***Belle POV*** "B-BELLE.. k-kanina ka pa ba dyan?" Nauutal na tanong ni Lauren na parang tinakasan ng dugo dahil biglang namutla. Binaba nya ang cellphone na nakatapat sa tenga nya kanina. Ngumisi ako. "Oo, at dinig na dinig ko ang pakikipag usap mo sa lalaki mo — I mean pakikipaglandian." Muli syang natigilan at napalunok. Kitang kita ko rin na pinagpapawisan sya. Pero mayamaya lang ay nagtaas noo at kilay sya. "A-Anong pinagsasasabi mo na pakikipaglandian? Hibang ka ba?" "Huwag ka ng mag maang-maangan, Lauren. Huling huli na kita. Bistado ka na!" Mariing wika ko. Ilang sandali syang hindi nakaimik at bumakas ang pag aalala sa kanyang mga mata. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. B-Baka mali ka lang ng narinig. Nakikiamarites ka na nga lang mali mali ka pa." "Ah talaga ba? So

