***Belle POV*** MAINGAT kong pinaplantsa ang white long sleeve polo ni Strike gamit ang steam iron. Ewan ko ba naman sa kanya. May iba naman syang mga long sleeve polo sa closet nya na mga plantsado na pero ito pa talagang hindi ang pinili nyang suotin. Two weeks na akong naririto sa bahay ni Strike. Ginagampanan ko ang trabahong binigay nya sa akin bilang PA nya. Pero parang mas mukhang yaya nya ako. Ako kasi ang nag aasikaso ng lahat ng gamit nya, pagkain nya, mga kailangan nya. Hindi pa nya ako sinasama sa mga lakad nya sa labas at dito lang ako sa loob ng bahay nya. "Belle, tapos na raw ba yang damit ni ser?" Nilingon ko si Vangie na nakasilip sa pinto. "Malapit na 'to." "E, nagmamadali na si ser. Bilisan mo raw. Mahuhuli na sya sa meeting nya." "Nagmamadali pala sya e di su

