Michiko's POV
Bigla akong napabuntong-hininga, siya na naman ang naaalala ko. Siya lang naman ang naaalala ko kapag day-off ko sa flower shop. Masaya sana akong naglalakad at namamasayal sa Natural Park Garden kung hindi ko lang siya naaalala. We had so much memory at this place. Maraming masasayang ala-ala sa lugar na ito. Sobrang sweet pa niya kapag nagpupunta kami rito. Bakit nga ba ngayon ko pa naisipang pumunta rito?
Day-off ko nga sa flower shop pero lugar na may bulaklak pa rin ang pinuntahan ko.
Halos lahat ng nakakasalubong ko ay couple o kaya naman ay buong pamilya. I missed travelling with my family and Vonn. He really loves travelling kaya halos lahat ng tourist spot sa Baguio City ay napuntahan na namin. Gumala na rin kami sa iba’t-ibang lugar nang magkasama pero Baguio City is our place. Kahit saan ako tumingin, siya lang ang maaalala ko. Ang hirap ng ganito. Hindi pa rin nawawala ang tanong ko kung bakit niya ako hiniwalayan.
Nagkakilala kami ni Vonn noong pumunta ako sa opisina ni Kuya Euan, bago palang siya sa opisina na iyon kaya naman pinuntahan ko si Kuya. Nagkataon na nandoon si Vonn as their OJT at siya ang una kong naka-usap habang hinahanap ko si Kuya Euan. After that, nagulat nalang ako dahil isang araw ay isinama na ni Kuya Euan si Vonn sa bahay kasama ang mga kaibigan at iba pang kasama nila sa trabaho.
Madalas silang umiinom sa bahay dahil nagkaka-ayaan sila pagkatapos ng trabaho. Doon ko nalaman na magkaibigan na pala silang dalawa at gusto akong mas makilala ni Vonn. Sinabi ko naman kaagad kay Kuya na ang first impression talaga sa mga engineer ay babaero, kahit anong klaseng engineer pa iyan ay pare-parehas lang sila kaya napag-sabihan pa niya ako dahil idinamay ko raw siya. Hindi ko naman sinabi na huhusgahan ko kaagad ang isang engineer, first impression ko lang iyon base sa mga kuwento ng kaibigan ko. Parehas kami ng school na pinapasukan ni Vonn noon kaya madalas kaming nagkakasalubong hanggang sa naging magkaibigan dahil sa mga sinasalihan naming activities hanggang sa pormal na siyang nanligaw sa akin at naging kami.
“Isinama mo lang yata ako para hindi ka magmukhang-tanga sa pagtulala mo,” nagtatampong bungad ng kaibigan ko noong napansin niya na hindi na ako nakikinig sa kanya. “Alam mo bang may tinanggihan akong trabaho ngayon para hindi ka mag-emote mag-isa pagkatapos ay hindi mo naman ako papansinin. Ano ba ang balita sa kanya? Ilang araw na rin, ah? Hindi pa rin ba nag-re-reply o sumasagot sa tawag mo? Huwag mo masyadong patagalin dahil baka isipin niyang okay na sa iyo.” Sobrang bilis niyang magsalita at sunod-sunod pa ang tanong niya. “Ano ba ang ginawa mo sa kanya? Bakit bigla nalang nagbago si Vonn? Alam mo ba, kinausap pa niya ako noon dahil gusto niyang malaman ang size ng daliri mo. Sigurado raw siyang malalaman mo ang ginagawa niya kapag siya ang nag-try kumuha sa size ng daliri mo. Akala ko nga ay may proposal na magaganap! Nakapagtataka naman talaga!” dagdag pa niya.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin, Charlotte?” I asked.
“Of course! Paano ko sasabihin sa iyo, secret nga dapat iyon!” she answered.
“Is he planning to propose with me? Pagkatapos ay hihiwalayan lang niya ako? Ganoon kabilis magbago ang isip niya?”
“I have no idea. Wala naman akong alam na naging problema niyong dalawa. Bakit kasi ayaw mong puntahan sa bahay nila?” she suggested.
“Paano ko iyon gagawin? Ayaw nga niyang sagutin ang tawag ko, harapin pa kaya? Nagawa niya akong paghintayin at hiwalayan noong anniversary namin kaya hindi siya lalabas para kausapin ako kung pupuntahan ko man siya. Iniiwasan niya ako. Ang hirap makipag-usap sa taong umiiwas.” Paano ko nga kaya makaka-usap ulit si Vonn? Hindi ako sinagot ni Charlotte dahil nakatingin lang siya sa malayong lugar.
Ang unang pumasok sa isip ko ay nakita niya si Vonn na may kasamang babae. That’s impossible! Hindi naman niya ako lolokohin ‘no.
