HINDI na yata makapaghintay ang baby ko para sa honeymoon namin. Kausap niya ngayon ang ibang kamag-anakan nila. Kausap ko naman sina general. Hindi ko akalaing matutupad ang pangarap kong mapangasawa ang babaeng nagpatibok ng puso ko. "Congratulation, Andrei, sa wakas natagpuan mo na ang babaeng para sa iyo," sabi ni Gen. Flores. "Salamat po, General Flores," pasasalamat ko. Kinuha ko siyang Ninong sa kasal namin ni Fatima. Naging mabuti rin sa akin si General Flores kagaya rin siya ni General Ramos na itinuring akong parang anak. Natapos ang salo-salo sa isang hotel. Dito na rin ang honeymoon naming mag-asawa. "Baby, mukhang pagod ka na? Paano na 'yan mas papagurin kita mamaya," sabi ko sabay kindat sa maganda kong asawa. Namula ang mukha niya na mas lalo nito ikinaganda. Gustong

