Chapter 1 -Evelyn-

1607 Words
Evelyn's POV "Oooohhhh... sige pa Cairo, diyan nga... huwag kang titigil. Ang sarap... ang sarap-sarap..." Napapaliyad ako sa sobrang sarap, parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Nakahiga ako sa malamig na table, fully exposed, nakabukaka at walang kahit anong saplot na nakatakip sa akin. Sobrang init ng hininga niya sa pagitan ng hita ko, habang kinakain niya ang pinaka-sensitive na parte ko... ang tungki ng aking pagkababaè. Walang tigil ang dila niya sa pagsipsip, sa paglalaro sa pinaka-maselang parte ng hiyas ko. "Aaaaahhhhh... sige pa, ayaaaaan naaaa... sige pa Cairo, please... oh god, ang sarap!" Halos sumakit ang lalamunan ko sa lakas ng ungol ko. Ang bawat hagod ng dila niya ay parang apoy na sumusunog sa buong pagkatao ko. "Ang sarap mo Evelyn, nakakabaliw ang sarap mo. You're so wet, so delicious." Bulong niya sa pagitan ng pagdila at pagsipsip niya sa aking pagkababaè. Napasabunot ako sa buhok niya, halos hilahin ko na ang buhok niya, at mas lalo ko pang idiniin ang ulo niya sa pagitan ng hita ko, grinding against his mouth. Ang sarap sa pakiramdam... para akong nawawala sa aking katinuan sa bawat dila at pagsipsip niya sa hiyas ko. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sobrang pagnanasa na nararamdaman ng buo kong katawan. Ang sarap... nakakabaliw ang ginagawa niyang pagkain sa pagkababaè ko. "Evelyn.... ooohhhh Evelyn... cùm for me, baby..." "Aaaaahhhhh...." Ungol ko habang tumitirik ang mga mata ko. "Evelyn... Evelyn, ang saraaaap mo, Evelyn.........." "Evelyn. Evelyn anak, tanghali na, aba'y bumangon ka na nga diyan. Ikaw talagang bata ka, nagpuyat ka na naman!" Bigla akong napadilat, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagulat ako at napabalikwas akong bigla ng bangon, at napahawak ako sa aking puson habang tila hinihingal pa ako. "What the hell?!" Gulat na sabi ko. Panaginip lang ba ang lahat? Walang Cairo? Walang kumakain ng kabibe ko? Walang dila na naglalaro sa pagkababaè ko? Napatingin ako sa nakasarang pintuan ng silid ko. Butil-butil na pawis ang tumatagaktak sa noo ko. Hindi ako makapaniwala na napanaginipan ko ang impaktong 'yon. Naramdaman ko ang basang panty ko. Wow ha, talagang nakaramdam ako ng kakaibang init sa panaginip na 'yon? Sa dami ng pwede kong mapanaginipan... nakikipagtalik pa talaga ako sa manyakis na impakto na 'yon? Talaga lang ha?! Tapos na ang kahibangan ko sa kanya, so bakit iyon pa ang napanaginipan ko? Nakakaloka. Bakit parang ang sarap ng dila niya sa panaginip ko? Bigla ko tuloy ipinilig ang ulo ko sa naisip kong 'yon. "Ano ba Evelyn? Kanina pa kita kinakatok, pero ayaw mo pa ring bumangon diyan." Bigla akong napatitig sa pintuan, pagkatapos ay pinunasan ko ng braso ang mga butil-butil na pawis sa noo ko. "Ayan na po, Nay. Iihi lang po ako." Malakas kong sagot, trying to sound normal pero ang boses ko ay medyo nanginginig pa rin dahil sa panaginip na 'yon. At least hindi niya nakuha ang virginity ko sa aking panaginip. Naputol agad. See Cairo? Kahit sa panaginip ko, hinding-hindi ako magiging isa sa mga babae mo. Akala mo hindi kita nahuli ng ilang beses sa bahay nila Trenz nuon? Halos lahat yata ng katulong na magaganda sa bahay ni Trenz, inararo mong impakto ka, kaya lahat ng pagkabaliw ko sa'yo... wala na. Dapat wala na. Isa kang impaktong manyakis. Mabilis akong lumabas ng silid ko, at inabutan ko na sila na naghahanda ng lamesa para sa agahan namin. Nakabihis na ang tatlo kong kapatid, si Tashlynne ay may pasok sa restaurant na pinapasukan niya. Working students siya, at kumukuha siya ng kursong tourism dahil gusto raw niyang maging stewardess. Si JonJon naman ay fourth year high school, habang si Lanie naman na bunso namin ay second year high school na, at tumutulong ako sa mga magulang ko para makapagtapos sila ng high school. Kahit paano ay tinutulungan ko rin si Tash sa ilang gastusin niya sa kanyang pag-aaral kapag hindi na niya kaya pa. "Hi ate, ipinagluto kita ng masarap na piniritong itlog." Sabi ni JonJon, kaya tawa ako ng tawa. "Mukha ngang masarap. Mahirap pa naman magluto ng itlog, maraming effort." Pagbibiro ko, kaya maging sila nanay ay nakikitawa na sa kalokohan naming dalawa. Pagkatapos ay naupo na ako sa lamesa upang sabay-sabay kaming mag-agahan. Ako si Evelyn Antonio. Minsan akong nabaliw sa pagmamahal sa isang lalaki na kahit na nasa harapan na niya ako... hindi niya ako nakikita. Parang isa lang akong anino sa paligid niya... nakikita niya, pero hindi kailanman naging mahalaga. Pero dahil tanga ako nuon, umasa ako. Umasa na baka isang araw, mapansin rin niya ako. Na baka dumating ang panahon na mahulog siya sa akin, na magustuhan niya ako. Pero hindi nangyari 'yon. Hanggang sa dumating ang isang araw na ang pagmamahal ko na 'yon sa lalaking