Lumingon ako para tingnan kung sino o ano ang tinitingnan ni Charlotte.
Well, maybe… it’s possible. Wala nga raw imposible, hindi ba?
He’s with a girl I’ve never seen before. I’ve met some of his ex-girlfriends, only those who still have a good relationship with him as good friends. Hindi naman siguro niya ako lolokohin. Siguro ay nakipag-hiwalay siya sa akin dahil nagmahal na siya ng iba? Pwedeng ganoon, hindi ba? At least, he didn’t cheat. He just chose her over me. Pwede rin naman na magkakilala sila at nagkasalubong lang sila rito. Hindi dapat ako nag-iisip ng masama.
Sige, Michiko, bigyan mo pa ng justice ang sakit na nararamdaman mo ngayon.
Nagkatinginan kami ni Vonn kaya napalingon din sa amin ang babaeng kasama niya. Saglit pa silang nag-usap at nakita ko pang ngumiti ang babae at tumango pa ito. Is he asking for a permission to talk to me? Bakit ang sakit naman yata? Talaga bang humingi siya ng permiso sa babaeng kasama niya para lang kausapin ako? Paano kung hindi pala ito pumayag? Vonn… sana alam mo na masakit ang mga naiisip ko ngayon. Sana bigyan mo nalang ako ng paliwanag para matapos na itong pag-iisip at p*******t sa sarili ko.
Hindi na ako nakagalaw sa kinaroroonan ko kahit na hinihila ako ni Charlotte para umalis dahil nakita niyang papalapit na si Vonn. Gusto ko siyang makausap…gustong-gusto kong malinawan ang isip at puso ko.
“Michiko, what are you doing? Let’s go!” she whispered, halatang gigil na siya sa pag-stay ko sa spot namin.
Hanggang sa nakalapit na si Vonn sa amin. Napa-atras ako noong lalapit siya para yakapin o halikan ako bilang pagbati, ganoon ang ginagawa niya noon. May amnesia ba talaga siya? Gusto ba niyang hampasin ko siya sa ulo para maalala niyang wala na kami? Kikilos siya na parang hindi niya ako sinaktan nang lubusan?
“Sorry,” he whispered, realizing why I stepped back. Nawala nga rin ang ngiti niya noong nakita na seryoso ang mukha ko. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko iyon.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil harap-harapan niyang ipinapaalam sa akin na wala na siyang pakialam.
“Vonn, ano ba ang problema mo? Huwag mo ngang nililito si Michiko. Nakipaghiwalay ka sa kanya, wala ba siyang karapatan malaman ang dahilan mo? Hindi ka naman namin ganiyan nakilala. You’re responsible on your actions kaya hindi namin maintindihan kung bakit mo siya sinasaktan sa ganitong paraan.” Hindi na napigilan ni Charlotte na magsalita. Bukod kay Vonn, siya rin ang pinagsasabihan ko ng mga problema ko. Totoo rin naman ang mga sinabi niya, wala akong naiintindihan sa mga nangyayari.
“Bakit mo ako iniwan?” I asked without looking at him. More like, asking a question to an invisible thing.
He didn’t speak. Magaling pa naman siyang umiwas at pagtahimik ang sandata niya para hindi kami magtalo. Iba ang sitwasyon naming ngayon, I want him to explain!
“Talaga bang tatahimik ka lang ngayon?” pagtatanong ko sa kanya. I made an eye contact but he refused to look at me.
“Kung hindi mo kayang sagutin ang tanong ng kaibigan ko, aalis na kami,” pagpapaalam ni Charlotte at hinila niya ako. Sa pagkakataong ito, nagpadala na ako sa hila niya. Wala rin naman akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Mas lalo lang niya akong masasaktan kung maghihintay ulit ako sa wala.
PASAKAY NA SANA KAMI sa kotse ni Charlotte pero nakasalubong namin si Tita Ella, Vonn’s mother. Lumapit ako sa kanya para batiin bilang pag-galang kagaya ng ginagawa ko noon pero isang malakas na sampal ang isinalubong niya sa akin.
Narinig kong napa-singhap si Charlotte noong nakita niya iyon.
“Ang kapal ng mukha mo! Huwag mo na habulin ang anak ko, ayaw na niya sa iyo kaya tigilan mo na siya. Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo siya? Bakit hindi mo siya bigyan ng katahimikan?” I am aware that Tita Ella didn’t like me for Vonn. Akala ko nagbago iyon dahil maayos naman niya akong pinakisamahan sa loob ng anim na taon. Kung minsan ay nararamdaman ko pa rin na hindi ako welcome sa bahay nila Vonn pero binalewala ko iyon dahil hindi naman namin iyon nagiging problema ni Vonn at hindi naman kami nag-aaway ni Tita Ella. Ngayon lang niya ako sinigawan at sinaktan.
Kinausap na ako noon ni Tita Ella at sabihan na hindi niya ako gusto para sa anak niya pero hindi ko sinabi kay Vonn na iba ang pakikitungo sa akin ni Tita Ella kapag wala siya. Humingi naman ako pagkakataon kay Tita Ella para malaman niya na totoo ang pagmamahal ko kay Vonn.
Kahit na hindi niya ako gusto para kay Vonn, tinanggap niya iyon para sa anak niya pero mukhang nagkamali ako sa pag-intindi.
“Tita Ella… nagkakamali po kayo, hindi ko po siya sinusundan.” Hindi ko ininda ang sakit mula sa pagkakasampal niya sa akin. Gustong lumapit ni Charlotte pero pinipigilan ko siya.
“Pwede ba, Michiko? Masyadong maraming pinagdadaanan ang pamilya namin ngayon. Tanggapin mo nalang kung ayaw na sa iyo ni Vonn at kung may mahal na siyang iba.” Kahit hindi na niya inulit ang pagsampal sa akin, parang paulit-ulit ko pa rin iyong naramdaman dahil sa huli niyang sinabi, ibig sabihin ay may mahal na nga siyang iba? Iniwan niya ako para sa iba? Iyon ba ang kasama niya kanina?
Kaya ba siya napagod sa akin dahil may iba na?
Yumuko nalang ako para hindi na niya dagdagan ang sinabi niya. Naintindihan ko na. Siguro ay ang kasama ni Vonn ang bago nitong mahal, mukhang gusto rin ni Tita Ella ang bagong mahal ni Vonn dahil nagawa niya akong saktan sa pag-aakala na sinundan ko si Vonn sa lugar na ito.
Umalis din naman si Tita Ella, hindi na hinintay ang sasabihin ko. Sana madaling talikuran ang lahat kagaya ng ginawa ni Tita Ella sa akin ngayon. Sana ay kaya ko rin iyon.
I received a message from Vonn. He said, “It was nice seeing you again, Michiko. Stop crying because of me, makakalimutan mo rin ako. I want you to enjoy your life.”
“Another bullshit, Vonn,” I spoke and cried.
Lumapit si Charlotte para yakapin ako kaya mas lalo lang tumulo ang luha ko.
“Charlotte, masama ba kung gusgustuhin kong mamatay nalang ngayon?” I asked without thinking.
Naramdaman kong hinampas ako ni Charlotte sa balikat. “Ano ba ang sinasabi mo? Paano si Kuya Euan, Jiro at ako? Paano kami babangon ulit kung ikaw naman ang mawawala? I know, it hurts pero isipin mo na nandito pa kami. Hindi lang naman si Vonn ang mahalaga para sa iyo, hindi ba? Nandito pa kami. Please, huwag mong iisipin ang ganoong bagay. Kahit gaano mo pa kamahal si Vonn, hindi worth it na isipin mo iyan, Michiko. Mag-isip ka nga.” Niyakap niya ako nang mahigpit. Humingi ako ng tawad dahil sa tanong ko sa kanya.
“Bakit niya ako ginanito, Charlotte? Kailangan kong malaman ang sagot niya. Okay lang kung may mahal na siyang iba pero gusto kong marinig iyon mula sa kanya!”
Mas hinigpitan pa niya ang pag-yakap sa akin. “Para saan pa? Kahit naman sabihin niya sa iyo ang dahilan niya, nasaktan ka na niya. Baka nga mas madagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo kung sasabihin pa niya sa iyo ang explanation niya. Isipin mo nalang na may dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa iyo. Isipin mo nalang na para rin iyon sa iyo. Nandito lang naman ako, kahit palagi ka pang umiyak sa harapan ko, wala akong pakialam. Basta ang alam ko lang ngayon, napaka-gago niyang lalaki!”
Nabigla ako dahil ngayon ko lang siya narinig mag-mura. Paulit-ulit pa nga niya iyong sinabi para lang matawa ako at nagtagumpay naman siya.
“Kailangan ko palang mag-mura para lang matawa ka,” dagdag pa niya. Natawa ulit ako sa pagmumura ng sosyal at mayaman kong kaibigan.
Sa tagal ng pagsasama namin, ngayon ko lang naramdaman ang sakit na ito. Usually, tampuhan at ka-artehan lang naming dalawa ang dahilan ng pag-aaway namin. Sigurado na ako na hindi lang ito tampuhan.
Kung ano man ang dahilan ni Vonn, hindi naman nagbago ang katotohanan na mahal ko siya kahit sinaktan niya ako.