***Belle POV*** NGUMISI ako ng malapad kay Lauren at lumingon sa lalaki. Ngayon ko lang nakita ng malinaw ang mukha nya at masasabi kong gwapo sya. "Kaano ano mo si Lauren, kuya?" Tanong ko. "Huwag mong sagutin." "Oh, she's my girlfriend." Napangisi ako lalo ng sabay pang magsalita ang dalawa. Pero mas lalo akong natuwa sa sinabi ng lalaki. "Ikaw si Kurt?" Tanong ko pa sa lalaki. "Yeah, why are you asking?" Kunot noong tanong pa nya. Bumaling muli ako kay Lauren na may nakakahiwa ng tingin sa akin. Mariing nakalapat ang mga labi nya at nangangalit ang kanyang panga. Pero hindi ako nagpasindak sa kanya. "It's confirmed. Sino ngayon sa atin ang sinungaling. Oh wait, ngayon wala ka ng takas." Kinuha ko ang cellphone sa bag para picture-an sila ng kulasisi nya. Pero mabilis nya

