***Belle POV*** PASILIP silip ako kay Strike na nasa lanai at abala sa kanyang laptop habang may isang baso ng juice sa table nya. Sabado ngayon at wala syang pasok sa office. Sya kasi ang katuwang ng senyora sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila dito sa Laguna. Kanina ko pa sya gustong lapitan at humahanap lang ako ng magandang tiyempo. Dapat nga kaninang umaga pa ako nagpunta dito sa mansion. Kaya lang ay naglinis pa ako ng bahay. Hindi ako papayagang magpunta dito ni nanay kapag hindi ako naglinis. Hindi naman nakasama sa akin si Roan dahil sinama sya ng mama nya sa kabilang bayan na dumalaw sa mga kamag anak nila. Humugot ako ng malalim na hininga. Ng makaipon ng lakas ng loob ay lumapit na ako kay Strike. "Good morning, Sir Strike." Magiliw na bati ko sa kanya. Tumingin sya sa a