kinababaliwan ng puso ko na walang iba kung hindi si Cairo Glines ay tinanggal ko na sa puso ko. Kasi takot ako. Aminado ako na takot akong matulad sa ate ko na nagpakamatay dahil sa pag-ibig. Lima kaming magkakapatid, pero ngayon... ako na ang tumatayong panganay. Dahil ang tunay naming panganay, si Ate Maylyn, ay nawala sa amin pitong taon na ang nakakaraan. Limang taon ang tanda niya sa akin, at hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko kung paano nagunaw ang mundo ng mga magulang ko nang mga panahong 'yon. Bata pa ako nuon... seventeen, habang si ate ay twenty-two lang nang mawala siya sa amin. At ang dahilan? Isang lalaking hindi marunong makuntento. Isang lalaking wala namang ginawa kung hindi magpasasa sa katawan ng iba't ibang babae, habang ang ate ko... buong puso siyang minahal. Duon ako natuto na ang pag-ibig, hindi dapat ipinagmamakaawa. Na ang pagmamahal, hindi dapat ibinibigay sa taong hindi marunong magpahalaga. Kaya ayokong magmahal ng lalaking katulad ni Cairo. Ayokong magmahal ng lalaking hindi kuntento sa isa. Ayokong magmahal ng lalaking ang alam lang ay maghanap ng sarap sa kandungan ng iba't ibang babae. Kaya ang naramdaman ko para kay Cairo... pinili kong kalimutan. Hinding-hindi ko makakalimutan na ilang beses ko siyang nakita sa bahay nila Trenz... sa loob mismo ng maid's quarters na walang kahirap-hirap na ikinakama ang bawat magagandang kasambahay nila Celestina. Para bang normal lang sa kanya 'yon na kapag inatake siya ng libog... kailangan ay may pagpaparausan siya ng init ng katawan niya. At sa bawat eksenang 'yon na nakita ko nuon... isa-isa ring namatay ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ako magpapakatanga sa kakahintay na mahalin rin niya ako, ayoko na. Hindi ako papayag na matulad sa ate ko na ibinigay ang lahat, tapos iniwan na parang wala lang. Na parang isang basahan na matapos gamitin, itatapon na lang sa isang tabi. Kaya mula nuon... sa tuwing makikita ko si Cairo, para sa akin ay hangin na lang siya. Hangin lang na dumadaan sa harapan ko, nararamdaman pero hindi ko pinapansin. Kahit nasa harapan ko pa siya, kahit kausapin pa niya ako... wala na. Para sa akin, lahat ng lalabas sa bibig niya ay kasinungalingan na lang dahil narinig ko na kung paano niya bolahin ang mga babaeng 'yon. Kung paano siya magsalita na parang totoo ang lahat, na parang may ibig sabihin... pero sa huli, pare-pareho lang ang ending. Ikakama lang, at pagkatapos ay parang hindi na niya kilala ang mga 'yon. Kaya hindi ako magiging katulad nila. Hindi ako magiging isa sa mga babaeng madadagdag lang sa listahan niya. At higit sa lahat... hindi ko hahayaang maulit ang nangyari sa ate ko. Dahil ako si Evelyn Antonio, at hindi ako magpapakatanga kailanman sa pag-ibig. Ayokong masaktan muli ang mga magulang ko. Nagpakatiwakal na nuon ang ate ko dahil sa isang lalaki, dahil sa maling pag-ibig, at duon ko nakita kung paano nagunaw ang mundo ng aking mga magulang. Kaya hindi ko hahayaan na muli silang malunod sa kalungkutan. "Wow, sakto ang dating ko... may masarap na agahan." Natawa ako kay Jovina ng makita ko siyang papalapit sa amin, may dala pa talagang tupperware na walang laman upang kumuha ng pagkain. Naupo siya sa tabi ko, at sa halip na maglagay ng pagkain sa tupperware na dala niya, kumuha na lang siya ng plato at nagsandok ng pagkain. Buti na lang malaki na ang table namin kaya kasya na kaming lahat. Itong bahay namin, dati kapag umuulan ay umuulan din sa loob ng bahay, pero ipinagawa ito ni Sandy at ni Celestina nuon, at pinalagyan nila ng ikalawang palapag na may tatlong silid sa itaas, at dito sa ibaba ay may isang silid. After nuon, lahat ng tulong na gusto pa nilang ibigay sa amin ay tinatanggihan na namin ni Jovina. Ayokong maging abosado sa kanila, kaya maaga pa lang ay kinausap ko na sila na masaya na kami na naipaayos nila ang bahay ng mga magulang namin at bahay nila Jovina. Sabi ko sa kanila ay lalapit na lang ako sa kanila kung kinakailangan ko ng malaking tulong, pero kung kaya ko, mas okay na guminhawa ang buhay namin ng hindi ako tumutuntong sa balikat nila upang umangat. Gusto kong paghirapan ang tulong na ibinibigay ko sa mga magulang at mga kapatid ko. "Bilisan mong kumain diyan at may trabaho pa tayo." Sabi ni Jovi, sa factory ng mga sapatos ako nagtatrabaho, at si Jovi naman ay nagtatrabaho sa isang hotel bilang housekeeper. "Evelyn anak, nandito na ang pananghalian mo, naayos ko na sa tupperware. Ikaw naman Jovi, ibigay mo sa akin 'yang tupperware mo at lalagyan ko na rin ng babaunin mo para hindi ka na gumastos pa sa tanghalian. May sobra naman dito." Sabi ni Nanay. Mabait ang aking ina at mapagmahal, at parang anak na rin ang turing nila kay Jovina, at sa mga kaibigan namin ni Jovina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD