┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Tahimik na nakaupo si Cairo sa malapad na sofa sa living room ng kaniyang bahay. Nakataas ang isang paa niya sa center table habang hawak ng isang kamay ang cellphone niya, ngunit ilang minuto na siyang hindi gumagalaw sa pagkakaupo niya.
Titig na titig lamang siya sa larawan ni Evelyn sa kaniyang phone.
Siya mismo ang kumuha ng larawang iyon ilang araw na ang nakalipas habang palihim niya itong pinagmamasdan mula sa malayo. Candid shot lang 'yon. Nakangiti si Evelyn habang may kausap, bahagyang tinatangay ng hangin ang buhok nito at walang kaalam-alam na may isang pares ng matang nakasunod sa bawat kilos niya.
Hindi namalayan ni Cairo kung ilang palihim na kuha ng litrato na pala ni Evelyn ang nasa gallery niya. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa... or maybe he simply refused to admit the reason to himself.
Pagkatapos, ilang beses naman niyang naisip na burahin na lamang ang mga litrato, pero sa kung anong dahilan ay hindi niya magawa. Sa halip, isa-isa niya iyong itinago sa isang folder sa kaniyang phone, away from anyone's eyes. Walang nakakaalam na mayroon siyang mga litrato ni Evelyn duon.
Kahit ang kaniyang matalik na kaibigan na si Trenz ay walang alam tungkol sa mga ginagawa niyang palihim na pagsunod kay Evelyn at palihim na pagkuha ng mga larawan.
Bahagyang kumunot ang noo ni Cairo habang patuloy na nakatitig sa larawan. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla na lamang nawala ang interes ni Evelyn sa kaniya. Alam na alam niyang nuon ay halos mabaliw ito sa kaniya.
Hindi naman siya tanga para hindi mapansin 'yon. Evelyn used to find every possible excuse just to get his attention. Kapag nasa iisang lugar sila, palagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya. Minsan ay halatang nagpapapansin pa ito, at kahit dedmahin niya ay hindi iyon naging dahilan para tuluyang tumigil si Evelyn.
But back then, Cairo couldn't care less. Sanay siyang hinahabol ng mga babae. Sanay siyang nakakatanggap ng attention without even asking for it, kaya para sa kaniya... isa lamang si Evelyn sa maraming babaeng nababaliw sa kaniya. He never bothered to look at her twice. Hindi niya kailanman inisip kung ano ang mararamdaman nito kapag hindi niya ito pinansin.
Hell, he couldn't even remember how many times he had walked past her without acknowledging her presence.
Pero ngayon... siya naman ang hindi nito pinapansin. At iyon ang hindi niya matanggap.
Ni isang lingon o sulyap ay hindi na siya tinatapunan ni Evelyn. She could walk right past him without even turning her head. Kapag nagkakasalubong sila, hindi na niya nakikita ang dating excitement sa mga mata nito. Wala na ang babaeng tila nagliliwanag ang mukha kapag nakikita siya. Sa halip... parang naiirita pa ito sa kaniya.
Wala na 'yong Evelyn na naghahanap ng dahilan para mapalapit sa kaniya. She had simply stopped. No explanation. No dramatic confrontation. No questions. She just stopped caring, and somehow, that bothered him more than it should.
"What the f^ck happened to you?" Mahinang bulong niya habang tinitigan ang mukha ni Evelyn sa screen.
He wanted to know what changed.
At iyon ang dahilan kung bakit nagsimula niya itong obserbahan. At least, iyon ang excuse na ibinibigay niya sa sarili. Hindi niya iyon tinatawag na stalking. That sounded f^cking ridiculous. He was an assassin. Following people without being noticed was practically part of his job. Kaya ano naman kung paminsan-minsan ay sinusundan niya si Evelyn?
He was just curious. Gusto lamang niyang malaman kung may nangyari ba rito, kung may dahilan ba kung bakit bigla nitong binago ang pakikitungo sa kaniya.
Except, paminsan-minsan had slowly become far more frequent than Cairo was willing to admit.
He knew where she worked. Alam niya kung anong oras ito madalas umaalis ng bahay at kung anong oras umuuwi. Alam niyang minsan ay kasama nito si Jovina, at may mga pagkakataon namang mag-isa itong naglalakad. He knew the little things now, details he had never bothered to notice before. At sa bawat pagkakataong nakikita niya si Evelyn mula sa malayo, kusa na lamang niyang nailalabas ang cellphone niya para kuhanan ito ng litrato.
One picture became two. Two became five. And before Cairo realized how f^cking strange it was, he already had more pictures of Evelyn than he had any reasonable explanation for.
"Bakit ganiyan ang hitsura ng pagmumukha mo?"
Agad na pinatay ni Cairo ang screen ng cellphone at napalingon kay Ellijah na nakaupo sa kabilang sofa. Nawala na sa utak niya na kasama niya ngayon si Ellijah dahil may pinag-usapan sila kanina lang.
Kunot noo naman siyang tinitigan ng kaibigan niyang assassin na para bang kanina pa nito sinusubukang hulaan kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
"Hindi ba ako pwedeng kumunot?" Sagot niya bago isinuksok ang cellphone sa bulsa.
"Pwede. Pero iyong mukha mo kasi... parang may kinaiinisan ka, at iniisip mo na kung saan mo ililibing." Natatawang sabi ni Ellijah.
"Gago." Naiiling na sagot ni Cairo habang nakatitig lang sa malaking bintana ng kaniyang bahay.
"Babae na naman ba ang nasa utak mo kaya ganiyan ang pagmumukha mo?" Tanong nito.
"Babae?" Napatawa si Cairo na para bang pinakanakakatawang bagay sa mundo ang narinig niya. Umayos siya ng pagkakasandal at inilagay ang isang braso sa ibabaw ng backrest ng sofa.
"Kailanman ay hindi ko prinoblema ang kahit na sinong babae. Sila ang problemado sa akin."
Bigla namang natawa si Ellijah sa kayabangan ng kaibigan niya. Para na ring kapatid ang tingin ni Cairo kay Ellijah. Silang dalawa ang laging magkasama sa mga misyon, o silang dalawa lagi ang magkasama sa mga kalokohan ni Cairo. Pero never inaamin nito na may isang babaeng gumugulo sa utak niya.
"Tang-na, ibang klase talaga confidence mo." Napapailing na sabi ni Ellijah. Hawak nito ang isang bote ng beer na unti-unti ng nauubos ang laman.
"It's not confidence when it's the truth." Pagyayabang ni Cairo. Mas lalo tuloy natatawa si Ellijah sa kaibigan.
"Sure." Simple nitong sagot.
"Seriously, dude. Women have never been complicated for me. I don't chase them. I don't beg for their attention. And I definitely don't sit around wondering what the hell they're thinking." Sagot ni Cairo.
Pero kung alam lamang ni Ellijah kung ano ang laman ng cellphone niya ngayon, malamang ay pagtatawanan siya nito hanggang kinabukasan.
"Dude, hindi ako naging isang magaling at matinik na assassin ng GrayHound Organization kung isang babae lang ang magpapagulo ng utak ko." Sabi pa niya. Bahagya pa siyang yumuko at tinapik ang sarili niyang dibdib bago muling nagsalita.
"I have hunted people who knew they were being hunted and still couldn't find me. I have walked into places where one wrong move could get me killed. I have put bullets into men before they even realized I was standing behind them. You seriously think some woman could mess with my head?"
Nagkibit-balikat si Ellijah. Hindi na ito nagsalita pa. Tinitigan na lamang niya ang kaibigan at muling napailing.
"Malay mo naman may babae na palang gumugulo diyan sa utak mo, pero hindi mo pa namamalayan." Sabi ni Ellijah. Natawa si Cairo, at kinuha ang bote ng beer niya na nakapatong sa ibabaw ng center table saka iyon sunod-sunod na tinungga hanggang sa masaid niya ito. Pagkatapos ay ngumisi kay Ellijah bago nagsalita.
"That woman doesn't exist."
Muling natawa si Ellijah at hindi na nakipagtalo. Kilalang-kilala nito ang kaibigan. Cairo had never taken women seriously. Madali lang para rito ang lumapit sa babae, makuha ang gusto, at pagkatapos ay magpatuloy sa buhay na parang walang nangyari. Attachment had never been his thing. Hindi ito iyong klase ng lalaking maghihintay sa message ng isang babae, magtatanong kung nasaan ito, o mag-aaksaya ng oras para lamang malaman kung ano ang ginagawa nito.
At lalong hindi ito iyong klase ng lalaking palihim na susunod sa isang babae para lamang titigan ito mula sa malayo. At least, iyon ang Cairo na kilala ni Ellijah.
Ang hindi alam ni Ellijah, may isang babaeng unti-unti nang gumugulo sa tahimik at kontroladong mundo ng kaibigan niya. Isang babaeng dati ay hindi man lamang magawang pansinin ni Cairo kahit ilang beses pa itong magpakita sa harapan niya.
Ayaw lamang aminin ni Cairo sa sarili kung gaano na kadalas sumagi sa isip niya ang pangalan ni Evelyn. Sa isip niya, curiosity lang iyon. O baka nasaktan lamang talaga ang ego niya dahil hindi siya sanay na balewalain ng isang babaeng dati ay halos gawin ang lahat para lamang mapansin niya.
Pero may isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Napapansin niya ngayon ang bawat lalaking lumalapit kay Evelyn, at sa tuwing nakikita niya itong masayang nakikipag-usap o nakikipagtawanan sa iba, bigla na lamang sumasama ang mood niya.
May ibang lalaki na ba itong nagugustuhan? Iyon ba ang dahilan kung bakit wala na itong pakialam sa kaniya?
Hindi niya alam. At ayaw rin niyang tanungin ang sarili kung bakit interesado siyang malaman ang sagot.
Ang alam lang niya, simula nang tumigil si Evelyn sa paghabol sa kaniya, saka naman siya nagsimulang maging interesado sa mga bagay na dati ay wala naman siyang pakialam. Hindi na niya basta nababalewala ang presensya nito gaya nuon. Napapansin na niya kapag naruon ito, at kahit wala si Evelyn sa paligid, may mga pagkakataong bigla na lamang pumapasok sa isip niya kung nasaan ito o kung ano ang ginagawa nito.
Hindi alam ni Ellijah na habang ginagawa nilang katatawanan ang posibilidad na kayang guluhin ng isang babae ang utak ni Cairo, unti-unti nang nangyayari iyon sa kaibigan niya.
At lalong walang kaalam-alam si Evelyn na ngayong tumigil na siya sa paghabol sa lalaking unang itinibok ng puso niya, saka naman nagsisimulang mapunta sa kaniya ang atensyon nito.