.
"Nay, Tay mauna na po akong umalis." Paalam ko.
"Diretso sa school Asuna, wala dapat akong maririnig na kalokuhan sa school kung ayaw mong malintikan sakin naintindihan mo ?" Paalalang sagot niya.
"Opo nay, sige po alis na po ako."
Dala ang nakasanayan earphone sabay salpak sa tenga para makapag relax sa mga tugtugin na maririnig.
Habang nag lalakad naiisip ko kung kelan ba matatapos ang ganitong set up ko sa bahay. Hinihiling ko nalang na sana matapos na.
Naramdaman ko nag vibrate ang cellphone sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko ito para tingnan kung sinong nag text.
"Saan ka na ?"
Napangiti nalang ako kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nag text.
"Nag lalakad na papunta sa school, ikaw ba ?"
Reply ko sa kanya.
Patuloy ako sa pag lalakad habang hinhintay ang reply niya. Ilang sigundo pa nga at nag vibrate ulit ang cellphone ko.
"Dito ako sa kanto wait kita :)."
Hindi ko namalayan na napangiti ako habang binabasa ko ang text niya. Hindi na ako nag reply at sinimulan ko na tumakbo para makarating agad sa kanto na sinasabi niya.
Habang tumatakbo ay palinga linga ako baka mamaya tinaguan nanaman ako ng lokong yun. Nung makita ko na siya ay unti unti na akong huminto sa pag takbo. Nakatalikod pa siya sa akin kaya hindi niya pa ako agad nakikita. Habang palapit ako ng palapit unti-unti din siyang humaharap hindi ko alam pero ng oras na nakaharap na siya sakin at ngumiti pakiramdam ko tumigil din ang mundo at na istatwa ako sa posisyon ko.
Nagulat nalang ako ng may biglang tumapik sakin. "Huy! Anong nagyari sayo at tulala ka jan?" Nagtatakang tanong niya sakin.
"A-ano , wala wala may nakita lang ako." Pag dadahilan ko.
"Maraming namamatay jan." Natatawang tugon niya. "Tara na ?" Aya niya sakin. "Baka malate pa tayo kakatunganga natin dito."
"Oo-oo nga , tara na." Nauna na ako sa pag lalakad.
"Luh ka ano ayon !!! Bakit ang bilis ng t***k moo pusoooo ! Arghhhh" pagalit kong kausap sa sarili ko.
"Asuna !? Huy ! Ay ikaw ? Okay ka lang? Para kang tanga jan."
"Halaa oo bakit , sorry sorry nalulutang akoo
ha-ha." Alanganging tawa ko.
"Nako nako malala ka na nga." Napapailing na tugon niya .
Hindi ko na alam gagawin ko kaya bigla ko nlang nilagay sa tenga niya ang isang earphone para matahimik siya.
"Ano makinig nalang tayo ng tugtog ha-ha." Nag aalangang aya ko sa kanya.
Tumango nalang siya bilang tugon at nakinig nalang sa tugtog.
Hanggang sa makarating kami sa school ganon ang posisyon namin kaya hindi na ako magtataka kung pinag kwekwentuhan kaming dalawa.
Ng makarating na kami sa mismong classroom namin at saktong pag lapag ko ng bag ay bigla nalang ako hinila ni Leifa at Sinon naikinagulat ko.
"Haaaalaa, hindi ba napulot ang earphoneee ? Bakit naghihila kayong dalawa ?! Anong problemaaa?" Aligagangang tanong ko
"Ikaw , ikaw bakit nag lilihim ka na samin ?" Tanong ni Sinon
Nag tataka ako sa sinasabi niya "Tungkol saan ? Lahat naman ata sinasabi ko sa inyo ?"
"Sus ! Eh ano yun ? Bakit share kayo sa earphones?" Tanong naman ni Leifa
"Huh , normal lang naman yun ah? Tsaka alam niyo man kung sino gusto ko. Bakit bigla naging big deal to ?" Natatakang tanong ko sa kanilang dalawa.
Bigla silang nag tingnan dalawa. Sabay tanong "Hindi kayo ?" Naguguluhang tanong nila
Napahampas nalang ako sa noo ko sa tanong nila sakin.
"Jusmee, kakahila niyo sakin akala ko naputol na ang earphones."
"Sorryyyy." Sabay din nilang sabi.
"Grabe kasi usap usapan dito sa room pati sa kabilang section eh, kayo daw." Sabi ni Sinon.
"iQuote mo na nga ang DAW." Sabi ko sabay rolleye.
"Pero ang close niyo talaga kasi, kahit sino yan iisipin." Sabi ni Leifa.
"Yah, yah ! Tigil na nanatin to at hindi ko pa tapos assignment ko sa Science." Pasuko kung sabi para tumigil na silang dalawa.
Ako naman humili sakanila this time papasok ng room. Hindi ko na kailangan ipakwento sa kanila kung anong naririnig nila kasi yung din naman naririnig ko.
Bumalik na ako sa upuan ko at nag start halungkatin ang bag ko. Pag bukas ko ng bulsa nakita ko yung bracelet na ibabalik ko sa kanya.
"Uy, Kirito. Bracelet mo pala nakalimutan ko ibalik buti hindi nawala baka magalit ka." Saad ko
"Nice nice nasayo pala yan akala ko din nawala na." Sabay abot nito at tinitigan. "Jan lang sayo kahit ikaw muna mag suot ingatan mo lang importante yan sakin ei." Binalik niya sakin sabay ngiti.
"Ah. Ganon ba sige sige sabi mo ei." Pag sang ayon ko.
Hindi na kami nag imikan nung mag simula ang klase hanggang sa matapos ang half-day. Siguro napansin niya din na lutang nanaman ako kaya pinabayaan niya muna ako.
Bumabalik balik pa din sa isip ko ang nangyari kanina. Yung t***k ng puso ko di normal. Imposible naman na may gusto ako sa kanya. Mayroon na akong gusto matagal na kaya napaka imposible talaga.
"Arghhh, your so impossible Asuna soo impossible!"
"Maybe i need to distant myself from him for a meantime? Hindi baka mag taka siya kasi bakit lalayo ako mas nakakahiya! Act normal nalang same as usuall, yah same as usuall."
—————
HI ! Salamat at nakaabot ka dito sa pangalang chapter ng kwento :)
Sana patuloy mong supportahan ang kwento na itooo !
Salamat ulit !
See you on next chapter ^*^
E.J.R.