Six months later... "FOR THE past years, I never told you I love you. Nahihiya kasi ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, wala akong karapatang magbanggit ng anuman tungkol sa pagmamahal samantalang hindi ko maibahagi sa 'yo nang husto ang sarili ko, samantalang hindi ko maibigay sa 'yo ang apelyido ko." I knew it. Napailing si Alexis habang nakatitig sa kanyang ama na naglalakad palapit sa mesa nila ng ina. Kanina lang ay nasorpresa pa silang lahat nang marinig itong umawit sa mismong restaurant kung saan sila niyaya nito. Pero hindi pa pala roon natatapos ang mga pakulo nito. Natahimik ang lahat ng mga kumakain sa lugar na iyon habang tutok na tutok sa kinakabahang anyo ng bise-presidente ng bansa na ngayon ay nakalapit na sa mesa nila hawak pa rin ang mikropono. "All these yea
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


