MADALING dumaan ang isang linggo sa amin ni Yosef. Pagkatapos noong naging pagtatalo namin sa hospital ay napansin ko na medyo umiiwas siya. Hindi kami masyadong nagkakausap. Kung mag-uusap man ay maikli lang at natatapos agad. Hindi niya rin ako kinukulit na. Pati nga ang pagsunod-sunod niya sa akin sa trabaho ay hindi na niya ginagawa. Pero sa kabila no’n ay wala pa rin siyang palya sa pag-aasikaso niya sa akin. Ngayong umaga ay tinanghali ako ng gising. Tumunog naman ang alarm ko pero hindi ako nagising kanina. Gabi-gabi kasi ay hindi ako masyadong nakakatulog dahil binabagabag ako ng sitwasyon namin. With the two of us, I am the one who should adjust. I pushed myself here, alam ko na dapat ay manindigan ako pero hindi ko magawa. Dalang dala pa rin ako ng galit. I checked my phone