***Belle POV*** "O, BAKIT ngayon ka lang?" Kunot noong tanong ni nanay pagpasok ko ng kusina. Naabutan ko syang naghihiwa na ng mga mga gulay. Alas kwatro pa lang pero naghahanda na sila para sa hapunan. Ngumuso ako. "Pumunta po kami sa bayan ni Sir Strike." Sabi ko at nagmano sa kanya. "Pumunta kayo sa bayan ni Sir Strike? Kelan?" Magkasunod na tanong pa ni nanay at ang mukha nya ay parang di makapaniwala. "Kanina po, kararating lang namin. Naabutan nya po ako kanina na kababa lang ng traysikel tapos niyaya nya po ako." "Tapos sumama ka agad?" "Syempre naman po, nay!" Napa-aray ako ng bigla akong kurutin ni nanay sa tagiliran. Tumawa naman si Ate Tess at ang ibang kasambahay. "At proud ka pang sumama agad. Ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin. E, paano kung may nangyari sayo

