***Belle POV*** "PAMBIHIRA ka naman Vangie. Ako talaga pinangsakalan mo kay Tyler para magbigay ulit sya ng ube halaya." Sita ko kay Vangie at pabirong kinurot ko sya sa singit na kanyang ikinatili. "Sorry na. E kasi, alam kong hindi tatanggi yun si Ser Tyler. Kita mo naman, ang bilis magbigay. Kagabi ko lang yun chinat, ha." Aniya. "Ikaw talaga!" Akmang kukurutin ko ulit sya sa singit pero mabilis syang umiwas at tumili sabay hagikgik. "Sorry na, di na mauulit." "Tss!" Inikutan ko sya ng mata. "Mabuti na lang mabait yung lalaking yun at ang mommy nya." "Mabait talaga yun pati ang mommy nya. Kinukwento nga sa akin ni Ness." "Pero huwag mo ng uulitin yun, ha. Nakakahiya talaga." Sabi ko. "Oo na, di na uulit. Promise. Tikman na natin ang ube halaya ng mommy ni Ser Tyler." Aniya

