Halos manlabo ang mga mata ni Cas dahil sa luha habang pinagmamasdan niyang maglakad si Lilith papalapit sa kaniya. Kumikinang ito na tila perlas at ang kagandahan ay mahahalintulad sa isang Dyosa. May luha rin sa mga mata nito ngunit ubod nang tamis ang ngiti sa mga labi. The next thing they knew, the priest was announcing that they were already Mr. and Mrs. Lacsamana. "Mabuhay ang bagong kasal!" Tila musika sa pandinig ni Cas ang kaliwa't kanang pagbati ng mga panauhin. Magkahawak ang mga kamay nila ni Lilith at halos lakad-takbong tinatahak ang labasan. Habang tinitingnan niya ang mga malalapit na bisita'y pakiramdam niya'y nire-review din niya ang kanyang buhay. Ang kanyang ama, ang mga magulang ni Lilith, ang kanyang mga kaibigan, sina Savanna at Patrick, at si Cara ay pawang mg

