***Belle POV*** NAKASIMANGOT ako habang patagong nakatingin kay Strike at Lauren na naglalambingan sa lanai. Halos kumandong na ang babae kay Strike sa sobrang dikit nilang dalawa. Nakakainis din marinig ang malanding hagikgik ng babae na akala mo ay kinikiliti sa tinggil. Okay na sana ang araw ko eh. Napagsilbihan ko si Strike. Ako ang naghatid ng kape sa kwarto nya, nilinis ko rin ang mga kalat nya roon at ako rin ang naghatid ng gamot nya sa sakit ng ulo. Sinamahan ko sya hanggang sa maging okay na ang pakiramdam nya. Tapos biglang dumating ang bruha. Etsapwera na naman ako sa isang tabi. 'Hmp! Nakakainis! Sumakit sana ang ngipin mo.' Inis na sambit ko sa isip habang nakatingin kay Lauren na kumakain ng dala nyang cake. Umikot ang mata ko at umalis na sa pagkakasilip sa malaking

