***Belle POV*** SIMULA nga ng engkwentro namin na yun ni Lauren two weeks na ang nakakaraan ay hindi na ako pinapansin ni Strike. Para lang akong hangin na dinadaanan nya kapag nakikita ako sa mansion. Damang dama ko ang panlalamig nya sa akin at labis akong nalulungkot at nasasaktan. Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko. Si Lauren ba na playing victim o ako dahil naging desperada ako. "Mukhang wapakels na sayo si Sir Strike, ah." Wika ni Roan. Sumama sya sa akin ngayon dito sa mansion dahil wala naman syang gagawin sa kanila. Bumuntong hininga ako. "Kasalanan ng gagang Lauren na yun. Nag sasanta-santahan ang bruha. Ako pa talaga ang pinalabas nyang sinungaling at gumagawa ng kwento." "E, alangan namang umamin sya. Syempre hindi sya aaminin, no. Pero sigurado ka ba talaga sa nari

