CHAPTER 11 “I'LL JUST leave this here. You have to surrender this sa guard paglabas mo.” Iniwan ni Eloisé ang gate pass na nakuha nila pagpasok. Hindi naka-register ang sasakyan ni Ethan kaya kailangan kumuha noon at may bayad din. But she reimbursed Ethan right away after they passed the gate's security. “Salamat sa pagsama mo sa akin ngayon. Pero sana susunod hindi mo na ako dadalhin sa sementeryo.” “You've got your peace there,” tugon naman nito sa kanya. “It's still creepy there.” Talaga namang kinilabutan siya sa pinuntahan nila kanina pero gaya nga ng sinabi ni Ethan, payapa roon. Idagdag pa na marami-rami silang napag-usapan na 'di sukat akalain ni Eloisé na mangyayari. “So, there will be next time then?” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya matapos marinig ang sinabi ni Ethan.

