Michiko's POV Eating will always be the best part of going out with my brothers. Sino ba naman ang hindi gustong kumain nang kumain? It’s actually our best bonding! Bukod sa nagkakasundo kami sa mga pagkaing kinakain ay nakakapag-usap kami tungkol sa kung ano-ano, kagaya ng nakagawian ng pamilyang Pilipino ay pinag-uusapan namin ang buhay ng bawat isa. May oras pa silang mang-asar sa pagiging chubby ko. Noon ay insecure ako sa katawan ko dahil iyon kaagad ang napapansin sa akin. Binibiro lang ako ng mga kapatid ko pero iba ang dating sa akin kapag ibang tao ang pumupuna, parang may kasamang pagpapahiya. I started embracing my figure because of Vonn… si Vonn na naman. I’m very thankful for that dahil minahal niya ang inaakala kong flaws ko. Palagi niyang pinaaalala sa akin na matakaw ako…

