Chapter 1

1782 Words
Sunny's POV May mga araw talaga na paggising mo pa lang, alam mo nang malas na agad. Hindi mo pa nga nabubuksan nang maayos ang mata mo, pero ramdam mo na. Parang may invisible na kamay na bumubulong sa’yo: Hoy, Sunny. Huwag ka nang umasa. Lunes ngayon. At siyempre, Lunes pa talaga. Ang pinakaayokong araw sa buong linggo. "Sunny! Bumangon ka na! Male-late ka na naman!" sigaw ni Mama mula sa baba. Napadaing ako at mas lalo pang ibinaon ang mukha ko sa unan. "Five minutes..." "Sinabi mo na 'yan fifteen minutes ago!" Napapikit ako nang mariin. Traitor. Hindi ko alam kung bakit ang hirap bumangon kapag Lunes. Parang lahat ng buto ko ay may sariling opinyon at lahat sila ay nagsasabing, hindi, hindi tayo papasok ngayon. Pero wala akong choice. Kung hindi ako babangon, si Mama ang babangon para sa’kin. At mas nakakatakot siya kapag kulang sa tulog ako kaysa kapag galit siya. Kaya kahit mabigat ang katawan ko, pilit akong bumangon at naglakad papunta sa banyo na parang zombie na may tuition fee. Habang nagsisipilyo ako, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Messy ponytail. Puffy eyes. Mukhang may sariling buhay ang eyebags ko. Napabuntong-hininga ako. "Ang ganda mo, Sunny," bulong ko sa sarili ko. "Very presentable. Very human. Very hindi mukhang gusto nang sumuko sa buhay." Hindi ako natuwa sa nakita ko, pero wala naman akong energy para ayusin pa ang sarili ko nang bongga. Konting hilamos, konting ayos ng buhok, konting dasal na huwag akong mapansin ng kahit sino. Paglabas ko ng kwarto, amoy ko agad ang almusal. May itlog, sinangag, at kape si Mama sa mesa. Simple lang, pero sa totoo lang, iyon ang klase ng umagang nagpaparamdam sa’kin na kahit papaano, may isang bagay pa ring normal sa mundo. "Pumasok ka nang walang gulo ha," sabi ni Mama habang nilalagay niya ang itlog sa plato ko. Napanguso ako habang umuupo. "Ma, parang kasalanan ko lahat ng away sa school." Tinignan niya ako nang diretso, yung tingin na alam mong may kasamang sermon kahit hindi pa siya nagsasalita. "...Hindi ba?" "Ouch." Napatawa siya, at kahit gusto kong magkunwaring na-offend ako, hindi ko rin napigilan ang ngiti ko. Hindi naman ako bully at hindi rin naman ako santo. Sadyang... hindi lang ako marunong umatras kapag may kupal na nang-aasar. Kapag may nagsalita nang mali sa harap ko, automatic na may sagot ako. Kapag may nang-api, hindi ako yung tipo ng taong tatahimik lang at magpapanggap na okay lang. Hindi ko kaya 'yon. Baka mas lalo lang akong mainis. Kaya oo, may reputation ako sa school. At oo, minsan deserved. "Huwag kang uuwi nang may guidance slip," sabi ni Mama habang umiinom ng kape. "Promise." "...Half promise." Napailing siya, pero alam ko na yung ngiti niya. Alam niyang hindi ako mapipigilan kapag may nangyari na namang nakakainis sa araw ko. At honestly? Hindi rin naman ako sure kung gusto kong pigilan. Pagdating ko sa university, halos puno na ang parking lot. Ang daming tao. Ang daming ingay. Ang daming nagmamadali. Lahat sila mukhang may sariling buhay na maayos ang takbo, habang ako ay halos nakikipag-deal sa sarili kong katamaran para lang makapasok sa building. Masyado akong tamad maglakad kaya halos tumakbo na ako papunta sa Arts Building, hawak ang bag ko habang pilit na hindi nadadapa sa sariling paa. "Hoy!" May biglang bumangga sa balikat ko. Napahinto ako at napalingon. Si Jasy. Hingal na hingal. Mukhang tumakbo rin siya. "Oy, sorry!" sarkastiko kong sabi, kahit siya naman ang bumangga sa’kin. "Ako pa talaga ang sorry?" reklamo niya, nakahawak sa dibdib niya. "Akala ko iiwan mo na naman ako." "Aba, kasalanan