S.A.I.N.T.S. – 4: Nicola’s Habit

1390 Words
Gio’s POV   Hindi ko maintindihan si Kaiser kung bakit ayaw niya pang umalis sa parking lot kaya nauna na ako.   Tinamaan siguro sa isa sa mga babae kanina.   Well, kung tutuusin they are all beautiful kaya lang ang we-weird nila. Ibang klase ang trip nila, delikado yun para sa babae.   May dinaanan pa ako bago ako pumasok sa first subject ko which is Philosophy. Hindi ko alam kung bakit  kailangan ko uli i-take ang subject na ito. Tsk! Bahala na nga. Hindi naman studies ang dahilan kung bakit ako nagbalik sa Pilipinas.   I want revenge and that’s all I can say.   Pumasok na ako sa Room 401 marami ng tao at ang ingay. Maraming tao ring napapatingin sa akin mostly mga babae tapos bigla nalang magbubulungan.   “s**t! Sino yan guys ang gwapo naman niya.”   “Nakita ko siya kanina kasama si Kaiser. Magkaibigan siguro sila.”   “Kaya pala gwapo! Parehas sila ni Kaiser my loves!”   Mga babae talaga.   Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko nalang pinansin ang usupan nila. Naghahanap ako ng bakanteng upuan dahil medyo nahuli ako ng pasok, kasalanan din ito ni Kaiser. Umabot na ako sa likod bago nakahanap ng upuan.   May babaing nakaupo sa upuan malapit sa bintana pero nakayuko ito. Hindi ko alam kung tulog ito or what.   “Miss, is this seat taken?”   No response…   Umupo nalang ako dun kasi dumating na yung professor.   “Good morning! I’m Miss Imee Vargas blah blah blah.”   Hindi ko na naintindihan kung anong sinasabi nung professor namin dahil bigla akong napalingon dun sa babaing katabi ko. Bigla kasi niyang inangat ang ulo niya pero nakapikit naman siya.   Di ba? Di ba ito yung huling babae kanina sa parking lot. s**t! Mas maganda pala ito sa malapitan pero bakit siya nakapikit. Tulog kaya? Tiningnan ko siyang mabuti at nagawi ang tingin ko sa lap niya. May nakabukas na libro.   “What’s wrong with you?”   Napatingin ako sa kanya. Tumingin naman siya sa huling tiningnan ko.   “Why are you staring at my lap?”   Kung wala lang akong self-control kanina ko pa nahalikan ang babaing ito. Ang ganda ng mukha niya ang amo and those lips parang nang-eenganyong halikan. Yung paraan ng pagtitig niya nakakaakit kahit halatang iritable. Ang ganda ng mga mata niya.   “Do you know mister that it’s rude to stare?”   Medyo nagtaas na siya ng boses.   “Sorry!” Ang taray naman kasi tumaas din tuloy ang boses ko pagkasabi ko ng sorry.   “You two! At the back! Are you listening?”   Napatingin kami sa harap. Kami yung tinutukoy nung prof. kasi sa amin siya nakatingin.   “Stand up both of you.”   Dahan dahan kaming tumayo.   “Introduce yourself, ladies first.”   “Nicola Barrientos.” Cold niyang pagkasabi sa panagalan niya pero masarap pakinggan yung boses niya.   Tapos sakin naman tumingin yung prof.   “And you?”   “Giovanni Bennett, Ma’am.”   “Very well. Class look at them Ms. Barrientos and Mr. Bennett, what can you say about them?”   “They looked good together ma’am.” Sabi nung isang classmate namin na parang kinilig pa.   “No we looked good together ni Giovanni, Ms. Vargas.” Sabi naman nung isa pang girl tapos maraming nagtilian.   “Mas bagay kami ni Nicola!” Hirit naman ng isang guy dun sa likod sabay sipol pa. Kaya ang nangyari umingay ang buong klase.   “Ok class behave!” Sumigaw na si Ms. Vargas at tinginan ng masama ang buong klase kay nanahmik ang mga classmate namin.   “What can I say about the both of you? You are noisy and very disrespectful. So I want the both of you to go out and finished whatever issues you have outside!”   Wow! Ang galling lang. First day of class at ako’y pinalabas.   Rhyming…   Nakita ko nalang na naglakad palayo yung si Nicola. Kita mo yung babaing yun ang sama ng ugali, iniwan ako dito sa labas kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari ito.   Pero sa totoo lang kasalanan ko din naman kasi.   Hindi ko maiwasang hindi mag-stare…     Nicola’s POV   Why is this happening to me? Kahit anong gawin ko ngayong araw na ito nabubwisit ako. Una kay Iseah at ngayon naman sa bwisit na Giovanni na yun.   Alam ko naman kung bakit hindi maiwasan na hindi tumitig sa akin. Obvious na obvious kasi. Ang ganda ko kaya. Sobra! Pero hindi ko yun binobroadcast katulad ni Stephie at Aeva.   Naistorbo tuloy ako sa pagbabasa ng libro.   Pagpasok ko palang kanina ang dami ng tumititig sa akin, kaya napayuko ako. Hindi kasi ako sanay na palaging tinitingnan. Kumukulo ang dugo ko. Kaya yun naghanap ako ng upuan malapit sa likod at sa gilid ng bintana. Nakayuko narin akong nagbasa . Pagkatapos kong basahin yun isang chapter…inangat ko yung ulo at ako’y pumikit. I have this weird habit….after I finished reading a chapter of a book I will close my eyes and I will be on that scene. I like I was a part of it. I can see the characters faces, their facial expressions and movements, I can hear their voices their conversations.   And that habit of mine is indeed useful every time we had a mission. Sa  pamamagitan ng kakayahan kong yun nagagawa ko ng madali ang lahat. Pagpasok ko palang sa lugar katulad ng ginagawa ko sa mga librong binabasa ko, I will observe the place first and memorized every parts and details of that place and then close my eyes. Maglalabasan na ang mga scenario na maaaring maganap sa misyon naming iyon.   Kailan ko lang natuklasan na pwede kong gamitin ang kakayahan kong iyon sa mga misyon namin dahil nung una sa mga libro ko lang naman ito nagagamit. Hindi lang naman ako ang may kakaibang kakayahan, lahat kaming anim na miyembro ng SAINTS meron.   Naglalakad lakad ako pagkatapos akong palabasin nung professor namin sa philosophy, wala akong balak na makipag-usap sa Giovanning yun. Bahala siya sa buhay niya.   Sige lang ang lakad ko hindi alam kung saan ako pupunta. Lumiko ako sa left side ko ng may nabungo akong isang nerd na babae. Natumba kaming pareho.   “Sorry Cola, hindi kita nakita ang labo kasi ng eyeglass na ito e.”   Ei…kilala niya ako?   Sabay din kaming tumayo.   “Do I know you?”   “Hindi mo ako nakilala Cola?! Wow! Effective pala itong disguise ko! Yes, yes, yessss!”   Nagtata-talon pa si nerd. Naweweirdohan ako sa kanya. Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.   She looks familiar….and her touch parang si….   “Lovey!”   Lovey? Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin na Lovey e…   Si Iseah at siya lang ang may lakas ng loob na hawakan ako.   “Nangyari sayo?”   “Mahabang kwento Lovey, galit ka pa ba sa akin?”   “Hindi na. Basta don’t do that ever again! Ang pasakayin o ipagamit sa akin ang mga inventions mo. Dahil pag ako talaga naiinis at napuno sisirain ko lahat ng yun!”   Nakarinig nalang ako ng paghikbi pagkatapos kong sabihin yun kay Ice.   “Are you crying?”   Tinanong ko nalang kasi hindi ko makita yung mata niya. Ang kapal kasi nung eyeglasses niya.   “Kasi…waaahhh..Cola …wala na yung baby motor koooo!!” Sinabi niya sa pagitan ng paghikbi.   Kung hindi lang ako sanay dito kay Ice, iisipin kong nababaliw na ang isang ito,pero ganito talaga si Ice. Hindi siya si Ice kung hindi siya ganito.   Tumahan na siya sa pag-iyak.   “Bakit anong nangyari?”   “Huwag mo nalang itanong. Kaya nga ako nag-disguise e, kasi naibunggo ko yung motor ko sa sasakyan ng isang gangster nung nag-remote control mode ako. Ayaw ko kaya ng may enemy.”   “Huwag itanong e sinabi mo naman. Teka nga pumasok ka na ba sa first subject mo?”   “Hindi pa. Mamaya pa yun. E ikaw di ba first subject mo ngayon, bakit nasa labas ka?”   “Pinalabas ako nung prof., may bwisit kasing lalaki sa loob ng room. Titig ng titig.”   “Ang ganda mo kasi Lovey e! Kaya loves na loves kita.”   Pagkatapos naming mag-usap ni Ice, bumalik na ako sa room para kuhain ang mga gamit kong naiwan. Hindi ko naman kasi dinala yun palabas. Pinagtitinginan na naman ako ng mga students dito, but I just give them a cold stare.   Pagkakuha ng gamit ko ay naglakad na ako palabas kaya lang dadaanan ko yung mga istudyanteng gagamit yata sa room na ito. Puro sila babae at naghaharutan pa. Tulakan sila ng tulakan. Nalagpasan ko na sila kaya lang naitulak ng sobrang lakas nung girl yung isa niyang kasama kaya ang nangyari natumba siya sa likod ko pati ako na-out of balance kaya matutumba ako sa taong nakakasalubong ko.   At sa dinami-dami pa naman ng pwedeng kong masalubong siya pa.   Si Giovanni Bennett.   Sabay kaming natumba samantalang yung babaing nakatumba sa akin ay nakakuha ng equilibrium kaya ayun nakatayo parin siya, samantalang ako ito nakapatong sa nakahigang si Giovanni.   Nakahawak siya sa beywang ko samantalang nakahawak naman ako sa matigas niyang dibdib.   At sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, bigla nalang akong pumikit.   May imahe na pumasok sa isip ko tulad ng nangyayari pagnagbabasa ako ng libro at pag may mission kami.   Kaming dalawa ni Giovanni.   We are kissing…   Very intense…   Very passionate…   And we are both naked.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD