Episode 3

2047 Words
Napatingin ako sa bagong dating na isang matangkad na lalaki. Sino kaya iyon bakit kausap ni Daddy. He is so guwapo may crush na ako sa kanya. Kaso ang tanda na parang Kuya ko na lang. Tinawag ko si Daddy. " Daddy!" Lumapit ako sa kanya at napakapit sa braso ng Daddy ko dahil para akong nakakita ng artista. Mas guwapo siya kapag malapitan. Ang tangkad niya halos magkapantay na sila ng Daddy ko. May isa pa siyang kasama na lagi kong nakikita dito sa bahay. Si Kuya Kael. " By the way she is my daughter Fatima. Siya ang babantayan mo Andrei ikaw ang magiging PA niya kapag lalabas ang anak ko." Sabi ni Daddy sa lalaki. Napatingin ako sa kanya at napanguso ako habang sinisipat sipat ko ang kabuuan niya. Napangiwi ako ng nginitian ako ng Kuya. Bakit naman niya ako ngingitian kilala ko ba siya? " Makakaasa po kayo General na gagawin ang trabaho ko at hindi po kayo mabibigo sa akin." Sagot niya kay Daddy. Bakit sa ibang tao seryso si Daddy pero sa Kuya na ito nginingitian niya pa anong meron sa kanya. Hindi naman siya maputi ang itim niya nga tsaka mukha siyang mahirap. " Good, aasahan ko iyan. Alam ko naman mabuti kang bata" tinapik ni Daddy ang balikat ng Kuya. Napatingin ito sa akin nagulat ako ng kinindatan niya ako. Hala bakit niya ako kinindatan. Kaya naibaling ko sa iba ang tingin ko. Nag-init ang buong mukha ko kasi first time ko na may kumikindat sa akin. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi naalala ko iyong ginawa ni Kuya Andrei. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko kaya napahinto ako sa pagbaba ng hagdan. Crush ko na ba siya? Napakagat ako ng labi kasi kapag naiisip ko siya ang saya ng pakiramdam ko tapos ang bilis ng t***k ng puso ko. Napangiwi ako ng maalala ko pala matanda na iyon tsaka mahirap lang siya. Hindi ko na pala crush tsaka may boyfriend na ako. Pagkapasok ko sa dining area tinawag ko ang yaya ko. "Yaya" "Good morning Senyorita" Nagulat ako ng makita ko si Kuya Andrei lumapit ito sa akin. Pinasadahan na naman niya ako ng tingin. Kumunot ang noo ko. What he's doing here? At this early morning? Naconscious sa tingin niya sa akin kaya nag-init na naman ang mukha ko. Hindi kasi ako sanay na tinitingnan ng ganun. Lumapit na ako sa table para umupo na. Napalingon ako sa kanya ng inayos nito ang uupuan ko. He gives me smile, I rolled my eyes on him. "Senyorita ako po ang magiging personal assistant niyo. Ako po ang mag-aasikaso ng mga pangangailangan niyo." sabi ni Kuya Andrei. Ganito ba talaga itong si Kuya kapag nakikipag-usap titig na titig? "So ikaw na ang yaya ko?"Sabi ko sabay nguso ko. Tumango ito. " For only six months baby I mean Senyorita." Pailalim ko itong tiningnan. Bakit niya ako tinawag na baby? I am not a baby anymore. Sinimulan ko ng kainin ang hinanda ni yaya. Napapatingin ako sa gawi ni Kuya Andrei kasi mukha siyang guard na nakatayo sa tabi ko lang. Tapos mukhang tanga pangiti ngiti pa sa akin. "Pati ba naman dito sa loob ng school susundan mo pa ako?" Naiinis na sabi ko kay Kuya Andrei kasi kahit nasa loob ng school nakasunod pa din siya sa akin. "Of course, baby I mean Senyorita. Bilin po ng Daddy niyo. Kung may ipag-uutos kayo sa akin tell me." napasimangot ako. Pa english english pa ang tigas naman ng salita niya. Gusto ko sanang huwag niya akong tawaging baby dahil dalaga na ako. "Puwede ka ng lumabas doon mo na lang ako hintayin. Wala naman akong ipag-uutos pa." Mataray na sabi ko sabay tinalikuran ko na. Akala ko aalis na pero sumunod pala sa akin hanggang loob ng school. Kaya hindi ko na lamang kinausap. Kakainis siya kapag ngumingiti akala mo naman handsome siya. Ang itim itim niya! Sinalubong ako ng mga besty ko sa school. Si Lisa at Maine ang mga kaclose ko dito. Magkakalevel kasi kami ng taba. Mga chubby din sila pero magaganda naman kami. Napasulyap ang dalawa kong besty kay Kuya Andrei. Halos kiligin silang dalawa. Bakit naman sila kikiligin sa maitim. Yuck! Napangiwi ako. "Who’s with you Fat?" Tanong ni Lisa pero hindi ko sinagot para ano pa, duh. "Good morning mga beautiful" Napairap ako, itong dalawa kong besty kung makakilig para silang nangingisay. Sinabihan lang ng beautiful mukhang mga tanga. "Hi kuya good morning!" Bati nila kay Kuya Andrei. Napairap ako ng tiningnan niya ako. “Come on guys magstart na class natin." Inaya ko na ang dalawa. Sa loob ng room malaya na ako kaya sobrang saya ko. Lalo pa ngayon nandito si Gerald. Kailan ko lang siya sinagot. Inamin niya na may crush siya sa akin. Kaya kahit wala pang ligaw ligaw sinagot ko na kaagad. Crush ko din naman si Gerald. He’s kind and super guwapo. " Fat punta ka sa birthday ko sa linggo, huh? Ipapakilala na kita kay Mommy at Daddy para formal na ang relationship natin." Napangiti ako. Gusto ko din silang makilala. But I am afraid to Daddy kung payag siya sa relasyon namin ni Gerald. Parang malayo yatang mangyari na, he will accept him. " Really? I'm going to your birthday promise. Excited na ako" I said. "We got to go now Senyorita." Napatingin kami pareho ni Gerald kay Kuya Andrei. "I'm not going home yet. If you want to go home alone, you can go now!" mataray na sabi ko. Nakakainis bakit ba kasi kumuha pa ng personal assistant ko si Daddy meron na akong bodyguard. "No Senyorita uuwi na tayo." sabi nito kaya lalo akong nainis. "Umuwi ka na! Narinig mo ba sinabi ng girlfriend ko?" napataas ng kilay si Kuya Andrei sa sinabi ni Gerald. Nanlaki ang mata ko maalala ko pala hindi pa alam ni Daddy na may boyfriend na ako. Baka magsumbong si Kuya Andrei. "Ikaw bata anong pangalan mo?" tanong niya kay Gerald. "Gerald bakit mo tinatanong?" balik tanong din nito kay kuya. " Wala bakit? Kung makasabi ka ng girlfriend parang kaya mo ng buhayin itong si Senyorita. Hindi mo ba alam na hindi puwedeng ginugutom iyan?! Kita mo naman hindi ba? Ang angas mo din bakit mas matangkad ka na ba sa akin at kung makatingin ka kaya mo akong suntukin?" yumukod ito para tuloy siyng higante unano si Gerald. "Parang hindi ka pa makakabuntis niyan eh. Tuli ka na boy?" gusto kong itulak si Kuya Andrei. Napakadumi ng utak niya. Ang bastos niya! Halos mamula na sa galit si Gerald dahil sa pang-aasar ni Kuya. Bigla niyang tinapik ito ng malakas sa likod. Kaya napaubo si Gerald kaya nilapitan ko na sila.. "Boy magpatuli ka muna bago mo ako hamunin!" Biglang nag-init ang ulo ko. " Hoy wala kang right saktan ang boyfriend ko!" Sigaw ko sa kanya. "Alam ba ng Daddy mo na may boyfriend ka na?" Tanong nito. Bigla naman akong natigilan. Napanguso ako bigla. "N-no don't tell Daddy. He'll get mad at me" Nauutal na sabi ko. Nakita kong napataas ang sulok ng labi niya. Bigla akong kinabahan. "I will tell your Dad about it. And you, young boy ihanda mo na ang sarili mo kay General!" Pananakot nito sa boyfriend ko. Halos mamutla na siya dahil knowing Daddy siguradong patay siya doon. Hinawakan ko ang braso ni Kuya Andrei muntik na akong mapabitiw dahil para akong nakuryente ng hawakan ko ang braso niya. Parang natigilan din ito ganoon din kaya naramdaman niya? "Please don't tell Daddy!" Pakiusap ko. Hinawakan ko ang braso niya. "Sorry baby I mean Senyorita sasabihin ko pa din. Trabaho kong bantayan kita at ireport lahat ng ginagawa mo." Sabi niya. Sa insi ko binitawan ko bigla ang braso niya. Ang sama niya! Kainis bakit kailangan pa niyang sabihin puwede naman huwag na lang. "Let's go we're going home na." Sabi nito. Napairap ako kasi trying hard na mag-english. Ang tigas naman ng diction niya. Nagpapadayak ako sa sobrang inis naglakad na ako papunta sa parking lot. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ibinalibag ko ang bag ko. Humalukipkip ako habang masama ang tingin ko sa n***o na ito. Isang ngiti lang ang sinukli niya sa akin na mas lalong ikinainis ko. Inambaan ko siya ng suntok. Pero hindi naman niya ako pinatulan. Pagkapasok ng bahay nakita ko na kaagad si Daddy. Kaya kinabahan ako. Napasulyap ako kay Kuya n***o. Mukha din takot kay Daddy. “Ano’ng irereport mo sa akin ngayon Andrei?” Bungad kaagad na tanong ni Daddy kay Kuya Andrei. I swallowed hard. I hear my heart beating so fast because I am nervous. Napahawak ako sa trap ng bag ko ng mahigpit. Napasulyap sa akin si Daddy nang hindi ako umalis sa harapan nila. “Sa loob tayo ng library mag-uusap.” Suggestion ni Daddy. Napasulyap ako kay Kuya Andrei. Nakikiusap ang mga tingin ko sa kanya. Napabaling kay Daddy ang tingin niya kaya mas lalo akong nainis sa nognog na ito. Pagkatapos nilang mag-usap ni Andrei sa library. Kinausap ako ni Daddy sa may sala. Galit na galit siya sa akin. "Daddy sorry sasabihin ko naman. Pero naunahan lang ako eh." Nakayukong sabi ko kay Daddy. Ayokong salubungin ang tingin niya. Mas lalo akong natatakot. " I told you Fatima hindi ako pabor diyan sa pinaggagawa mo! Imbes na pag-aaral ang atupagin mo pagboboyfriend iyang ginagawa mo! For pete sake you are too young to have a boyfriend! I will talk to that Gerald humanda ang batang iyan sa akin! Hindi ako kunsintidor na magulang na lahat ng gusto mo masusunod! From now on you're grounded! Hindi ka na puwedeng lumabas na hindi kasama si Andrei at ayokong ayokong makikipag-usap ka pa sa Gerald na iyon! Walang cellphon, walang computer magmula sa araw na ito! Do you understand! " Kahit labag sa kalooban ko ang kagustuhan ni Daddy tumango ako. Napaiyak ako. Tinalikuran ako ni Daddy pumunta siya kay Kuya n***o. Sa sobrang sama ng loob ko nagtatakbo ako papunta ng room ko. Iyak lang ako ng iyak dahil sa sama ng loob. Kasalanan lahat ni Kuya Andrei kung hindi siya nagsumbong kay Daddy hindi ako papagalitan ng ganoon. Nasigawan niya pa ako hindi pa nangyayari yun noon, ngayon palang. Narinig kong may kumatok sa pinto. Baka si Yaya lang iyon. Hindi ko ito pinagbuksan. " Senyorita, magpapaalam lang ako. Sorry kung napagalitan ka ng Daddy mo nang dahil sa akin. I hope you understand. It's my duty to tell everything to your Dad. Kung hindi ko ginawa iyon baka masisante ako. Tsaka ginawa ko lang ang tama. Hindi ka dapat naglilihim sa Daddy mo. Paano kung may balak na masama ang batang iyon? Hindi natin alam. You should be careful next time. Hindi naman para sa amin ito para din sa kabutihan mo." sabi ni Kuya Andrei. Hindi ko ito nilingon dahil galit ako sa kanya. " Umalis ka na! Galit ako sa iyo" Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. " Baby, sorry hindi ko naman ginawa iyon para lang pagalitan ka ng Daddy mo. Ginawa ko iyon dahil concern ako sa iyo. Huwag mo sanang masamain ang ginawa ko. Bata ka pa sa ganoong bagay. Hindi mo dapat siniseryoso ang pag-ibig. Malalaman mo din yan kapag nasa tamang edad ka na. Pero ngayon puppy love lang iyang nararamdaman po para sa batang iyon. Sana maintindihan mo." Paliwanag nito. Tumulo ang mga luha ko kasi ngayon lang ako pinagalitan ng Daddy. He never raises his voice at me ngayon lang talaga. Napatingin ako sa kanya ng pinahid niya ang luha ko sa mata. " Tahan na baby sorry na." Sabi nito. " You have to sleep now." Pagkasabi nun tumayo na ito. Nakatayo lang siya sa may pinto na parang hinihintay niya pa akong matulog. Kahit inis ako tinanong ko pa din siya. " Hindi ka pa uuwi Kuya?" Tanong ko. Umiling lang ito. " Kapag nakita kong tulog ka na tsaka palang ako uuwi." I decided to go to sleep na. I wanted him to leave. Nagdim na ang room ko at narinig ko na lamang na sinarado na niya ang pinto. Napaluha ako dahil baka paghiwalayin na kami ni Gerald. Ayokong mangyari iyon. I need to do something.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD