***Belle POV*** "KUYA, dyan na lang kami sa tabi." Untag ko sa traysikel driver. Nagbagal naman sya sa pagpapatakbo at hininto ang traysikel sa tabi ng gutter sa harap ng parke. Naunang bumaba si Tantan na tumalon pa. Nag abot naman ako ng bayad sa driver at bumaba na rin bitbit ang bayong. Hinawakan ko ang braso ng pamangkin. "Bakit may pagtalon ka pang nalalaman? Mamaya e mahagip ka pa ng motor dyan." Sita ko sa kanya habang naglalakad na kami papasok sa pamilihan. "Para feeling superhero." Aniya at umaktong nag di-drible ng bola sabay shoot sa ere. Ngumisi ako. "Feeling superhero e di ka pa nga tuli." Pang aasar ko sa kanya. Napanguso sya at namula ang mukha. "Tita naman, e. Ilakas nyo pa po kaya." Tumawa ako. "Uy, nahihiya sya. Bakit ka nahihiya, ha? May crush ka na, no?" D