ko bang late ka?" "Kasalanan mo lahat." Napairap ako. "Drama mo." Bago pa siya makasagot, may dumapo nang braso sa balikat ko. "Good morning, mga problematic." Si Kit. May hawak siyang iced coffee na parang hindi siya kailanman nagmamadali sa buhay. Fresh na fresh ang buhok, relaxed ang mukha, at nakakainis dahil mukhang kahit anong oras siya gumising, mukha pa rin siyang okay. "Eto na naman tayo," sabi ko. "Tingnan mo nga mukha ni Sunny," sabi niya kay Jasy. "Ano na naman?"inirapan ko siya. "Parang gusto na namang manapak." "Tama ka," sagot ni Jasyn a tumatawa. Napahalakhak silang dalawa habang ako naman ay napapailing na lang. Sila lang talaga ang may lakas ng loob mang-asar sa’kin nang hindi nauuwi sa suntukan. Siguro dahil alam nilang kahit mainis ako, hindi ko rin sila kayang seryosohin nang matagal. Magkakaibigan na kami simula first year. Si Jasy ang madaldal. Siya yung tipo ng tao na kahit walang kwenta ang topic, kaya niyang gawing entertaining. Si Kit naman ang tahimik pero may timing sa pang-aasar na sobrang sakto, kaya mas nakakainis. Ako? Ako yung laging sinasabihang may anger issues. Hindi naman siguro. Depende lang talaga sa kaharap. Habang naglalakad kami papunta sa classroom, may nadaanan kaming grupo ng estudyante na nagkukumpulan sa may bulletin board. May ilan na nakatingin sa cellphone nila, may ilan na nagbubulungan, at may ilan na mukhang hindi na talaga interesado sa klase. "Ano meron?" tanong ni Kit, bahagyang nakatingin sa direksyon nila. "Ewan," sagot ni Jasy. Narinig ko ang ilang piraso ng usapan habang dumadaan kami. "Narinig mo ba? May viral video daw kagabi." "Yung lalaki raw kinagat asawa niya." "Fake news lang siguro." Napakunot-noo ako. Hindi na bago ang kung anu-anong kalokohan sa internet. Lahat na lang ngayon gustong gawing content. Lahat na lang gustong gawing viral. Kahit anong weird, kahit anong disturbing, basta may views. Pero may kakaiba sa tono nila. Hindi yung usual na tsismis lang. Hindi yung excited na chismisan sa campus. Parang may halong kaba. Parang may hindi sila sinasabi nang buo. Tinignan ko sandali ang grupo, pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Wala akong energy para makisawsaw. At saka, may klase pa kami. Pagpasok namin ng classroom, bumungad agad sa amin ang professor naming mukhang ipinanganak na galit sa mundo. Hindi siya yung tipong nakakatakot dahil malakas ang boses. Nakakatakot siya dahil kahit tahimik lang siya, parang gusto mo nang humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan mo simula pagkabata. "Late." Napatingin siya sa relo niya. "...By thirty-eight seconds." Napakurap ako. Grabe. Binibilang pa talaga. "Sorry, sir," sabi ko, kahit gusto kong sabihin na sir, thirty-eight seconds lang naman, hindi ako nag-commit ng krimen. "Sit." Tahimik kaming umupo. Hindi pa man nagsisimula ang lecture, gusto ko na agad umuwi. Lumipas ang halos dalawang oras bago kami binigyan ng activity. Arts and Crafts. Favorite ko? Hindi. Pinakaayaw ko. Hindi dahil hindi ako marunong gumawa. Marunong naman ako. Pero kapag sinabihan akong "create something meaningful," parang biglang nagla-lock ang utak ko. Meaningful? Pwede bang practical na lang? Pwede bang cute? Pwede bang kahit ano basta hindi ako mapahiya? "Create something meaningful," sabi ng professor bago siya lumabas ng classroom. Meaningful. Sige nga. Parang ang dali. Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga colored papers sa harapan ko. May glue, gunting, markers, at kung anu-ano pang art materials na mukhang mas excited pa sa’kin. Tinupi ko ang isang papel. Binuksan at tinupi ulit. Mukha na siyang basurang dapat itapon. "Sunny." Hindi ko pinansin si Jasy. "Sunny." "Ano?" Napairap ako sa kanya. "Kita mo naman, diba? Wala akong inspiration." Pagmamaktol ko tsaka dinukdok ang ulo sa mesa. "Meron." "Saan?" "Sa galit mo." Siniko ko siya sa tagiliran. "Ayoko ng ganitong friendship." Bored kong sabi tsaka inirapan siya. "Too late," sabi ni Kit mula sa likuran namin, hindi man lang tumitingin sa ginagawa niya. "Pwede kang gumawa ng dragon." "Tumigil ka." Pinandilatan ko siya ng mata. "Kamukha mo." "Tumigil ka sabi." Napatawa sila pareho. Ako naman, napailing na lang habang pilit na iniisip kung anong gagawin ko sa papel ko. Hindi naman ako totally walang creativity. Minsan lang talaga, kapag pinipilit akong maging artistic, mas lalo akong nawawalan ng gana. The classroom had barely emptied when Jasy threw an arm over my shoulder. "Tara, canteen?" "Tara. Gutom na 'ko." "Libre mo kami," singit ni Kit. Napairap ako. "Kapal ng mukha." "Nagtatanong lang naman." "Hindi nga 'yon tanong." Habang nagtatawanan kami palabas ng building, biglang may humarang sa daan namin. Matangkad, malinis ang suot na puting polo. Mukhang galing sa meeting, hindi sa klase. Parang hindi siya bagay sa magulong hallway ng university na ito. Napakunot-noo ako. Hindi ko siya kilala. "Sunny Iren Costellejo?" Napalipat ang tingin ko kina Jasy at Kit. "May utang ba 'ko?" bulong ko. Pareho silang umiling. "Baka admirer mo," pabulong na sabi ni Jasy Osaka mahinang tumawa. "Kung admirer 'yan, ang sungit naman." Biro naman ni Kit. Napairap ako bago humarap sa lalaki “Bakit?” Walang gana kong tanong. "Can we talk?" tanong niya matapos ang ilang segundong katahimikan. "We are already talking.” Sarkastiko kong sagot tapos tipid na ngumiti. “Tsk.” Maikli. “Ahh Sunny, hintayin ka nalang naming sa canteen ah.” Paalam ng dalawa na tinanguan ko lang. Binalik ko ang tingin sa lalaki. Mukhang hindi ito tungkol sa simpleng usapan. At kahit hindi ko pa alam kung ano ang gusto niya, may kutob akong sisirain nito ang tahimik kong Lunes. “Ikaw ba ang nag vandalized sa sasakyan ko?” Ma awtoridad niyang tanong. Ano daw? “Pinagsasabi mo?” Tinaasan ko siya ng kilay. Aba mapagbibintangan pa ata ako nito. “Ikaw ba ang nag vandalized sa sasakyan ko?” Pag uulit niya. Lakas ng tama nito ah. May ebidensya ba to? “Pinagbibintangan mo ba ako?” “May nakakita.” “Tsk, at naniwala ka naman.” Natahimik siya. Loko to ah, lakas ng trip. Hindi ko nga maalala na dumaan ako sa may parking area. Baliw! “Huy kong sino ka man, wala akong alam diyan sa mga pinagsasabi mo. Hindi ako nag vandalized sa sasakyan mo!” Inirapan ko siya. Napalabi siya tumikhim bago magsalit. “I warn you Costellijo, hindi lang usap ang aabutin mo sa akin sa susunod.” “Tinatakot mo ba ko?” “Depende.” Tipid niyang sagot tsaka tumalikod at naglakad palayo sa akin. Baliw na ata tong lalaking to. Sana madapa ka! Kakatapos lang naming lumamon kaya bumalik na kami sa classroom. May mga estudyanteng nakadikit na sa cellphone nila. "Pare, tingnan mo 'to." "Grabe..." "Edited ba 'to?" Narinig ko lang iyon habang bumabalik ako sa upuan ko. Tinignan ako ni Jasy, halatang gustong-gusto nang magtanong. “Parang nagkakaproblema na ata sa labas.” Malungkot na sambit ni Jasy habang nakatingin sa labas ng binatan. Napairap ako. "Wala naman atang pinagbago eh, magulo pa rin.” Wala sa sarili kong sabi. Hindi ko maiwasang mapatingin sa hawak kong selpon. Kanina pa ako tinatawagan at tinetext ni Papa, pero wala akong gana makipag-usap sa kanya. Masama pa rin loob ko dahil sa ginawa niya kay Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD