Michiko's POV Pinuntahan ako ni Charlotte kasama ang iba pa naming kaibigan sa Dream Flower Shop na pinagta-trabahuhan ko. Sakto nga na tapos na ang trabaho ko at pauwi na ako noong dumating sila kaya naman hindi na ako nakatakas at hindi hinayaang magpalusot para hindi makasama sa kanila. Ilang beses ko na ring tinanggihan ang pagsama sa kanila dahil pakiramdam ko ay hindi ko naman ma-e-enjoy ang pag-alis. Nahiya lang din ako dahil nagpunta pa sila rito. Nag-message nalang din ako kay Kuya Euan at Jiro na hindi na ako sa bahay maghahapunan dahil kasama ko sila Charlotte at ang iba pa naming kaibigan. Muntik ko na nga rin masabihan si Vonn, nasanay na ako na ganoon ang ginagawa kaya naman naalala ko na naman siya. Kami ang tipo ng couple na hindi pinapakailaman ang sariling gamit at per

