Chapter 23

1156 Words

***Belle POV*** "BELLE, anak. Gising na, kakain na.." Nagising ako sa boses ni nanay at sa marahan nyang tapik sa aking pisngi. "Nay.." "Kakain na tayo, 'nak." Bumangon na ako at sinuklay ko ng daliri ang aking buhok. "Anong oras na po ba, nay?" Tanong ko. "Aba'y tanghali na. Oras na ng kain." Sabay na kaming lumabas ni nanay ng servants quarter. Tumungo kami sa pantry kung saan may mesang mahaba at doon kumakain ng sabay sabay ang mga kasambahay. Pagdating nga namin doon ay mga nakaupo na sila at may pinagtsi-tsismisan na naman. "Naku, kung nakita nyo lang ang hitsura ng senyora kanina. Kamuntikan ng atakihin sa puso." Wika ni Melba. Bilang isang tsismosa rin ay nakiusyoso ako sa kanila. Umupo ako sa bakanteng upuan. "Bakit po, Ate Melba? Ano po ang nangyari kay senyor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD