S.A.I.N.T.S. - 2: Chaos at the Parking Lot

1098 Words
  After two years…   Kaiser’s P.O.V   Nakatambay kami ni Gio ngayon dito sa parking lot ng campus. Maaga pa naman kasi at first day of school. Marami ring iba pang estudyante ang nakatambay dito. Nag-uusap, nagkukumustahan, nagpapayabangan at kung anu-ano pa.   Second year college na kami ng bestfriend kong si Gio. Giovanni Bennett ang buo niyang pangalan, actually he’s a transferee here he’s from Italy. Sabi niya may mission daw siya kung bakit nandito uli siya sa Pilipinas, but he don’t want to go into details about it.   “Kumusta naman si Tita sa Italy?” I’m talking about his mom.   “She’s fine, she’s doing well, and I hope she will be fully recover anytime soon.”   Nasa ganung kaming pag-uusap ng biglang nakarinig kami ng matinding ingay mula sa dalawang humaharurot na magagarang sasakyan na ginawang race track ang parking lot. Isang puting Porsche at dilaw na Jaguar mga top down na uri ng sasakyan at kasabay nun ay ang hiyawan at tilian ng mga estudyanteng nakikiusyoso.   Ano kayang problema ng mga nakasakay na yun sa Porsche at Jaguar at nakuha nilang magkarera at may kasama pang drifting exhibition sa loob ng university.   Sa totoo lang nakakabilib sila. Astig! Nauuna yung white Porsche pero hindi naman nalalayo yung yellow Jaguar, papunta na sila sa isang curve malapit sa pinagtatambayan namin ni Gio.   Biglang ginihit nung Jaguar ang Porsche kaya naunahan nito ang Porsche sa curve. Mabilis at maayos ang pagdrift nito. Malapit na sila sa amin.   Kung nakakabilib na yung mabilis nilang pagpapatakbo ng sasakyan sa limited space, sobra akong napabilib sa paraan nila ng pagpark nung mga kotse, sa bilis ng kanilang pagpapatakbo sa isang iglap lang nakapark na yung mga kotse sa tapat pa namin ni Gio na parang nilagay lang ng maayos. Ibang klase.   Unti-unting bumababa ang bubong ng dalawang kotse.   Nagulat kami at nagkatinginan ni Gio, bago ibinalik ang mga mata namin sa sakay ng dalawang kotse. Sinong mag-aakala na mga babae ang nagmaneho ng mga sasakyang yun.   Maya maya pa ay dumami na ang nagkumpulang estudyante sa dalawang kotse.   “Wow! Ang luphet! Mga chickababes pala yung driver.”   “Astig nila! At ang gaganda pa!”   “Miss anong pangalan nyo, pwede mahingi number nyo?” Sabay sipol.   Pero kahit na pinagkakaguluhan parang wala namang pakialam ang mga babaing ito sa mga tao sa paligid nila.   Napatitig ako doon sa driver ng Jaguar. Ang ganda niya, maganda din naman yung driver ng Porsche pero iba ang dating sa akin nung nauna. Bigla nalang siyang nagtaas ng kamay.   “Besty Stephie! I WON!” Ang lakas naman nitong sumigaw pero imbis na ma-turn off. I find it cute. Weird.   Umimbis naman yung driver ng Porsche at tumapat sa pintuan ng driver ng Jaguar. Nakakunot ang noo nito.   “Don’t call me besty, madaya ka Aeva!”    Aeva…    Ang ganda ng pangalan niya bagay sa kanya.    Lumabas si Aeva sa kotse at tumapat kay Stephie.   “Porque ba ako ang nanalo madaya na ha!”   Nagtitigan lang sila, yung parang may kuryenteng dumadaloy sa mata nila at gusto nilang patayin ang isa’t isa sa paraan ng pagtitig nila.   Samantala dumating na ang mga crowd controller at pinaalis yung mga students na uzi.   “Kai, tatayo lang ba tayo dito?” Binulungan ako ni Gio.   “Mamaya na, hindi mo ba nakikita ang gaganda ng palabas.” Bulong ko pabalik.   “Tsk!” Kahit kalian talaga mainipin itong si Gio.   Dahil dun lang kami nakafocus sa dalawang babaing nagpapatayan sa titig. Ngayon ko lang napansin na may sakay pala sila. Lumapit yung isang babae kay Stephie at Aeva at hinawakan ang balikat nilang dalawa.   Maganda rin ang isang ito pero mataray.   “Pwede ba tigilan niyo na yang petty quarrel niyo. Alam niyo bang dalawa na nahilo ako sa trip niyo! If you’ll excuse me mauuna na ako sa inyo, male-late na ako.”   Tapos umalis na siya.   “You’re so KJ and boring Sabina!” Sabay namang sigaw ni Stephie at Aeva.   Walang namang narinig yung babaing tinawag nilang Sabina dahil nakapasak na sa magkabilang tenga nito ang earphones niya.   “Stephie! Aeva! That was soooo……Extreme! I’m sooooo……..loving it! I love you both.”   May isa pa palang sakay yung kotse. Isang babaing maganda na naman at sobrang masayahin halata naman.   “Thank’s Tammie, buti ka pa you appreciated that joy ride! We love you too!” Sabay na naman yung dalawa tapos kiniss nila si Tammie.   Sweet. Parang gusto ko ring i-kiss nila lalo na si Aeva. Ano bang nangyayari sa akin?   Nahinto lang sila sa moment nila ng may paparating na isang motor pero ang bagal ng takbo. Huminto ito sa tapat nila Aeva. Bumaba agad ang angkas nito.   Nakahelmet silang pareho pero halatang galit yung babaing nakaangkas.   “Icy naman naturingan motor yang sasakyan mo pero ang bagal ng takbo, anu yan karo?!”   “Lovey, sorry naman.” Tinanggal nung driver ng motor yung helmet niya.   Whoah! Sobra na ito. Limang naggagandahang babae ang nakita ko at ni Gio ngayong araw hindi lang halata dito sa isa nainteresado siya.   Nagpout yung driver. Cute.   “Kasi naman e, I want us to enjoy the campus atmosphere, the college atmosphere, the university atmos--.”   “Eh kung paliparin kita sa atmosphere!”   “Ito naman oh, peace na tayo lovey!”   Naglakad lang yung babae at hindi pinansin yung pagpapacute at peace offering nung isa at sa sobrang galit or inis siguro ay nakalimutan niyang hubarin yung helmet niya.   “Lovey, yung helmet.”   Medyo malayo na yung babae pero humarap ito at hinubad niya ang helmet niya….   My jaw dropped.   Kung magaganda na yung lima ang isang ito naman ay…… Dyosa!   Kahit si Gio ay hindi kumurap ng humarap ito. Hinagis na nung dyosa yung helmet at pinagbantaan yung driver.   “Sa susunod na ulitin mo pa yun. I swear! Sisirain ko yang motor mong yan! Mauuna na ako!”   Nakakatakot ang bawat katagang binitawan nito. Kahit ako na nakikinig lang kinilabutan.   Tuluyan ng umalis ang dyosa.   “Hala ka Ice! Pinainit mo yung ulo, di ba dapat malamig yun like you kasi Cola pangalan niya.” Nakangiting sabi ni Tammie.   “Kai, una na ako malapit na magstart yung first subject ko.” Nagpaalam na sa akin si Gio at tuluyan ng umalis samantalang ako tinititigan ko ulit si Aeva. Kasi sa anim sa kanya ako attracted and I don’t know why?   Nabigla ako ng tumingin din siya sa akin and then she smile. My heart skipped a beat. I feel happy for unknown reason. Ngumiti nalang din ako sa kanya.   “Aeva, let’s go!” Naputol ang maganda naming pagngingitian dahil sa nagsalita. Nilingon niya ito.   “Sige Tammie si Aeva lang yayain mo!”   “Tampurorut naman itong isang ‘to. Halika narin Stephie. Ice ikaw?”   “You go gurls. I need to take care of my baby pa kasi.” Tanggi nung si Ice habang hinihimas yung motor niyang parang isa itong sanggol. At kumikinang pa ang mga mata.   Ang weird naman ng babaing yun. Baby niya? Yung motor?! Napapailing nalang ako.   “Sige if that so una na kami.” Sabi ni Tammie.   “Machine freak!” Sabay na sabi naman ni Stephie at Aeva.   Naglakad na sila patungo sa campus. Habang itong si Ice ay patuloy parin sa paghimas sa kanyang motor at nakangiti lang.   Machine freak! Nakakatuwa naman sila.   Sinundan ko nalang ang daang tinahak nila dahil time na.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD